Judy Ann Santos to anti-vaxxers: “Magpabakuna ka kasi wala naman nagsasabing tsismis lang ang COVID."

by Arniel C. Serato
Jun 15, 2021
Judy Ann Santos encourages everyone to get vaccinated as soon as COVID vaccines are available to them: "Isipin mo na lang na kapag may vaccine ka, may laban ka. Iyon, iyon, e. Kapag nakabakuna ka, may laban ka.”
PHOTO/S: @officialjuday on Instagram / DOH Facebook

May mensahe ang aktres na si Judy Ann Santos sa anti-vaxxers o mga taong hindi naniniwala sa bakuna.

Pati na sa mga taong hindi pa rin naniniwala hanggang ngayon na totoo ang COVID-19.

Ayon kay Judy Ann, dapat magpabakuna na ang mga tao upang unti-unti na tayong makabalik sa normal.

Lagpas isang taon na tayong dinadaluyong ng pandemya, at ang bakuna ay isang mahalagang susi para labanan ang virus.

Saad niya, “You know, mas mabuti nang magpabakuna kaysa wala, di ba?

“At least, alam mong may ginawa ka para proteksyunan, hindi lang sarili mo, pero yung family mo.

“Naniniwala ka man o hindi sa bakuna, magpabakuna ka kasi wala naman nagsasabing tsismis lang ang COVID, e.

“Kasi buong mundo yung nakaranas.

“Kapag tinanong mo pa at pinagdudahan mo pa kung totoo ang COVID, may problema talaga sa ‘yo.

“Malaki talaga ang problema mo sa pag-iisip para sabihing hindi ka naniniwala sa COVID.

Continue reading below ↓

“Kasi buong mundo na yung bumagsak ang lahat.”

Nakausap ng buong editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa PEP Exclusives nitong Lunes ng hapon, June 14.

ALL BRANDS ARE SAFE, EFFECTIVE

Ayon pa kay Judy Ann, hindi mahalaga kung anong brand ng vaccine ang maituturok sa mga nais magpabakuna.

Epektibo raw kasi ang mga bakunang may approval na sa Food and Drugs Administration (FDA) at World Health Organization (WHO).

Dagdag pa niya, “So, para sa akin, kung anumang brand iyan—Sinovac, Astra—regardless kung anong brand iyan.

“As long as it’s available already… more than the approval of FDA, yung na-approve na si Sinovac ng World Health [Organization], di ba?

“Iyon lang, e. Parang, kailangan pa ba natin magbigay ng ibang explanation galing sa iba pang mga tao, e, kung ito na mga organizations na ito ang nagsabi na, ‘It is safe?’”

HESITANT ABOUT GETTING VACCINATED

Malaki rin daw ang naging ambag ng mga nagsilabasang balitang may namatay diumanong nabakunahan sa ibang bansa kaya may vaccine hesitancy ang ilan.

Continue reading below ↓

Saad ni Judy Ann, “But siyempre, of course, nagba-vary kasi iyan sa health ng tao. At saka naunahan ng tsismis.

“Di ba, nagkaroon ng tsismis na—was that Switzerland or Netherlands na—may seniors na namatay after having the vaccine?

“So siyempre, hindi naman din natin alam kung totoo iyon o meron ba silang underlying condition before having that vaccine.

“Siyempre yung mga tao natakot na.

“Para sa akin, kung gusto na natin talaga mabuhay nang maayos, ang habol natin is herd immunity.

‘The more the merrier.’ Napakasakto ng kasabihan na iyon ngayon sa pinagdadaanan natin.

“The more the merrier nang bonggang-bongga talaga.

“Kasi [kung] mas mabilis tayo makarating doon sa herd immunity, all the more that it would be easier for us or faster for us to go back to normalcy.

“Kasi, I heard may mga ibang vaccine centers na halos talaga wala nagpupunta kahit sinasabing libre yung vaccine.

“So, parang, hindi ito ang panahon na pagdudahan natin ang sinasabi ng mga gobyerno o ng FDA at ng WHO.

Continue reading below ↓

“Ginawa na siya ng ibang parte pa ng mundo, e.

“Huwag na tayo mapahuli kasi ito na yung magiging chance para talaga makabalik tayo sa mga buhay natin.

“Have yourself vaccinated, especially your loved ones na seniors, one with comorbidities... para we could all move forward and actually, you know, slowly open our lives to normalcy kasi nakakaumay na yung ginagawa natin.

“Though, you know, working from home is not as bad as it seems pala. You know?Iyong parang, you can actually be productive even when you’re at home and you can actually make commercials at home, or you can shoot at home.

“I mean, marami naman nag-blossom na mga talent during this pandemic.”

DON’T USE VACCINATION FOR POLITICKING

Hinikayat din ni Judy Ann ang mga nakaupo sa puwesto na gawin ang tama at huwag gamitin sa pamumulitika ang bakunahan.

Pahayag ng aktres, “But siyempre, di ba, parang kawawa naman yung mga tao na iyong means lang talaga nila of working is construction or mga street vendors.

Continue reading below ↓

“Yung mga natanggalan ng mga trabaho, sana makabalik na sila sa trabaho nila.

“Para sa akin, kung pwede ngang ibigay mo na lang sa isa-isa yung gusto magpabakuna, bigay mo na.

“Pero huwag na sana natin siya gawin kampanya na pang politiko. Iyon lang yung sa akin.

“Parang, you know, unahin natin yung kapakanan ng buong Pilipinas bago ang kampanya.”

Pasintabi pa niya, “Bato-bato sa langit. Bato-bato talaga sa langit. Wala ako gustong tamaan o patamaan.

“Unahin muna natin yung kapakanan ng ibang tao bago ang kapakanan na gusto ninyo para sa sarili niyo bilang isang politiko.

"Isipin mo na lang na kapag may vaccine ka, may laban ka [sa COVID]. Iyon, iyon, e.

“Kapag nakabakuna ka, may laban ka.”

Sa ngayon, hinihintay na lamang ni Judy Ann at ng asawang si Ryan Agoncillo ang schedule ng kanilang vaccination dahil nakapagparehistro na raw sila.

Ang kasalukuyang binabakunahan na sa Pilipinas ay ang mga nasa A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens), A3 (persons with comorbidities), at A4 (economic frontliners) categories.

Continue reading below ↓

May pito nang COVID-19 vaccines na may emergency use authority (EUA) sa Pilipinas. Ito ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Moderna, Janssen, at Bharat BioTech.

Ayon sa FDA at Department of Health (DOH), ang lahat ng bakunang may EUA mula sa kanilang ahensiya at emergency use listing (EUL) ng World Health Organization (WHO) ay ligtas at epektibo.

Ilan sa celebrities at personalities na nagpabakuna na ay sina Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Aiko Melendez, Divine Lee, at Gretchen Barretto.

Nabakunahan na rin ng COVID-19 vaccine sina Isabelle Daza at asawang si Adrien Semblat, Maris Racal at nobyong si Rico Blanco, Sharon Cuneta at anak na si Frankie Pangilinan, Pia Guanio at asawang si Steeve Mago, at Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos encourages everyone to get vaccinated as soon as COVID vaccines are available to them: "Isipin mo na lang na kapag may vaccine ka, may laban ka. Iyon, iyon, e. Kapag nakabakuna ka, may laban ka.”
PHOTO/S: @officialjuday on Instagram / DOH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results