Pet, painting, biking, food have helped Thea Tolentino cope with pandemic stress

by Rommel Gonzales
Apr 24, 2021
Say hello to Blair, the "first pet" of Thea Tolentino.
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram

Mapalad si Thea Tolentino dahil hindi siya nawawalan ng trabaho kahit may pandemya.

Pagkatapos ng stint niya sa The Lost Recipe, na umere mula January 18, 2021 hanggang March 31, 2021, ay kasali naman siya sa upcoming series ng GMA-7 na Las Hermanas.

Kumpara sa mga dating roles ni Thea, mas kimi ang bago niyang karakter na si Minnie.

Aniya, "Sa Las Hermanas, ako dito si Minnie, isang college graduate na nag-major sa writing. Nae-express niya yung sarili niya through her poems.

"Mayroon siyang middle-child syndrome and mahina yung loob niya, which is a challenge for me kasi yung roles ko madalas ay strong characters. I’m trying to work on that.

"Si Minnie kasi maunawain siya to the point na nagpapalamon siya sa mga emosyon niya," panimula ni Thea na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) sa pamamagitan ng email noong Huwebes, April 22, 2021.

Pagpapatuloy pa ni Thea, "Dahil sa pandemic, na-e-experience ko siguro yung mga na-experience ni Minnie. Nakakatakot na puntahan yung mga emosyon niya, binabasa ko pa lang yung script, medyo parehas siya sa mga anxiety na nakukuha ko ngayon."

Continue reading below ↓

THEA ON COPING WITH PANDEMIC STRESS

Nabanggit na rin lamang ni Thea ang pandemya, paano nito nabago ang kanyang buhay? Kumusta ang kanyang mental and physical health?

"Ngayong panahon ng pandemic, I found new hobbies: cooking and painting.

"Naghanap ako ng way na ma-express ko yung sarili ko, and I found that with painting."

Therapeutic raw ito para sa kanya sa tuwing nakakaranas siya ng anxiety noong 2020.

"Nakakalma ako pag nagpe-paint ako. And dahil every day ko siyang ginagawa, parang hinahanap na siya ng katawan ko and it takes my mind off any problems."

Tungkol naman sa second hobby, mistulang achievement para sa kanya ang bawat dish na tina-try niyang iluto.

Continue reading below ↓

Dugtong ng 24-year-ol actress, "Sa pagluluto, masaya siya kasi hindi lang sarili mo ang napapasaya mo kundi nakakatulong na nakikita kong happy yung mga taong pinagluluto ko."

Naihihilig rin siya sa biking.

"Physically naman, mahirap i-maintain ang weight ngayong pandemic. Nakahanap din ako ng way para enjoy pa rin, nagba-bike kami ng family ko around here.

Continue reading below ↓

"Siguro, through activities na may bonding din ako with my family."

Lastly, noong August 2020, nag-adopt siya ng pusa, na "first pet" niya.

Ayon sa mga studies, "mood booster" ang pag-aalaga ng pets para sa mga taong nakakaranas ng stress.

Sabi ni Thea, "...kumuha ako ng pusa. Sabi nila, nakakatulong nga yung pets.

Continue reading below ↓

"And ako, matagal ko na talagang gusto ng pusa, sumakto na may nahanap yung friend ko, and I adopted my cat, si Blair."

THEA'S MINDSET DURING PANDEMIC

May payo o advise ang Kapuso actress para sa mga millennials na katulad niya, "Don’t be too hard on yourself.

"Okay lang kung nafi-feel mo na lost ka kasi lahat naman pinagdadaanan yun ngayon.

"Better days are coming, dala lang talaga ito ng pandemic dahil masyado tayong nakukulong sa bahay and siguro yung extrovert side of us wants to do activities na mas malaki sa mga nagagawa natin ngayon sa bahay lang.

"Focus lang sa present muna, bawasan muna natin as much as possible ang mag-overthink, huwag tayong masyadong mag-concentrate sa negative energy."

Yung ibang artista, umayaw sa projects dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus. Paano siya nakumbinsi na magtrabaho? Kumusta ang experience niya sa lock-in taping?

"I’m really grateful na since simula ng career ko sa showbiz, sunud-sunod yung projects ko, so nasanay ako na may nilalabasan ako ng craft ko, nae-express ko yung sarili ko.

Continue reading below ↓

"Noong nagkaroon ng pandemic, ang hirap na ikaw lahat gagawa, may mga auditions through Zoom, ang hirap.

"Noong binigay sa akin yung The Lost Recipe, sobrang excited ako kasi kakaiba yung story plus ang tagal kong hindi nagtrabaho for TV and doing something that you love really helps kahit may pandemic."

Ang attitude raw ni Thea pag may opportunity na magtrabaho: "Mag-iingat ako, pero gagawin ko."

Taong 2012 nagsimula ang dalaga sa showbiz through the talent show Protégé, kung saan hinirang siyang "Ultimate Female Protégé."

Samantala, kapag normal na ang lahat, saan niya unang gustong pumunta at bakit?

"Japan!" ang mabilis niyang sagot.

"Actually, bago mag-pandemic, last year balak ko dapat mag-Japan noong May para manood ng concert, kasi every year, pumupunta ako sa Japan to watch a concert.

"Hopefully, ngayon pa lang tumitingin na ako ng puwede kong puntahan at kung ano ang gagawin ko pagbalik ko ng Japan."

Continue reading below ↓

Kung ang iba ay mahilig sa mga Korean stars at series, si Thea ay fan ng mga Japanese artists.

Sino ang una niyang gustong puntahan at maka-bonding pagkatapos ng pandemic?

"Ang The Lost Recipe cast!"

Ang ilan sa mga nakasama ni Thea sa The Lost Recipe ay sina Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Phytos Ramirez, at Paul Salas.

"Ang dami na naming plano after sana ng taping kaso hindi lahat natuloy kasi nagkaroon ng second wave and hindi nag-fit sa schedules namin.

"May plano sana kami mag-beach, pero kahit hindi beach muna, basta magkakasama lang kami, happy na kami doon," pahayag pa ng Kapuso actress.

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Say hello to Blair, the "first pet" of Thea Tolentino.
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results