Ryza Cenon recounts feeling worst after giving birth: "Parang tinatamad na ako sa life."

by Rose Garcia
Feb 5, 2021
Ryza Cenon toughs out her postpartum blues, "grateful" her love for her son Night enables her to recover from her depression quickly enough.
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram

Hindi itinanggi ni Ryza Cenon na sa mga unang linggo pagkatapos manganak, nakaranas raw siya ng postpartum blues.

Nanganak si Ryza noong October 31, 2020, pagkatapos mag-labor ng 13 hours.

Simula noon ay nagbago ang kanyang buhay. Agad naman niyang nai-adjust ang sarili sa pagiging nanay, pero aminado siya na hindi ito madali.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Enetertainment Portal) si Ryza noong January 26, 2021, sa binyag ng anak.

Lahad niya, “May time na parang tinatamad na ako sa life, hindi ko alam kung bakit. May time na hinahayaan ko lang si Night na umiyak, parang nakatulala ako.

“Pero yun yung noong dati pa, noong bago pa lang. Pero ngayon, hindi naman na masyado.

"Siguro nangyari yun dahil na rin sa pagod. Noong nagbuntis ako, hindi naman ganun kadali. Matagal din yung labor so parang dire-diretso lang yun 'tapos, bumuka pa yung tahi ko.

"Parang walang pahinga. Binabantayan ko pa siya, wala akong tulog.”

Continue reading below ↓

Ang anak din ang naging motivation niya kaya nawala yung negatibong nararamdaman at naka-cope sa bagong sitwasyon.

“Sa kanya lang din at yung mga kasama ko sa bahay. Sila yung tumutulong sa akin kapag hindi ko na kaya.”

Bilang magulang, mas “praning” daw ang kanyang partner, si Miguel Antonio Cruz, kumpara sa kanya.

Pinupuri rin ito ni Ryza sa pagiging maalaga sa kanilang mag-ina.

Pero wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

Katwiran ng aktres, “Wala pa, kasi ako, mas gusto ko talaga yung sure na sure na. Kesa magsa-suffer yung anak ko, na kapag hindi nag-work, sino rin ang magsa-suffer, hindi naman kami, siya, e.

“So mas okay yung okay kami. Okay kami sa kanya. Sa kanya na muna ang lahat, mas okay yung ganun. At least, nabuo yung foundation.

“Hindi yung hindi pa bumuo, sumabak ka na, wala rin. Kawawa lang yung bata.”

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon toughs out her postpartum blues, "grateful" her love for her son Night enables her to recover from her depression quickly enough.
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results