Ito ang ginagawa ngayon ni Winwyn Marquez nang dalawang beses sa isang araw

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Feb 26, 2020
PHOTO/S: @teresitassen Instagram

Naging everyday routine na ni Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez ang pagko-CrossFit.

Ang CrossFit ay isang branded fitness regimen at competitive fitness sport na pinaghalu-halo ang workout routines na galing sa high-intensity interval training, Olympic weightlifting, plyometrics, powerlifting, gymnastics, girevoy sport, calisthenics, strongman, at iba pang exercises.

Video: GMA News.

Seryoso si Winwyn sa kanyag "WOD" or "Workout Of the Day" at kahit napapagod, hindi raw siya sumusuko sa workouts.

Continue reading below ↓

Kung dati raw ay nagwo-workout lang siya dahil may pinaghahandaang pictorial, ngayon ay bahagi na ng lifestyle niya ang CrossFit.

Hindi na lang daw para sumeksi ang goal ni Winwyn.

"Na-realize ko na as you train every single day, mas naging healthy ako. Hindi ko na lang inisip na gusto ko lang pumayat. Siguro yung goal ko na lang is to be really healthier," sabi ni Winwyn sa interview sa kanya ni Cata Tibayan ng 24 Oras.

Continue reading below ↓

Dahil sa dedikasyon niya sa CrossFit training, nanalo pa siya at ang kapatid at coach niyang si Yeoj Marquez sa isang CrossFit competition kamakailan.

Kuwento pa ni Yeoj, minsan daw ay siya na mismong ang pumipigil kay Winwyn sa pagwo-workout dahil dalawang beses daw itong mag-workout sa loob ng isang araw.

Continue reading below ↓

Sinasabayan din daw ni Winwyn ang kanyang workout ng kakaibang klase ng pagda-diet.

Paghahanda na rin daw ni Winwyn ang kanyang pagwo-workout sa napipintong pagpasok niya sa Philippine Army training para maging army reservist.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @teresitassen Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results