Workouts have turned Kim Chiu into beach goddess of H&M

by Julie E. Bonifacio
Mar 12, 2021
Kim Chiu on H&M endorsement: "Honestly, hindi ako makapaniwala nung una, medyo hesitant pa ako nun tanggapin kasi, I’ve always been so insecure about my body."
PHOTO/S: PR

"Honestly, hindi ako makapaniwala," ang sabi ni Kim Chiu tungkol sa bago niyang endorsement.

Para sa kanyang mga fans, hindi nakakagulat ang pag-i-endorso ng 30-year-old actress ng H&M. Simula kasi noong naging big winner siya ng Pinoy Big Borther: Teen Edition 1 noong 2006 hanggang sa maging isa siya sa mga reliable leading ladies ng ABS-CBN, marami-rami na rin siyang sikat na produktong in-endorso.

Pero napa-wow sila sa pagdadala niya ng beachwear line ng nasabing global brand.

Ayon kay Kim, dumating raw ang offer sa opisina ng Star Magic a few moths ago, "They reached out to my management. Very timely, kasi nahihilig din ako sa swimwear, especially when we went to Boracay last year.

"Even sa Showtime, ginagamit ko swimwear as part of my OOTD. And yun nga, two weeks ago, nakapag-pictorial na rin ako with H&M for their Tropical Essentials campaign this year.

"Honestly, hindi ako makapaniwala nung una, medyo hesitant pa ako nun tanggapin kasi, I’ve always been so insecure about my body."

Continue reading below ↓

Sa mga videos at photos na kumalat sa social media, naka-swimsuit ang dalaga at nagmistulang isang beach goddess.

"It's about time and mag-enjoy ka lang," ang sabi ng It's Showtime host sa chat sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Aminadong kabado at hesitant siya nung una tungkol sa tema ng project na medyo sexy, which was, ayon sa kanyang vlog, ay "out of my comfort zone."

Continue reading below ↓

Ang sabi pa niya sa PEP.ph, "Nung nasa shoot nga kami, kinabahan talaga ako, di pa din ako makapaniwala, first time.

"But malaki naman ang tiwala ko sa team at di din nila ako pinabayaan. Kaya naging madali naman somehow ang lahat, and yung set is sobrang chill lang, happy, full of tawanan.

"Kaya mas napadali yung shoot and masaya yung vibe, kaya din naging comfortable ako sa kanila while shooting."

KIM CHIU'S BEACH BODY

Kung susumahin, halos four years ang naging paghahanda ni Kim bago ito naging confident sa pagsusuot ng two-piece swimsuit.

Nagsimula ang lahat noong 2017 nang gawin niya ang teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan ay isa siyang triathlete.

Sa April 2018 interview niya sa PEP.ph, ang teleserye ang naging daan para magka-interes siya sa duathlon, na pinaghalong long-distance running at cycling.

Simula noon, tuluyang naging mas active ang lifestyle ni Kim.

At para sa shoot niyang ito, paano siya nag-prepare?

Continue reading below ↓

"Of course, apart from a stricter diet, I gave more time sa pagwo-workout.

"Naging routine ko na mag-workout talaga. Lalo na pag may free time, nagwo-workout talaga ako."

Nag-spinning at "indoor cycling" siya na aabot sa 600 calories ang puwedeng ma-burn sa loob ng isang 45-minute routine.

Minsan, inaabot raw siya ng three hours sa pagwo-workout.

Continue reading below ↓

Nahilig din siya sa jump rope.

Sa post na ito, naka-3,000 jumps si Kim gamit ang isang weighted rope.

Yung #GoUpChallenge" niya sa video-sharing site na Tiktok, nag-plank jacks siya for 10 minutes.

Ang hirit ng close friend niyang si Bela Padilla ay, "Sumakit abs ko. Nanuod Lang ako ah hahahaha."

Continue reading below ↓

Ang daming nagawa ng workouts para kay Kim.

Sa PEP.ph Headliner feature niya nung April 2018, aniya, "Nawala yung puson ko, kasi pusunin talaga ako. Nakaka-happy pala siya pag nagre-release ka ng super daming pawis. Kasi toxins sa katawan, nakaka-store ng fats at saka nakaka-stay ng mga nakaka-stress na mga bagay-bagay. So parang pag nagsu-sweat ka, nagre-release ng endorphins, happy cells, so nakaka-happy din."

Continue reading below ↓

KIM CHIU'S UNEXPECTED BLESSING

Noong 2020, hindi lang pandemic ang ininda ni Kim. Mayo noong pinutakti siya ng bashers dahil sa "bawal lumabas" quote niya tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Pero marami ring magandang nangyari sa buhay niya.

Sabi ni Kim sa PEP.ph, "I’m so happy now despite everything na nangyari sa akin last year, andami pa ring nagbukas ng pinto, mga opportunity and blessings na di ko inakalang darating."

Pang-summer lang ba ang campaign niya with the clothing brand?

Tugon ng actress-host, "At first maiisip mo pang summer lang siya kasi mga swimwear, but hindi lang po pang summer yung collection.

"It’s all-year round, lalo na ngayon na, slowly, we’re reopening the country for tourism, puwede ka na pumunta ng mga beach and nearby resorts."

Dito ay pinaalala pa rin ni Kim na kahit na nagbubukasan na ang ilang vacation resorts sa bansa ay kailangan pa ring sumunod sa pandemic protocols.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on H&M endorsement: "Honestly, hindi ako makapaniwala nung una, medyo hesitant pa ako nun tanggapin kasi, I’ve always been so insecure about my body."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results