Angeline Quinto's essentials to get through COVID-19 journey

by Emmy Burce
Apr 4, 2021
Angeline Quinto tested positive for COVID-19 on March 26, 2021. One of her essentials during her first week of self isolation was lugaw.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram (R); Screen Grab from Angeline Quinto on YouTube

"Wag sanang mag-positive. Ang dami ko pong trabaho."

Pero sa kabila ng pag-iingat at pagdarasal ni Angeline Quinto ay nag-positive pa rin ito sa COVID 19.

Nakuha niya ang resulta ng kanyang RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) test noong March 26, 2021.

"May mga nararamdaman kasi akong hind tama baka dahil, ewan ko, baka napabayaan ko din po ang sarili ko.

"So natataranta ako, natatakot para sa mga nakatrabaho ko, sa mga nakasama ko sa bahay," ang sabi ng singer-actress sa YouTube vlog niya na pinamagatang MY COVID-19 Journey.

Youtube Vlog: Angeline Quinto

Continue reading below ↓

Kelangang umuwi ni Angeline mula Laguna, ang location ng lock-in taping para sa ABS-CBN series na Huwag Kang Mangamba, noong March 23, dahil na-expose ito sa taong positibo sa coronavirus.

PAANO NAHAWAAN NG COVID-19 SI ANGELINE QUINTO?

Nagkasakit ang personal assistant na kasa-kasama ni Angeline sa taping kaya pinauwi at pinagpahinga muna ito.

Nakahanap siya ng kapalit, pero bago ito pinapasok sa location, sumailalim muna ito sa RT-PCR test. Sa kasamaang palad, nag-positibo ito sa coronavirus.

Lahad ni Angeline sa vlog, "...yung plus one ko po dun, yung parati ko pong kasama para sa lock-in, meron siyang sipon at ubo. Ang advice po ng doctor ay pauwiin na po siya ng Manila para makapagpahinga.

"So ngayon, dahil wala akong kasama, wala akong kasamang mag-aayos sa akin doon, meron pong isang tao na ipapahatid sana dun sa Laguna para po kapalit nung isang kasama ko.

"Before po talaga makapasok sa location na pinag-stay-an namin, required talaga na magpa-swab o RT-CPR Test po.

Continue reading below ↓

"Kaya lang, bago naman siya papuntahin sa Laguna, bago ihatid doon, nag-positive naman siya sa test.

"So ngayon, gumawa ng contact-tracing dahil baka nga po na-expose din ako.

"Naalala ko lahat, dahil bumisita dito yung tao na yun, nakasabay kong kumain dahil siyempre po pag kumain, nakapagkuwentuhan kami, ganyan-ganyan."

ANO ANG mga covid-19 symptoms na naramdaman ni ANGELINE QUINTO?

Agad na nag-self isolation si Angeline lalo't nagsimulang sumama ang kanyang pakiramdam.

"Nag-i-LBM ako. Para akong nilalagnat," ang sabi niya sa Day 1 ng kanyang quarantine sa bahay.

Noong Day 2 naman, aniya, "Nanghihina ako. Pero yung sa paghinga naman, buti naman po, hindi ako nagkakaproblema."

Nagsimula nga lang mawala ang kanyang pang-amoy.

Sa Day 3, habang naliligo siya, napansin niya na hindi niya maamoy ang shampoo at conditioner na ginamit niya.

Youtube Vlog: Angeline Quinto COVID-19 journey

Continue reading below ↓

Nawalan rin siya ng ganang kumain.

ANO ANG MGA ESSENTIALS NI ANGELINE QUINTO DURING SELF-ISOLATION?

Malaking bagay na may kasamang househelp si Angeline. Sila ay sina Ate Irene at Ate Tess na siyang nagluluto para sa kanya.

At tuwing ihahatid ang pagkain niya, "disposable lahat."

Sa bintanang ito kakatok ang Kapamilya star sa tuwing may kailangan siya.

Youtube Vlog: Angeline Quinto during self-isolation with househelpers

Continue reading below ↓

May CCTV si Angeline kung saan niya namo-monitor ang pagdating ng mga tao sa bahay niya.

Sa mga panahong ito, may naggo-grocery para sa kanya at iniiwan na lang gate ang mga grocery bags.

Youtube Vlog: Angeline Quino house CCTV

Dahil 14 days ang kanyang self-isolation, siniguro niyang meron siyang mga pagkakaabalahan para hindi mainip o ma-depress.

Continue reading below ↓

Nagpa-set up ang 31-year-old performer ng isang work space, na may laptop, video camera, tripod, at ring light.

"Hindi ako sanay na matagal na walang trabaho. Parang pakiramdam ko po kasi lalo akong magkakasakit pagka ganun."

Youtube Vlog: Angeline Quino room setup

Naka-subscribe siya sa Netflix, kung saan ay napanood niya ang The Crown, isang historical drama series na inirekomenda sa kanya ni Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Youtube Vlog: Angeline Quinto netflix drama series recommendation

Nag-schedule siya ng araw ng paglilinis ng kanyang kuwarto at sariling banyo.

Nagawa ang mga ito ni Angeline noong wala na siyang lagnat.

Youtube Vlog: Angeline Quinto cleaning room

Continue reading below ↓

Hindi niya binanggit kung meron siyang mga gamot na ininom maliban sa mga vitamin, thermometer, na pang-measure ng kanyang body temperature, at oxymeter, na pang-estimate ng "amount of oxygen" sa dugo.

Youtube Vlog: Angeline Quinto COVID-19 journey

Hindi rin nakalimutan ni Angeline na magpaaraw tuwing umaga.

Usually, gising na siya ng alas siyete.

Continue reading below ↓

Youtube Vlog: Angeline Quinto quarantine

Dahil medyo malat siya, hindi siya makakanta. Ang kanyang home remedy ay "pinakuluang luya 'tsaka honey lemon tea"

May isang araw din nag-"suob" siya.

Sa isang kaserola (o palanggana), may mainit na tubig na pinakuluuan ng kaunting luya, konting asin, at konting Vicks Vapor Rub.

Continue reading below ↓

Pagkatapos, nagtalukbong siya ng kumot.

Youtube Vlog: Angeline Quinto doing suob

"Pinapawisan ako kaagad," sambit niya.

Bigla ring naamoy niya ang Vicks.

Pero paalala ng dalaga, "Actually hindi naman po ito gamot sa COVID, pero ang sarap sa pakiramdam, nakakaginhawa ng lalamunan saka dito sa ilong."

Continue reading below ↓

Siyempre may mga time na nalungkot siya. Sa mga naunang araw, naiiyak siya.

Mabuti na lang at likas siyang masayahin at madasalin.

Youtube Vlog: Angeline Quinto praying

And throughout the self-isolation period, tinodo niya ang pamamahinga.

May isang madaling araw nga lang na nalimpungatan siya.

"Four a.m. ngayon, nagising ako. Napanaginipan ko si Maine Mendoza saka KatNiel Ang weird no, grabeng panaginip ito."

Continue reading below ↓

Pinilit rin ng singing champion na kumain.

At kasama sa mga pinaluto nya ay lugaw.

Matatandaang kontrobersiyal ito dahil nag-viral ang video ng isang Grab rider na hinarang na barangay tanod dahil lampas na siya sa curfew at "non-essential" ang idedeliver niyang lugaw.

Pakli ni Angeline habang kumakain, "The best ang lugaw. Lugaw is essential. Lugaw is life."

Youtube Vlog: Angeline Quinto eating lugaw

Continue reading below ↓

On Day 7, may "good news" siya.

"Meron na rin akong konting panlasa at pang-amoy!"

Pero may seven days pa siyang bubunuin kaya, get well, Angeline.

Youtube Vlog: Angeline Quinto quarantine calendar

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto tested positive for COVID-19 on March 26, 2021. One of her essentials during her first week of self isolation was lugaw.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram (R); Screen Grab from Angeline Quinto on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results