Tanya Garcia recounts family ordeal when everyone tested COVID-19 positive

by Rose Garcia
May 22, 2021
Tanya Garcia is glad her family has recovered from COVID-19. Also in photo: husband Mark Lapid daughters Mischa (2nd from L), Matilda (R), and Madeleine.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram; The Picture Company

Nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Tanya Garcia at Mark Lapid, pati ang tatlo nilang anak na sina Mischa, Matilda, at Madeleine.

Dalawa sa kanilang yaya ang tinamaan rin ng virus.

Pero inilihim raw ito ni Tanya sa kanyang mga magulang dahil noong mga panahong iyon ay binigyan rin ng taning ang buhay ng kanyang lola, na kamakailan, ay binawian na ng buhay.

Continue reading below ↓

Lahad ni Tanya, “Hindi ko sinabi sa parents ko na positive kaming lahat. Kailan lang nila nalaman, nung okay na okay na kaming lahat.

“Kasi nga, ayokong maka-add up sa stress nila, sa anxiety nila dahil lahat tayo, napapraning na. Pero yung mga kapatid ko, alam nila and updated sila sa everyday na nangyayari."

Saan nila nakuha ang virus?

Wala siyang maisagot dahil wala raw talaga silang ideya kung saan o kanino nila ito nakuha.

Lahat daw ng nakakasalamuha nila, lalo na si Mark ay mga negatibo naman.

“Sabi nila, baka raw airborne na,” saad ni Tanya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tanya sa pamamagitan ng Zoom noong May 19, 2021, at dito niya ikinuwento ang naging journey nilang pamilya laban sa COVID-19.

Pagbabahagi niya, “Last week of March yun, e, umuwi na kami ng Pampanga dahil sa surge nga rito sa Metro Manila. So takot kami, umuwi muna kami sa Pampanga.

Continue reading below ↓

"'Tapos, bigla na lang, si Mischa, yung eldest ko, nagka-fever. Out of the blue, nagkasakit siya 'tapos nag-chi-chill, so kinabahan na ako.

"Sabi ko, bakit bigla itong nagkalagnat, e, wala namang sipon, wala namang ubo.

“Tamang-tama, meron naman akong antigen home kit, sabi ko kay Mark, i-test na natin. Yung wala lang, bigla mo lang naramadaman na kakaiba, e, bigla na lang nagka-fever, at saka, praning na tayo.”

Nang i-test nga raw niya ang panganay na anak sa antigen home test kit, positibo ang resulta.

Kaya ang ginawa raw nila, lahat na sila sa bahay ay nag-antigen test na, “Sabi kasi, kapag positive ka na sa antigen test, nandiyan na yung virus. Kaya sabi ko, pa-test na rin tayong lahat sa bahay.

"At lahat kami, positive.

“Yung dalawang yaya, nag-positive, pero sina manang, hindi. Yung talagang nasa loob, kumbaga, 24/7, nasa loob sila. Doon din sila natutulog sa room ni Madel. Sina Manang kasi, may ibang room sila.”

Continue reading below ↓

Pero bukod kay Mischa na nilagnat at nag-chill, silang lahat naman ay walang naging symptoms kaya masasabing asymptomatic sila.

Patuloy ni Tanya, “After naming mag-antigen test, nag-PCR test na kami. Kinuha namin yung 24-hour result.

"Actually, mabilis lang, parang 12 hours lang, may result na. And noong positive talaga sa PCR test, yun na yung parang pakiramdam mo, hindi ka na makahinga.”

EFFECTS OF ISOLATION ON TANYA

Si Tanya, kasama ang mga anak niya at dalawang yaya, ay sa bahay nila ni Mark sa Pampanga nag-quarantine. Pero si Mark na may comorbidity, kinailangan raw nitong ma-confine sa hospital.

Aniya, “’Yung family doctor namin, gusto niyang i-check si Mark kasi, siya yung may comorbidity talaga. Ako, may hika ako, pero since March 28, March 29, tsine-check naman ako over the phone and okay naman yung breathing ko, okay yung oxygen level ko.

“Pero si Mark, napansin niya na hinihingal na kaya the following day, sinabi kay Mark na pa-check up ka na.

Continue reading below ↓

"Siyempre, alam ng doctor kung talagang di okay ang breathing or anxiety lang. Kaya noong March 30 na nagpa-check up siya, hindi na siya nakauwi, na-hospitalize na siya and one week siya doon.”

Ayon kay Tanya, may naging sakit si Mark sa liver na nakuha niya dahil sa gamot na ibinigay sa kanya dati.

“Okay na siya roon, pero dahil na-scar na ang liver, siya yung mas naging risky.”

Ang sintomas lang daw na naranasan ni Tanya ay ang kawalan ng panlasa nang ilang araw. Kaya kuwento nito, kinain raw niya lahat ng gulay, kahit yung hindi niya kinakain dati at kahit wala siyang panlasa.

Determinado siyang lumakas ang kanyang resistensiya.

Ang ipinagpapasalamat ni Tanya ay nasa bahay lang sila at wala silang gaanong discomfort.

Pero bagamat naka-quarantine sila, nakakarating pa rin sa kanila ang mga hindi magagadang balita na nakakadagdag sa anxiety.

"Siyempre that time, ang hirap, kasi ako ang naiwan sa mga bata 'tapos si Mark, nasa hospital.

Continue reading below ↓

"E, yun ang time na ang dami talagang cases, ang daming namamatay dahil sa COVID na kilala mo.

"'Tapos, habang nasa hospital siya, yung chief of staff ng dad niya [Senator Lito Lapid] passed away.

"Siyempre, nakaka-add din sa anxiety, so siyempre, kapag may mga information ka na nakukuha, mas nakaka-add sa anxiety.

“E, sabi pa kapag may COVID ka, hindi ka dapat magpapa-stress kasi, mas bababa ang immune system mo.”

Takot man daw si Tanya, pero kapag nasa situwasyon na raw na nandoon na, nagiging malakas na rin ang loob ng kahit sino.

Sabi nga niya, “I think ha, kapag nandoon ka na sa sitwasyon na yun, wala kang ibang choice but to be strong.

“Prayers lang talaga kasi, wala ka namang ibang makakapitan kung hindi yung faith mo kay God na, 'No, kaya natin ito. Malalampasan natin ito.'

“At every day, talagang nagdadasal kami ng kids habang nagbi-video call kami kay Mark. Kasama siya habang nagdadasal kami, nagrorosaryo kami.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanya Garcia is glad her family has recovered from COVID-19. Also in photo: husband Mark Lapid daughters Mischa (2nd from L), Matilda (R), and Madeleine.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram; The Picture Company
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results