Nadia Montenegro, Ynna Asistio, 5 family members, 2 yaya survive COVID-19

by Rommel Gonzales
4 days ago
Nadia Montenegro called her COVID-19 journey with daughter Ynna Asistio as a "longggg battle," which began in mid-May and ended in June.
PHOTO/S: @asistioynna on Instagram

Kamakailan ay panibagong karagdagan sa listahan ng mga artistang tinamaan ng COVID-19 ang pamilya ni Nadia Montenegro, kasama ang anak na si Ynna Asistio.

Idinaan ni Ynna sa kanyang Instagram account ang pagsisiwalat ng nangyari sa kanilang mag-anak.

Kuwento ng dalaga, sa una niyang swab test ay negatibo siya sa nakamamatay na virus.

Pero nagpositibo ang resulta ng test ng kanyang ina, kaya hindi natanggal ang kanyang pag-aalala.

"Half of the family had covid, here’s my story," umpisang paglalahad ni Ynna sa nasabing video-photo sharing and networking service.

"Did RT-PCR test because I was suppose to leave for Bicol when the test came out that afternoon, I was negative, but sad part is mom tested positive. So automatically, the whole house PUI [Pesron Under Investigation] na."

Mas lalo pang gumuho ang mundo ni Ynna dahil habang nag-aayos ng mga dokumento para sa isang biyahe niya, doon natuklasang positibo na rin siya sa COVID-19.

Continue reading below ↓

"While fixing my requirements for my flight, I had to print the results only to find out that I was also positive. I remember running out of the house cause I was at the dining beside all my siblings."

YNNA'S COVID-19 SYMPTOMS

Sa mga unang araw ay walang naramdamang anumang sintomas si Ynna, pero bigla na lang daw nagbago ang kanyang mga nararamdaman.

"I started to feel mild symptoms, like cold sweats, headache, fatigue, loss of appetite (but I didn’t lose my senses of smell & taste), nausea and shortness of breath."

Nagsimula na rin daw na sumakit ang kanyang likod.

"What bothered me the most, when I woke up is the pain I felt on my lower back. I panicked and called Doctora Melissa (@poch.sincho), our family doctor and went to check on me.

"She said I was starting to develop phlegm and asked to have an oxygen ready. So I followed just to be sure."

Continue reading below ↓

Normal naman ang oxygen level niya, pero nahihirapan siyang huminga.

"Every time I breathe, I would feel a sharp pain a stabbing pain on my back, but my oxygen level was normal. I could breathe normally pero mabigaaat and masakit."

YNNA'S ROAD TO RECOVERY

Makalipas ang ilang linggo, gamit ang mga sandata niyang dasal, pagmamahalan nilang mag-anak, pahinga at tulog, mga gamot at bitamina, nalabanan nila ang virus.

"For 2 weeks I took Ivermectin and loaded up on vitamin C and water and as much as possible small movements lang coz I get tired easily. I allowed my body to rest, but I also did everything to fight the virus."

Ang huling bahagi ng kanyang IG post ay, "Moral of the story...#isurvivedcovid."

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Ynna sa pamamagitan ng Facebook messenger at tinanong namin kung kailan siya tinamaan ng COVID-19.

"May 19-June 2 po. Started asymptomatic po then nag-mild symptoms on the 5th day," ang sagot ng 29-year-old actress.

Continue reading below ↓

NADIA GRATEFUL ""WALANG NAOSPITAL"

Samantala, sa pamamagitan rin ng Facebook messenger ay nakausap rin ng PEP.ph si Nadia.

"May 19 ako nag-positive pero sa level ng antibodies ko, nung nasa 5th day na," umpisang kuwento sa amin ng aktres.

"Nung Friday lang, freedom day ko na, negative. Pareho kami ni Ynna.

"Walang naospital pero lahat nilagnat, nawalan ng panlasa, etc."

Nagpositibo rin ang panganay na anak ni Nadia na si Yssa at ang mister nitong si Mac.

Pati mga anak ni Nadia na sina Ysha, Xander, at Sam, at dalawang yaya, nagpositibo rin.

Ang mga anak niyang hindi tinamaan ng virus ay sina Alyanna, Anykka, at Sophia.

Pero labis raw na nag-alala si Nadia para sa only son niyang si Xander.

Continue reading below ↓

Aniya, "Sa kanya ako natakot kasi asthmatic since birth."

Labis-labis ang pasasalamat nilang mag-anak sa Panginoong Diyos at nalampasan nila ang krisis at lahat sila ay gumaling na.

"Sobra si Lord! Walang naospital sa amin, pero it was a longggg battle.

"Mabubuwang ka pag hindi mo na-control ang anxiety," mensahe pa sa amin ni Nadia.

Bilang pasasalamat, nagpapa-schedule na si Nadia na makapag-donate ng kanyang blood plasma.

Ang plasma ng nga COVID-19 survivors ay ginagamit na panggamot sa mga pasyente ng coronavirus.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro called her COVID-19 journey with daughter Ynna Asistio as a "longggg battle," which began in mid-May and ended in June.
PHOTO/S: @asistioynna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results