How Aiko Melendez's mommy Elsie lost 5 inches off her waist in 2 days

by Rommel Gonzales
Mar 16, 2021
Aiko Melendez lets her mom Elsie Castaneda wear the corset, and shows the effect on the latter's waist size after twodays.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram, AIko Melendez TV on YouTube

Starring sa YouTube channel ni Aiko Melendez ang ina nito na si Mommy Elsie Castañeda.

Nitong March 6, 2021, nag-guest si Mommy Elsie sa vlog ni Aiko para ipakita ang kanyang weight-loss journey.

Na-engganyo kasi ito na magpapayat gamit ang Corset_IG, isang brand ng corset na nakapagpabawas ng three inches sa bewang ni Aiko.

Ang corset ay kailangang isuot sa loob ng tatlong araw para pumayat.

Tinanong muna ni Aiko si Mommy Elsie kung bakit gusto nitong pumayat.

Sagot ni Mommy Elsie, "Siyempre kahit na may edad na, siyempre ang pangarap pa rin maging sexy at maganda ang katawan. Nahihirapan ako, kahit ano'ng gawin ko lalo na after nung holiday season, puro pagkain, di ba?

"So talagang nag-gain ng weight ako, gustung-gusto ko talagang magpapayat."

Si Aiko raw ang inspirasyon ni Mommy Elsie sa pagpapayat.

Nagsimula ang fitness journey ng aktres taong 2016. In March 2017, sa edad na 40, masaya niyang ibinalita ang 52 pounds na nabawas sa kanyang timbang. Magmula noon, sinubukan ng aktres ang iba't ibang paraan ng pagpapapayat.

Continue reading below ↓

DAY ONE OF MOMMY ELSIE'S CORSET CHALLENGE: "ANG HIRAP NAMAN NITO!"

Bago ang lahat ay nagbabala muna si Aiko sa kanyang ina tungkol sa mahigpit na disiplina sa pagsusuot ng corset para marating ang weight-loss goal.

Aniya, ""Dapat talagang susuotin mo lagi ito, dahil ito proven and tested talaga. Nag-work sa akin, so I want it to work for you the same way that it worked for me.

"So Mommy, good luck sa iyo, dahil ita-try na niya ang corset challenge!"

Ibinahagi ni Aiko sa kanyang vlog ang struggle ng kanyang ina sa simula ng weight-loss journey nito.

Bulalas ni Mommy Elsie habang isinusuot sa unang pagkakataon ang corset, "Ano ba ito! Ang hirap naman nito, Aiko, pinaggagagawa mo sa akin!

"Talaga bang papayat ako nito? Baka hindi naman ako pumayat nito, lagot ka sa akin! Hindi ko ma-achieve yung katawan mo, ha?

"Grabe ang sakit, hirap na hirap… huy nakupo! Grabe na ito! Pag hindi pa ako pumayat ewan ko na."

Continue reading below ↓

Aiko Melendez, mother Elsie Castaneda wearing corset

Sabi naman ni Aiko, "First day niya, so mag-i-start tayo sa first hook, tingnan natin sa mga following days.

"First day challenge ito ha, sundan ninyo sa susunod pang araw kung papayat talaga ako," pakli naman ni Mommy Elsie.

DAY TWO OF MOMMY ELSIE'S CORSET CHALLENGE: "SEXY BODY NA AKO!"

Sa pangalawang araw ng corset challenge ay kinumusta ni Aiko ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Mommy Elsie, "I feel happy and contented. Kahit papaano ilang araw lang, naka-lose na ako ng ilang inches. Biro mo dalawang araw lang iyan, what more pag tinuluy-tuloy ko iyan, talagang papayat ako.

"Sexy body na ako!"

Tinanong ni Aiko ang ina kung gusto ba nitong makapagsuot rin ng bathing suit.

Sagot nito, "Oo naman! Gusto ko ng bathing suit para makita iyong hubog ng katawan ko."

Ibinahagi rin ni Mommy Elsie ang naging karanasan niya sa second day ng kanyang corset challenge.

"Siguro kasi ang paggamit ng corset, sacrifice iyan. Kasi nandiyan iyong init, nangangati, pero palagi mong isipin, hayaan mo na iyan. Kasi iyong benefits naman napakalaki, hinuhubog niya talaga iyong katawan mo hanggang sa ma-achieve mo iyong gusto mong katawan.

"Iyon ang aking hangad ngayon."

Mairerekomenda raw ni Mommy Elsie sa iba ang paggamit ng corset para pumayat, lalo na sa mga kaedad niya. Mula sa 43 inches, naging 38 inches ang waistline niya.

Continue reading below ↓

Elsie Castaneda waistline

"Siyempre mare-recommend ko ito lalo na sa aking mga ka-edad, na parang isip nila wala na silang pag-asa, hindi. Kahit na tanders meron pa ring karapatan na maging sexy katulad ko.

"Tingnan ninyo na lang ako para maging inspiration."

"Wow, parang ang laki naman ng ni-lose mo na, Ma," ang birong bulalas ni Aiko sa ina.

Continue reading below ↓

"At least ilang araw pa lang iyan, para naman ma-inspire sila," ang tumatawa namang reaksyon ni Mommy Elsie.

"Tama! So ipapakita natin iyong progress mo after ilang days para naman ma-inspire iyong future buyers and users ng corset na ginagamit mo from Corset IG.

"Ako kasi, kaya ko ginawa itong video with my mom, para at least makikita ninyo na neutral na tao and hindi artista, baka sabihin ninyo kasi sinasabi ko lang iyon dahil ine-endorse or what.

"Hindi, kasi it’s really something that I believe in kaya naglambing ang mommy ko that she wants to use it, so now it’s her time to shine," sabi naman ni Aiko.

AIKO MELENDEZ THANKS HER YOUTUBE SUBSCRIBERS

Pinasalamatan rin ni Aiko ang 506,000 subscribers ng kanyang Youtube channel.

Sabi ni aktres, "Maraming-maraming salamat po for making my Youtube Channel part of your lives, for some their daily routines, for some naman pag walang magawa dumadaan sa aking channel, pero sana dun sa mga dumadaan mapirmi naman kayo sa channel ko.

Continue reading below ↓

"Marami pong salamat sa inyo lahat, sa mga masisipag pong nagko-comment. Sa mga namba-bash thank you na rin kasi napansin ninyo ang aming channel, and please let us know how we can improve our future contents."

Humingi rin ito ng dispensa sa mga followers dahil namahinga siya sa paggawa ng content.

"And pasensiya na po kung medyo nag-slow down ako lately, alam ninyo naman may pinagdaanan lang po. But, of course, I made you part of my life and by letting you guys know what I went through, so sana hopefully in my future vlogs I can inspire a lot of people on how I just keep up with all the challenges in life, lagi naman dapat nagdadasal."

Ang pinagdaanang tinutukoy ni Aiko ay ang pagpanaw ng kanyang stepfather, si Tito Danny Castañeda, noong February 22, sa U.S. dahil sa COVID-19.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez lets her mom Elsie Castaneda wear the corset, and shows the effect on the latter's waist size after twodays.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram, AIko Melendez TV on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results