N95 masks sold out; use wet handkerchief or towel to cover nose

Jan 13, 2020
Without proper protection, people can become susceptible to the harmful effects of ash fall, such as irritation of nose and throat, difficulty breathing, coughing, and bronchitis-like illnesses.
PHOTO/S: ISTOCK

Nagsimula nang maubos ang supply ng N95 masks sa mga lugar na apektado ng ash fall ng Taal Volcano.

Habang ang ibang botika, napabalitang nagtaas ng presyo ng kanilang N95 masks, from PHP25 to PHP30 hanggang PHP200 per piece.

Nangyari ito matapos dali-daling nagbilihan ang mga tao ng masks noong itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 4 ang status ng Taal kahapon, bandang alas siyete ng gabi.

Kasabay nito ay nagsimulang makaranas ng ash fall ang mga bayan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Rizal, at Metro Manila hanggang sa kasalukuyan.

Ang payo ng Department of Health, proteksiyunan ang iyong sarili sa ash fall na maaring magdulot ng respiratory problems, gaya ng nose and throat irritation, hirap sa paghinga, pag-ubo, at bronchitis-like illness.

Ang paggamit ng N95 mask ay lubhang makakatulong.

Continue reading below ↓

Ito ay pinaka-angkop gamitin sa ganitong sitwasyon dahil kaya nitong i-filter ang 95 percent ng airborne particles, ayon sa Center for Disease Control and Prevention.

Maari mo rin itong gamitin for up to "8 hours of continuous or intermittent use."

Kung within that eight hours na gamit mo ang N95 mask ay nakaranas ka ng hirap sa paghinga, ibig sabihin ay madumi na ang filter at kailangan mo nang palitan ang iyong mask.

At kung sakaling hindi ka rin nakabili ng N95, ang payo ng DOH ay gumamit ng basang panyo o towel para takpan ang iyong ilong at bibig tuwing lalabas ng bahay.

Ang isa ring alternative na puwede mong gawin ay gupitin ang bandang ibaba ng malinis na T-shirt, at saka ibalot sa iyong bibig at airways.

Heto ang step-by-step guide mula sa Kinderhook Woodcraft:

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Without proper protection, people can become susceptible to the harmful effects of ash fall, such as irritation of nose and throat, difficulty breathing, coughing, and bronchitis-like illnesses.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results