Department of Health on alert against mysterious disease from China

Jan 7, 2020
World Health Organization and Philippine Department of Health reported on January 5, 2020, that a mysterious flu-like disease is currently spreading in China. Health Secretary Francisco Duque III then commanded the Bureau of Quarantine to be on guard of travelers manifesting its symptoms.
PHOTO/S: ISTOCK

Isang misteryosong sakit ang kumakalat ngayon sa China kung kaya't on full alert ang Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga biyaherong pumapasok sa ating bansa ngayon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sakit na ito ay hawig sa pneumonia, but its origin remains "unknown."

Noong December 31, 2019 ini-report ng WHO China Country Office ang tungkol sa sakit na unang natagpuan sa Wuhan City, Hubei Province of China.

Umakyat na ito sa 44 cases noong January 3, 2020, kung saan 11 katao ang seriously ill at 33 naman ang nasa stable condition.

Para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng misteryosong disease na ito, isinara na ang affected area sa Wuhan upang ito ay ma-sanitize at ma-disinfect.

Samantala, ang mga taong naapektuhan ng sakit ay kasalukuyang "isolated and receiving treatment in Wuhan medical institutions."

Ayon rin sa WHO, karamihan sa mga pasyente ay nakaranas ng sintomas na "fever, with a few patients having difficulty in breathing, and chest radiographs showing invasive lesions of both lungs."

Continue reading below ↓


DOH RESPONSE

Habang ongoing ang pagbubusisi sa mysterious disease na ito, inutusan na ni Health Secretary Francisco T. Duque III ang BOQ na bantayan ang lahat ng seaports at airports ng Pilipinas sa incoming travellers, lalung-lalo na iyong may sintomas ng fever at respiratory infection.

Bukod pa rito, naglabas din siya ng press release sa DOH website kung saan pinaanyayahan niya ang travellers na magpakonsulta sa doktor kung sakaling makaramdam ng flu-like symptoms.

Continue reading below ↓

Ni-remind din niya ang publiko to practice proper hygiene para maiwasang mahawa sa sakit na ito.

"I urge the public, especially those with history of travel from China, to seek immediate medical consult if experiencing any flu-like symptoms," sabi ng DOH Secretary.

"Let us also embrace healthy lifestyles, practice proper hand hygiene, and observe cough etiquette to prevent transmission of respiratory infections," the Health Chief concluded.

Facebook: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
World Health Organization and Philippine Department of Health reported on January 5, 2020, that a mysterious flu-like disease is currently spreading in China. Health Secretary Francisco Duque III then commanded the Bureau of Quarantine to be on guard of travelers manifesting its symptoms.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results