Julia Barretto reveals struggle with anxiety disorder: “It’s a dark place.”

by Bernie V. Franco
May 4, 2020
Julia Barretto, 23, reveals she has been dealing with anxiety disorder for five years: "It’s a part of me that really absolutely nobody knows about."
PHOTO/S: @julliabarretto on Instagram

Limang taon nang may anxiety disorder si Julia Barretto, 23.

Ito ang inamin ng ABS-CBN actress sa isang podcast, kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Claudia Barretto, 20.

Lahad ni Julia sa podcast na kanyang ipinost sa YouTube nitong Linggo, May 3, "It’s such a sensitive topic, and it’s a part of me that really absolutely nobody knows about. So few people know."

Ayon sa www.webmd.com, may iba’t ibang uri ng anxiety disorders na kinukonsiderang “mental illnesses.”

Kabilang dito ang panic disorder, social anxiety disorder, phobia, at general anxiety disorder.

Ang karaniwang paglalarawan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng sobrang takot at pag-aalala, may trigger man o wala.

Inilabas naman ni Claudia na siya rin ay may pinagdaraanang mental condition, at ang kanyang advocacy niya ay magkaroon ng awareness ang mga tao tungkol sa mental health.

JULIA ON ANXIETY DISORDER: IT'S LIKE A DARK CLOUD

Ayon kay Julia, hindi madali ang ganitong kondisyon, lalo na raw nang una niya itong maranasan dahil hindi pa niya lubos na nauunawaan ang nararamdaman.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya sa podcast, "I think there are certain things that really hit it or, like, triggered it. It's just, like, one day you get it.

"The first few days, the first time you get it, you don't understand. It makes you so frustrated.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Like, 'What’s going on with me? I don’t know what’s happening.'”

Idinetalye rin ni Julia ang mga nararamdaman kapag inaatake siya ng anxiety.

"When I get attacks, I can't move, I can't talk. I'm always just staring, and I'm not aware anymore what I'm doing, or, like, what others are doing.

"It's like I’m under this really, really dark cloud. People try to talk to me, talk me out of it.

"When they ask me what's happening, what's wrong, it's like my tongue can’t move.

"I really can't, and it makes me so frustrated, because you're trying to get a word out, just one word, and it won't come out."

Continue reading below ↓

julia barretto long hair

Binalikan din ni Julia ang isang beses na inatake siya ng anxiety, pero yung isang taong nasabihan niya tungkol sa kanyang pinagdaraanan ay hindi siya naunawaan.

Kuwento ng aktres, "There's this one person who saw it was happening to me, and the person was just saying, 'It’s all in your head, you can do it. You can get out of it. Just don’t think about it.'

Continue reading below ↓

"It made me so, so, so furious. I really got so mad because if it really was just in my head, I had total control over this thing. Why would I want to be going through this?

"I wouldn’t wanna be going through this because it's a super difficult situation, it’s a dark place."

Ani Julia, hindi dapat maliitin ang ganitong kondisyon: "It happens to a lot of people. I'm not just making it up."

JULIA SEEKS PROFESSIONAL HELP

Tanggap naman ni Julia na may mga taong hindi lubos na nauunawaan ang anxiety disorder.

Maging siya raw ay dumaan sa proseso para maintindihan ang kanyang kondisyon kaya mahalaga raw na magkaroon ng awareness tungkol dito.

Ani Julia, "With my journey with it, because I get panic attacks, I get anxiety attacks, and I get super anxious.

"I mean, I get it so frequently, but I've also… It's a process, it's getting to know yourself…

Continue reading below ↓

"I think I've grown a lot of awareness already, like, what happens to me when I'm getting an attack.

"I've seen a life coach, I’ve attended an anxiety… you know, those groups when they talk about anxiety and then they teach you how to deal with it and stuff like that?"

Nabanggit din ni Julia na may mga paraan para matulungan ang sarili upang mabawasan ang anxiety attacks.

Sabi niya, "You also have to help yourself try to find out what works for you. I've also just been blessed that I’ve been surrounded by people who totally know how to deal with me when I get an attack."

Continue reading below ↓

Ang mahirap daw para kay Julia ay kapag inatake siya ng anxiety habang nasa trabaho.

Sabi niya, "When you're around people, and you get an attack out of nowhere, there are so many people, and you have to be at my best, entertaining, and your body and your mind isn’t totally sane, you force yourself out of that attack.

"It’s so hard. It’s the hardest thing.”

Mas mahirap daw kapag nasa kalagitnaan siya ng atake, at maiisip niya kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa kanya.

“In my head, they won’t understand. They’ll think I’m this, they’ll think I’m bad, they’ll think I’m not minding them.

"And it adds up, and it makes me feel, like, so much worse.”

Ang defense mechanism daw ni Julia ay makaramdam siya ng security.

“Let’s say, in the couch, in the bed, no matter how big it is, I’m always, like, always close to somebody, touching skin to skin, just feeling secure."

Continue reading below ↓

Inalala rin ni Julia ang isang pagkakataon kung saan habang nasa shooting siya ay hindi niya mabitawan ang hawak na lapis na hinihingi ng may-ari.

“I need to always have something to hold on to. I always have something [I'm] holding, something to make me feel secured or protected.”

JULIA ON DEALING WITH ANXIETY

Pinuna naman ni Claudia na mali ang pag-iisip ng iba na matibay si Julia at kaya niyang harapin ang anumang isyung ibato sa kanya.

Pagtatanggol pa ni Claudia, ang kanyang ate ay isang "sensitive girl" na madalas mag-overthink.

Paano hinaharap ni Julia ang kondisyong ito?

Sagot ni Julia, "Finding the triggers to it, so it helped me a lot. Every time I get an attack, I always find the root.

"Sometimes, getting an attack is just so sudden. It happens out of nowhere."

Nakakatulong din daw kay Julia na manahimik na lang kapag inaatake siya ng anxiety, "I acknowledge every time I have it.

Continue reading below ↓

"Letting it flow, letting it happen, waiting it out. At some point, the anxiety, the attack, it will end.

“Acknowledge it when it’s there, it’s there. The more you stop it, it’s hard.”

May mga simpleng bagay rin daw na malaki ang naitutulong, kagaya ng pagtawa.

Sabi pa ni Julia, “I need to be held, I need to be embraced, I need to be touched.

“It makes me feel so much better. I know my triggers.”

Paalala muli ng aktres, “You have to find what really works for you.”

Malaking bagay rin daw na hindi mahusgahan ng tao ang mga taong may ganitong kondisyon.

Sabi ni Julia, mahalagang unawain at maging aware sa mga impormasyon tungkol sa ganitong kondisyon para makatulong sa sinumang may ganitong pinagdadaanan.

MULA SA PATNUGOT: Ang depresyon ay seryosong usapin.

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.

Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Continue reading below ↓

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:

0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

***

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto, 23, reveals she has been dealing with anxiety disorder for five years: "It’s a part of me that really absolutely nobody knows about."
PHOTO/S: @julliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results