Do you have a COVID-19 emergency? DOH, LGUs offer hotlines

by Jet Hitosis
Mar 27, 2020
Got any COVID-19 emergency? Remember these hotlines: 1555 at 02894-COVID (26843). If you cannot get through, here are the contact information of your LGUs.
PHOTO/S: Tai’s Captures/Unsplash.com, doh.gov.ph, dilg.gov.ph

Kapansin-pansin ang biglang paglobo ng mga nakukumpirmang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Sa nakalipas na mga araw, mahigit na 50 ang dumadagdag sa listahan ng laboratory-confirmed cases.

Pero ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi raw dapat mag-panic lalo pa't mas marami na ngayon ang sumasalang sa COVID-19 testing.

Aniya, nagdadatingan na sa Pilipinas ang mga testing kits, kabilang ang mga donasyon mula sa iba’t ibang bansa.

Dahil dito, libu-libo na ang isinasailalim sa monitoring, pero mas marami pa rin ang nagnenegatibo kaysa nagpopositibo.

As of March 26, sa 707 na ang kumpirmadong dinapuan ng virus sa bansa.

Nasa 784 ang nagnegatibo, at 654 ang merong pending test result.

Dalawampu't walo naman ang naka-recover, at 45 ang binawian ng buhay.

COVID-19 CHECK

Kabilang sa mga pangunahing sintomas ng COVID-19 ang lagnat, sore throat, ubo, labis na pagkapagod, at hirap sa paghinga, ayon sa World Health Organization (WHO).

Continue reading below ↓

Gayunman, maraming pasyente ang dumaranas din ng pananakit ng katawan, sipon, chills, sakit ng ulo, at diarrhea.

Kapag hindi kaagad nalunasan, maaari itong mauwi sa kumplikasyon.

Ayon sa DOH, ang napabayaang COVID-19 ay pupuwedeng magresulta sa pneumonia, acute respiratory syndrome, kidney failure, at pagkamatay.

Pero mahalagang ikonsidera na may mga nagpositibo sa virus na asymptomatic, batay sa regular monitoring ng DOH.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang ibig sabihin, bahagya o talagang wala silang manifestation ng alinman sa mga nabanggit na sintomas.

Mayroon din namang taglay ang ilan sa mga sintomas, pero nagnegatibo sa virus.

Sakaling makaramdam ng alinman sa mga naturang sintomas, tandaang may dalawang factors na dapat ikonsidera bago isiping COVID-19 ito:

—Bumiyahe ka ba kamakailan sa mga bansang apektado ng COVID-19?

—Na-expose ka ba sa taong pinaghihinalaan o kumpirmadong may virus?

Sa panahon ng public health emergency, ano ba ang dapat gawin sakaling makaramdam ng alinman sa COVID-19 symptoms?

Continue reading below ↓

HOTLINE 1555, 894-COVID

Para makapagbigay ng medical advice at assistance sa publiko, nagbukas ang DOH at Department of Interior and Local Government (DILG) ng COVID Hotlines.

Ang emergency hotlines sa Metro Manila ay 1555 at 02894-COVID (26843).

Libre at 24/7 ang 894-COVID nationwide.

Sa ngayon, accessible pa lang sa PLDT, Smart, Sun, at TNT subscribers ang Hotline 1555.

Continue reading below ↓

“The government wants to allay the fears of the public and counter the infodemic that has been circulating about COVID-19,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

“Through this hotline numbers, we hope that we will be able to give them the right information and assure them of the government’s assistance."

WELL-TRAINED CALL CENTER AGENTS

Ayon sa DILG, gagamitin ng COVID Hotlines ang mga tauhan at pasilidad ng 911 National Emergency Hotline.

Tiniyak ni Secretary Año na dumaan sa proper training ang mga COVID Hotline call center agents.

Aayudahan at bibigyang-payo ng mga ito ang caller, at ipapasa ang tawag sa proper authorities kung kinakailangan.

Ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa mga emergency calls sa COVID Hotlines ay kaagad na ibibigay sa DOH at sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para maaksiyunan agad.

COVID HOTLINES IN METRO MANILA

Personal na tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang parehong COVID Hotlines ng DOH at DILG.

Continue reading below ↓

Pahirapang makalusot ang tawag, na dadaan sa voice prompts at message-on-hold system.

Dahil dito, ipinapayong tawagan ang local COVID Hotlines ng inyong local government units (LGU).

Partikular na may kani-kanyang COVID Hotlines ang mga LGUs sa Metro Manila, na epicenter ng virus sa Pilipinas.

Layunin ng mga 24/7 hotlines na ito na mabilisang matugunan ang mga concerns ng mamamayan na may kinalaman sa pandemic.

Inalam at bineripika ng PEP.ph ang COVID Hotlines ng 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.

Inilista rin ang mga website at social media accounts ng mga LGUs o ng kanilang alkalde, kung saan maaaring magpadala ng private message ang publiko.

CALOOCAN CITY

COVID Hotlines: 0947-8834430, 5310-6972

Twitter: @OcaMalapitan_

Website: caloocancity.gov.ph

LAS PIÑAS CITY

COVID Hotlines: 0977-6726211, 8894-5782

Facebook: @cityoflaspinasofficial, Twitter: @pinas_city

Website: laspinascity.gov.ph

MAKATI CITY

COVID Hotlines: 168, 8236-5790

Facebook: @MyMakatiVerified

Website: makati.gov.ph

Continue reading below ↓

MALABON CITY

COVID Hotline: 8518-8602

Facebook: @LenLenOreta on FB, Twitter: @Malabon_City

Website: malabon.gov.ph

MANDALUYONG CITY

COVID Hotlines: 0916-2558130, 0961-5716959, 8532-0480

Facebook: @MandaluyongPIO

Website: mandaluyong.gov.ph

CITY OF MANILA

COVID Hotlines: 0961-0627013, 8527-5174

Facebook: @ManilaPIO on FB, Twitter: @ManilaPIO

Website: manila.gov.ph

MARIKINA CITY

COVID Hotline: Marikina Rescue 161

Facebook: @MarikinaPIO

Website: marikina.gov.ph

MUNTINLUPA CITY

COVID Hotline: 0977-2405218

Facebook: @officialMuntinlupacity

Website: muntinlupacity.gov.ph

Continue reading below ↓

NAVOTAS CITY

COVID Hotline: 8283-7415

Facebook: @navotenoako, Twitter: @Navotas_City

Website: navotas.gov.ph

PARAÑAQUE CITY

COVID Hotlines: 0961-0966249, 8820-PQUE (7783)

Facebook: @mayoredwinolivarezofficial

Website: paranaquecity.gov.ph

PASAY CITY

COVID Hotlines: 0956-7786524, 0908-9937024

Facebook: @lgupasaypio, Twitter: @PasayPIO

Website: pasay.gov.ph

PASIG CITY

COVID Hotlines: 0920-8905313, 8643-0000

Facebook: @PasigPIO, Twitter: @VicoSotto

Website: pasigcity.gov.ph

PATEROS

COVID Hotlines: 0995-1300075, 8642-5159

Facebook: @isangPateros

Email: isangpateros@gmail.com

QUEZON CITY

COVID Hotline: Emergency 122

Facebook: @QCGov, Twitter: @QCGov

Website: quezoncity.gov.ph

SAN JUAN CITY

COVID Hotlines: 0917-8140870, 8254-9167

Facebook: @CityofSanJuanNCRPhilippines, Twitter: @sanjuancityncr

Website: sanjuancity.gov.ph

TAGUIG CITY

COVID Hotline: 0966-4194510

Facebook: @taguigcity

Website: taguig.gov.ph

VALENZUELA CITY

COVID Hotline: 8352-5000

Twitter: @rex_gatchalian, @valenzuelacity

Website: valenzuela.gov.ph

Continue reading below ↓

Sa mga nasa lalawigan, alamin ang inyong local COVID Hotlines sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng inyong LGU.

Maaari ring magpadala ng private message sa social media accounts ng inyong lokal na pamahalaan o ng inyong mayor.

INITIAL INTERVIEW

Sa pagtawag sa COVID Hotlines, hihingiin sa caller ang basic information, gaya ng pangalan, address, at contact number.

Kung personal na kalusugan ang concern ng caller, iinterbyuhin siya tungkol sa kanyang mga nararamdaman physically.

Aalamin kung sa nakalipas na mga buwan ay nagbiyahe ang caller sa mga bansang apektado ng virus.

Uusisain din kung may posibilidad na na-expose ang caller sa isang COVID-19 positive.

Base sa initial interview, magdedesisyon ang call center agent kung ire-refer ang caller sa barangay health center o sa ospital.

Para sa mga nagre-report ng mild symptoms pero walang travel history at wala ring exposure sa COVID-19 patient, karaniwang pinapayuhan ang mga ito na obserbahan ang sarili.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagsasagawa ng self isolation, sinasabihan din ang caller na magpalakas ng immune system at maging alerto sa iba pang sintomas.

Dati nang sinabi ni Usec Vergeire na walang dapat ikabahala ang mga may flu-like symptoms pero walang travel history sa bansang may COVID-19 at hindi rin exposed sa nagpositibo.

PRIORITY: HIGH-RISK GROUP

Ang mga caller na may mild symptoms pero kabilang sa high-risk group ay ipakonsulta sa barangay health center o sa ospital.

Ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng bawal LGU ang unang responding unit sa anumang health emergencies.

Narito ang infographic ng Manila kung paanong tumutugon ang BHERT sa paunang COVID-19 emergencies.

Makikita ang infographic na ito sa website (manila.gov.ph) ng lungsod.

Continue reading below ↓

Sa paliwanag sa DOH website, nakasaad na ang BHERT ang magpapaalam sa Municipal Health Officer (MHO) or City Health Officer (CHO) tungkol sa itinawag na concern o emergency para sa imbestigasyon.

Ang MHO/CHO naman ang mag-uulat sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU).

Ang mga datos ng RESU ang ginagamit ng DOH sa monitoring nito sa sitwasyon ng pandemic sa bansa.

Alinsunod sa triage system ng DOH, tutukuyin ng health workers ang mga dapat nang maisalang sa COVID-19 testing.

Ang triage ang proseso ng kagawaran sa pagtukoy kung maaaring hindi masuri o kung dapat na agarang masuri sa virus ang pasyente.

Ayon sa DOH protocol, priority na maisailalim sa testing ang mga nasa high-risk group at may severe symptoms.

Ito ay upang agad silang ma-isolate at malunasan.

Pasok rin sa high-risk group ang:

—Lampas 60 anyos na may pre-existing medical conditions, tulad ng alta-presyon, diabetes, at sakit sa puso.

—Cancer patients

Continue reading below ↓

—Maselan ang pagbubuntis

—Health workers na may direct exposure sa COVID-19 patients

Kaya kung ang caller ay nagtataglay ng mga sintomas at kabilang sa high-risk group, susunduin siya ng ambulansiya ng barangay.

Dadalhin siya sa ospital para sa swab test, at isasailalim sa quarantine.

Depende sa kondisyong medikal ng nagpa-swab test, maaaring i-home quarantine, o i-confine sa ospital ang pasyente.

VOLUNTEER DOCTORS OFFER FREE CONSULTATION

Samantala, nakahanap ng paraan ang ilang grupo ng pribadong doktor upang maiwasang ma-overwhelm ng mga pasyente ang mga ospital.

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-aalok sila ng libreng online COVID-19 consultation sa publiko.

Sa tulong ng mga volunteer physicians ng Lung Center of the Philippines, maaaring magpadala ng private message sa Lung Center COVID Ask Force page.

Continue reading below ↓

Online consultation din ang alok sa page ng MDH Pulmonology Postgraduate Course.

Sa Facebook din maaaring komunsulta nang libre sa Coalition for People’s Right to Health and Council for Health and Development.

Maaari ring tumawag sa koalisyon sa 8806-1306.

STAY AT HOME, STAY HEALTHY

Sa gitna ng laban ng bansa kontra sa COVID-19 pandemic, importanteng tandaan ang mga simpleng paraan upang maprotektahan ang sarili, at ang kapwa, laban sa virus.

Continue reading below ↓

Gawing madalas ang paghuhugas ng kamay, gamit ang tubig at sabon, sa loob ng 20 segundo.

Manatili sa loob ng bahay.

Takpan ang bibig kapag uubo o babahing.

Palakasin ang immune system sa pamamagitan ng masusustansiyang pagkain, sapat na tulog, at pag-eehersisyo.

Uminom ng maraming tubig

Mag-disinfect ng bahay.

Regular na linisin at i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan, tulad ng cell phone, doorknob, light switch, at iba pa.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Got any COVID-19 emergency? Remember these hotlines: 1555 at 02894-COVID (26843). If you cannot get through, here are the contact information of your LGUs.
PHOTO/S: Tai’s Captures/Unsplash.com, doh.gov.ph, dilg.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results