Rhian Ramos not bothered by body-shamers: "I own many mirrors...I know myself"

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2021
Rhian Ramos not affected by body-shaming comments on social media: "It doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like."
PHOTO/S: Courtesy: @whianwamos on Instagram

Hindi apektado si Rhian Ramos sa mga body-shamers na walang preno sa pangungutya ng mga taong tumataba o pumapayat.

Pahayag ni Rhian sa GMA News Online noong nakaraang Biyernes, February 19, 2021, "I just take it with a grain of salt... it doesn’t really hurt my feelings."

Sa katunayan, marami raw siyang salamin at nakikita niya maya't maya ang sarili.

"I own many mirrors and part of my job is to know what I look like.

"I don’t think I ever hear something that I don’t expect first because I know myself."

Paliwanag pa niya, hindi siya nagugulat dahil regular siyang nagmo-monitor ng weight, kaya alam niya kung pumapayat o tumataba siya.

Ang nais lamang daw niya ay maging malusog ang kanyang pangangatawan.

Dagdag pa ng 30-year-old Kapuso actress, “If there’s anything, someone else who doesn’t like with my body, e, di wag nila gawin sa sarili nila.

"Yung sarili kong gusto, taste, at health goals ang susundin ko."

Continue reading below ↓

STRESS, NOT EATING DISORDER

Noong nakaraang taon, napansin ng maraming netizens ang pagpayat ni Rhian sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang sapantaha ng mga ito ay dumanas si Rhian ng eating disorder at nasobrahan sa pagda-diet.

Pero mariin niya itong pinabulaanan.

Sabi niya sa isang panayam noong September 2020, “It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big.

“Kasi iniisip talaga ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito.”

Inamin niya na stress, hindi diet, ang totoong dahilan ng biglaang pagbaba ng kanyang timbang.

Saad niya, “Yung totoo lang talaga, it’s out of stress."

Hindi naman niya ipinaliwanag kung ano ang nagdulot sa kanya ng sobrang stress, pero inamin niya na noong mga panahong iyon ay nag-break sila ng kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok.

Noong May 2020, ang pangalawang buwan ng quarantine, inamin rin niyang na-depress siya dahil sa pandemic pero may kaakibat itong "positive na lesson."

Continue reading below ↓

Ang sabi niya sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Pagka-meron akong positive realization, sine-share ko siya sa social media.

“Honest ako sa mga followers ko, kapag meron akong mga araw na medyo nade-depress ako or something, sinasabi ko siya.

“Pag nagkaroon ako ng parang positive na lesson or realization pagkatapos nung lungkot, sine-share ko siya.

“Kasi baka may nakaka-relate dun sa pinagdaanan ko 'tapos kailangan niya ring marinig yung realization ko, kasi hindi pa dumadating sa kanya.”

Samantala, pumirma na muli ng panibagong kontrata si Rhian sa GMA Network, kung saan labinlimang taon na siyang talent ng istasyon.

View this post on Instagram

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

HOT STORIES

Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos not affected by body-shaming comments on social media: "It doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like."
PHOTO/S: Courtesy: @whianwamos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results