The Department of Health (DOH) is bringing the fun sa laban ng mga Pinoy kontra sa 2019 Novel Coronavirus (COVID-19).
Ginamit ng DOH ang TikTok app na kasalukuyang kinahihiligan ng mga Pinoy para ituro ang mga preventive steps.
Noong March 5, 2020 nai-post ang video, kung saan sinasayaw ng tatlong kasapi ng DOH ang mga steps to the tune of "The Weekend" by SZA and Calvin Harris.
Kasalukuyang may 502 likes na ang video sa TikTok, samantalang meron naman itong 16,000 reactions at 12,000 shares sa Facebook.
STEP 1: WASH YOUR HANDS
Ang payo ng DOH, ugaliing hugasan ang iyong mga kamay at kuskusin ito gamit ng sabon o sanitizer with 70 percent alcohol for 20 seconds.
STEP 2: MAINTAIN ONE METER DISTANCE
Iwasan ang direct contact sa taong may flu-like symptoms, and maintain at least one meter distance from him/her.
STEP 3: DON'T TOUCH YOUR FACE
Iwasang hawakan ang iyong mukha dahil ayon sa World Health Organization (WHO), "The disease can spread from person to person through small droplets from the nose or mouth which are spread when a person with COVID-19 coughs or exhales. These droplets land on objects and surfaces around the person. Other people then catch COVID-19 by touching these objects or surfaces, then touching their eyes, nose or mouth."
STEP 4: FOLLOW COUGH ETIQUETTE
Huwag namang basta-basta uubo nang hindi nagtatakip ng bibig. Eto ang mga reminders ng DOH:
- Laging magdala ng panyo o tissue. Gamitin itong pantakip ng iyong ilong at bibig tuwing ika'y uubo.
- Kung sakali mang wala kang dalang panyo o tissue, takpan ang iyong ilong at bibig gamit ang iyong shirt sleeve o loob ng siko.
- Lumayo sa mga tao tuwing babahing o uubo.
- Itapon ang gamit na tissue sa basurahan.
- Hugasan ang kamay pagkatapos umubo o bumahing.