Marlo Mortel plans taking up Psychology after bout with anxiety

by Glenn Regondola
Mar 5, 2021
Marlo Mortel plans going back to school to study Psychology: “I’m very passionate about human behavior and the mind."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Naging bukas si Marlo Mortel tungkol sa pinagdaanan niyang health issue sa gitna ng pandemya.

Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakalawa sa isang restaurant sa Quezon City, nagdetalye ito tungkol sa pinagdaanan niya.

Lahad ng 28-year-old singer-actor, “Ang pinaka-struggle ko is iyong mental health.

"Nagkaroon ako ng matinding anxiety...

"Nahihirapan ako kasi sarili ko ang kalaban ko, so every day

iyong battle with myself, ang hirap.

“Ako pa naman. Ayon nga, iyong personality ko, I’m very hard on myself.

“Kaya napagdaanan ko iyon.”

Ngayong nasa road to recovery na siya, isa sa mga plano ni Marlo ay mag-aral ulit, pero iba na ang kursong kukunin.

Naging estudyante siya ng business administration, major in marketing management, sa San Beda College - Alabang.

Aniya, “That’s why I wanna go back to school and study Psychology.

“I’m very passionate about human behavior and the mind.

“Na-challenge ako, and, at the same time, I wanna help people.

Continue reading below ↓

“Kasi, while I was going through that, marami naman akong nakilalang mga tao sa church.

“At nasa Kumu ako ngayon, iyon talaga ang pinaka-blessing sa akin nitong pandemic, and they really helped me.

“So while I’m going through that, my main goal is makatulong sa mga tao.

“Sa Kumu, marami akong nakilala, at sila iyong nagbibigay sa akin ng proper advice.”

WHAT CAUSES MARLO MORTEL'S ANXIETY

Nilinaw niyang walang kinalaman ang pinagdaanan niyang anxiety sa shutdown ng ABS-CBN, kung saan namukadkad ang career niya noong 2012. Ang huling TV appearance niya ay sa Ipaglalaban Mo: Repustayon noong 2019.

"Personal problems" ang ininda ni Marlo.

Sa pagpapatuloy ng binata, "Not the shutdown, not because of the shutdown.

“May ilang personal problems din akong pinagdaanan na ilang buwan din, pero recovering pa rin ako.

“That’s why, I’m trying to send a message sa mga kanta ko.”

Kasama raw sa mga nagdulot ng lungkot sa kanya ang pagkawala ng kanyang ina dahil sa sakit na kanser noong August 24, 2018.

Continue reading below ↓

Aniya, “A, siguro part na rin iyon.

“Kasama din iyon, and, of course, mga personal fears, and everything.

“Kaya natigil iyong mga ginagawa ko nun.

“Natigil iyong vlogs ko, iyong pag-upload ko ng music, kasi di ko kaya nun.

“Ang hirap pala, kapag brain mo na ang natamaan—worries, fears, and doubtskasi siya iyong pinakamahina nang lahat ng ito, and through our everyday lives.”

Marami ang nagtataka kung paano nangyari ito sa katulad niyang kilalang napakamasayahing tao, maraming kaibigan, at malakas ang support system.

Saad ni Marlo, “Ako, oo, kasi perfectionist kasi ako, e.

“Nandun ako sa creative ako.

“Alam mo na, na kapag creative people, they tend to think deep.

“Actually, parang kakambal na ng mga artist ang anxiety, e.

“So it’s either they treated it as a gift or a curse, so para bang, iyong mga time na iyon, masyado kang stuck sa pandemic, sa sarili ko na na-highlight iyong problems na di naman talaga totoo.”

Continue reading below ↓

MARLO MORTEL ON MENTAL AND SPIRITUAL FAITH

Sa mga panahong pinagdadaanan niya ang mga ito, saan siya humugot ng lakas at kumapit?

Mabilis na sagot ng host-singer-actor, “Kay God.

“Kasi iyong iba, they go to doctors, at walang masama dun, kasi they really wanted to.

“Pero, ang mental health kasi, very related sa spiritual…sa spiritual health natin, connection kay God.

“If you are not fully equipped sa mga salita Niya, sa mga gagawin, iyong core mo which is the spirit, iyon ang magdi-direct sa iyo.

“Kasi you can’t fully trust your mind and heart, it’s God within you that will…you know.

“Kaya ko naman, e. I know I could do it.

“I’m confident that I’m strong, and naniniwala talaga ako na minsan ay pinagdadaanan natin ang weaknesses and downs.

“Pero iyon din ang nagpapakita sa atin ng bagong perspective sa buhay and wisdom.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel plans going back to school to study Psychology: “I’m very passionate about human behavior and the mind."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results