Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Mylene Dizon, Kyline Alcantara ibinida ang mga pakinabang ng backyard farming

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 15, 2020
Ayon kina Mylene Dizon (kaliwa) at Kyline Alcantara (kanan) , hindi lang instant pagkain ang dulot ng backyard farming.
PHOTO/S: Instagram: @missmylenedizon, @itskylinealcantara

Bukod sa pagiging inspirasyon sa healthy workout, inspirasyon din si Mylene Dizon sa backyard farming, na tamang-tama ay kampanyang pinalalaganap ng Department of Agriculture.

Video: GMA News.

Kamakailan ay nag-share si Mylene ng home quarantine workout videos sa kanyang Instagram stories.

Bukod sa workout videos, ipinakita rin sa Instagram kung paano niya inaalagaan ang mga tanim na gulay sa backyard ng bahay nito sa Cavite.

Sabi ni Mylene sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, "Inumpisahan ko 'to nung lockdown.

"Kasi nung dati, nung nagte-taping ako lagi, hindi ko naman masyadong nabibigyan ng pansin.

"Pero ngayon, araw-araw, at least naaasikaso ko ang garden ko.

"Importante kasi ang food security, lalo na sa mga panahon na ito," pagpapatuloy ni Mylene.

Nagpayo rin ang 43-year-old actress kung paano maiwasan ang palagiang paglabas para bumili ng mga pangangailangan sa bahay.

"Tawagan kami ditong magkakapitbahay, baka kasi puwede mo nang isabay yung mga kailangan nila sa bahay.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, hindi mo naman dadamihan yung listahan mo, konti lang naman.

"Puwede ipakisuyo, tulad ng konting bigas o asin o toyo, kung anuman.

"'Tapos, siyempre, ibabalik mo din yun. Kung ikaw naman yung kailangang lumabas ng village, itatawag mo rin sa kanila.

"Dahil baka meron din silang gustong ipakisabay," sabi pa ni Mylene.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

IT HELPS FRONTLINERS

Katulad ni Mylene, nagba-backyard gardening din ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit co-star niyang si Kylene Alcantara sa bahay nito sa Bicol.

Bukod sa sagot sa pang-araw-araw na pagkain ang pagkakaroon ng tanim na gulay sa kanilang backyard garden, nakakatulong din daw ito frontliners.

Sabi ng 17-year-old Kapuso actress, "Dahil katulad nga po ngayon, lockdown, hindi po natin kailangang maging dependent sa palengke.

"At makakatulong pa po tayo sa ating mga frontliners, dahil mas male-lessen pa po ang ating paglabas-labas."

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kina Mylene Dizon (kaliwa) at Kyline Alcantara (kanan) , hindi lang instant pagkain ang dulot ng backyard farming.
PHOTO/S: Instagram: @missmylenedizon, @itskylinealcantara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results