Dingdong Dantes, Marian Rivera get vaccinated with Sinovac on Independence Day

by Rachelle Siazon
Jun 13, 2021
Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera look thrilled after getting their first dose of Sinovac COVID-19 vaccine in a vaccination center in Taguig City.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza and @raetristan via @marianrivera and @dongdantes Instagram

Nakiisa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagpapabakuna sa Araw Ng Kalayaan, noong Sabado, June 12.

Nakibahagi sila sa 'Ingat Angat Bakuna Lahat' campaign initiative ng Task Force T3, kunsaan kabilang ang entertainment workers at mga miyembro ng media industry sa A4 Priority Group na dapat mabakunahan.

Sa kanyang Instagram post, sinabi rin ni Dingdong na first dose ng Sinovac vaccine ang itinurok sa kanila ni Marian.

Pahayag ni Dingdong: "SINOVAXED!

"Sa linya ng aming trabaho, madalas ay kailangan magshoot sa labas. Kapag sasabak na sa eksena, mask-off. Kailangan naming tanggalin ang aming first line of defense sa COVID-19.

"Kaya ngayong Araw ng Kalayaan, gusto naming magpasalamat sa Ingat Angat at sa lahat ng ating frontliners dahil ngayon din nagsimula ang pagbabakuna sa A4 Priority Group na kasama ang media and entertainment industry, delivery service riders, mga self-employed, at ang iba pang mga manggagawa na nakikipagsapalaran sa pagpunta sa kanilang mga trabaho."

Continue reading below ↓

Naniniwala ang Kapuso Primetime King and Queen na mahalaga ang magpabakuna bilang proteksyon sa kanilang pamilya.

Sabi pa ni Dingdong: "Kabado man, through research and consultation with experts, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpabakuna.

"This is my way of ensuring not only my health and safety, but also of my loved ones and my community."

CUTE PHOTOS OF DINGDONG AND MARIAN

Kalakip ng Instagram post ni Dingdong ay ilang litrato na kuha sa kanila ni Marian habang nagpapa-vaccine.

Chill lang ang actor-host na masayang itinuro ang kanyang bakuna.



Ipinakita naman ni Marian via Instagram Stories ang hawak niyang questionnaire sa vaccination center sa Taguig.

Continue reading below ↓

Makikitang nakapikit din ang actress-host nang turukan ng vaccine.

Continue reading below ↓

Pero pagkapatapos mabakunahan ay masigla at magkayakap pang nagpa-picture ang mag-asawa.

Napa-yehey pa si Marian.

Para sa mga nais mabakunahan, magtanong sa inyong local government unit para sa online form na nilalagdaan para sa registration at schedule ng pagpabakuna.

#BakunaisLife #BakunaNowNa

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera look thrilled after getting their first dose of Sinovac COVID-19 vaccine in a vaccination center in Taguig City.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza and @raetristan via @marianrivera and @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results