Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, stars cheer for Sharon Cuneta on treadmill

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2020
Sharon Cuneta is on the treadmill again after a "very, very, very long time." Celebrity friends Judy Ann Santos (R) and Ryan Agoncillo (L) cheer her on.
PHOTO/S: Courtesy: @ryan_agoncillo / @reallysharoncuneta on Instagram

Pinapurian ng mga celebrities at netizens ang isang post ni Sharon Cuneta sa Instagram kung saan nag-e-ehersisyo siya sa treadmill noong nakaraang Sabado, October 17.

Sabi niya sa video, “I’m on my treadmill, I have to tell you, I hate this.

“To be honest, it’s the first time I am doing the treadmill for a very, very, very long time.

“I partly missed it and I… the big part me of me really does not like it but I have to do it number 1 for my health, number 2, I want to look good in my clothes because I ordered clothes.”

Maliliit na sizes daw ang kanyang in-order kaya kailangan niyang magbawas ng timbang.

Dagdag pa niya, “So if my clothes don’t push me to fit into them, I don’t know what to do because medyo hindi masyadong mura.”

Nakalagay sa caption, “Treadmilling, finally! Kainiiiiis!!!”

Nagkomento naman dito ang kanyang malapit na kaibigang si Judy Ann Santos.

Continue reading below ↓

Saad ng Paano Kita Mapapasalamatan host, “Go ateeeeee!!!!!”

Nagpasalamat naman si Sharon sa kaibigan dahil daw sa pag-encourage sa kanya na magbawas ng timbang.

Tugon niya, “@officialjuday Eto na sis di ako nahimatay eh good sign yon! Hahaha!

“Tuloy-tuloy na toooooo! Love you so much. Lam ko dream mo ito for me.

“Ikaw naman push ng push sa 'kin eh. Ayan na! Mahal na mahal kita bunso.”

Nagbiro naman ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo dahil kahit daw pawisan ay mabango pa rin daw tingnan ang Megastar.

Komento ng Eat Buklaga! co-host, “Paano po ba yung mukha pa din ambango bango?”

Sagot niya, “@ryan_agoncillo Lam mo talagang di ba ako naging di mabango.

“Tanong mo kay Kuya mo! Parang Mommy ko!

“Yaan mo na, blessing nga yan pero di talaga lahat bibigay ni Lord.

“Tamo double effort magpapayat Ate mo! Hahaha!”

MORE CHEERS FROM CIARA SOTTO, AMY AUSTRIA, BETH TAMAYO

Suporta rin ang ipinakita ng pamangkin ni Sharon na si Ciara Sotto.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa kanyang komento sa post ni Sharon, “Go Ate!!!!”

Natatawang sagot niya, “@pinaypole Aroooo rrrrrugs!! Hahaha!”

Tugon naman ni Ciara, “@reallysharoncuneta HAHAHAHAHAHA!!!! Labaaaaaan Sharoooooonnnn! Labaaan!”

“Wow” naman ang nasabi ni Amy Austria.

Sagot ni Sharon, “@amyaustria_ventura Hahaha si Ate Esme gulat na gulat naman eh!”

Masaya naman si Beth Tamayo sa effort na ipinakita si Sharon.

Sabi niya, “Go ateeeeee!!! This makes me soooo happy! Next time takbo na tayo??? Love you! Ingat lage.”

Pero hindi pa sumasagot si Sharon sa komento ni Beth.

These past few years, kapansin-pansin ang pagbabawas ng timbang ni Sharon.

Noong 2016, halos 70 pounds ang nawala sa kanya after a year of changing her lifestyle.

Noong taong 2017, the actress tried the yogurt diet, and lost eight pounds.

Sa mga sumunod na taon, nagpatuloy pa rin ang weight-loss journey ng Kapamilya star, either maintaining her weight or losing some more pounds.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta is on the treadmill again after a "very, very, very long time." Celebrity friends Judy Ann Santos (R) and Ryan Agoncillo (L) cheer her on.
PHOTO/S: Courtesy: @ryan_agoncillo / @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results