Sa gitna ng enhanced community quarantine, may panahon pa rin ang ilan nating celebrities na mag-exercise.
At para sa mga celebrity na ito, "no gym, no problem," dahil may kani-kanya silang paraan kung paano makakapag-workout kahit nasa bahay lang.
Halimbawa na si Rochelle Pangilinan na nag-share pa ng kanyang indoor workout routine sa video interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras.
Kabilang sa iba pang celebrities na na-feature sa report ni Nelson ay sina Martin del Rosario na may weights equipment at nagworkout pa sa harap ng salamin.
Lovi Poe na masayang nagte-treadmill.
Volleyball player na si Rachelle Dacquis na nag-e-exercise gamit ang toilet paper rolls.
At si Kris Bernal na naghamon pa sa kanyang followers ng push-up challenge.
Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.