Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Aiko Melendez to undergo finger surgery due to boxing injury

by Rommel Gonzales
Nov 28, 2019
Nakatakdang sumailalim sa isang surgery si Aiko Melendez ngayong araw, November 28, dahil sa finger injury na nakuha niya habang nagba-boxing.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

Naka-cast ang kanang kamay ni Aiko Melendez.

Kapansin-pansin ito noong presscon at contract signing ng aktres bilang endorser ng F2N Fortune Marketing—distributor ng Theobrama Superfood—noong Martes, November 26, sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Kinagabihan, sa pamamagitan ng isang Facebook live broadcast, ay nagbigay ng pahayag si Aiko tungkol sa kanyang aksidente.

Ito ay boxing-related injury, at nakatakdang sumailalim sa isang surgery ngayong araw, November 28.

Aniya, “So I hope guys you pray for me for a safe one.

"Instead of posting a statement, mas okay na mas marinig nyo sa akin para I don’t have to explain my side anymore nang paulit-ulit, so para mapanood niyo na lang.

“Ito ang nangyari sa akin. Naka-cast po yung kamay ko po, yung dalawang finger ko po kasi, apparently, nabali from boxing!”

Napalakas daw kasi ang puwersa ng pagsuntok niya, at natiyempo naman na hindi masyadong makapal ang handwrap na suot niya.

Continue reading below ↓

“Kaya iyon, yung kamay ko na-injure. Medyo napalakas po yung suntok ko kaya nabali po yung kamay ko, so iyon po yung aking explanation bakit po ako naka-cast.

“So Thursday po, magse-surgery na po ako, si Doc Gomez po ang mag-oopera sa akin. Sa kasamaang-palad po, e, ganun po kalala ang dinanas ng aking kamay.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Samantala, nag-taping pa rin si Aiko ng kanyang mga eksena sa GMA afternoon series na Prima Donnas, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Kendra.

Patuloy ng aktres, “Sa Prima Donnas family ko po, huwag po kayong mag-worry, magte-taping po ako bukas [November 27]. Iyon nga lang, mahihirapan ang mga direktor ko kung paano po nila dadayain ito.

"Pero, you know, as the saying goes, the show must go on."

Sa huli ay pinasalamatan niya ang mga kaibigan at fans na nag-alala.

“To all of you, thank you so much for your concern and I appreciate it, and I hope you get to pray for me on Thursday dahil I’m off for surgery.

Continue reading below ↓

"Outpatient naman ako but still iyon, so thank you guys.”

Para maiwasan ang anumang aksidente sa gym, heto po ang short list of reminders:

1. Check the equipment bago gamitin.

2. If you need a safety gear, make sure it is securely fastened.

3. Para masigurong tama ang workout na ginagawa mo, consult with a trainer.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang sumailalim sa isang surgery si Aiko Melendez ngayong araw, November 28, dahil sa finger injury na nakuha niya habang nagba-boxing.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results