Kim Chiu now fully vaccinated with Sinovac COVID vaccine

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2021
Kim Chiu on being vaccinated with her second dose of Sinovac: "The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6meals instead of 2 meals a day, then that's it. #justwannashare”
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

Nakahinga na nang maluwag si Kim Chiu ngayong fully vaccinated na siya.

Ngayong araw, June 17, ibinalita ni Kim sa kanyang Instagram followers na naturukan na siya ng second dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ipinagdasal daw niyang mangyari ito dahil takot na takot siyang mahawaan ng virus.

Saad ng It’s Showtime co-host, “JGH. Finally. I have prayed for this day to come!

“Seeing the covid19 videos last year scared me, so many ‘what ifs’ on my mind.

“I made myself physically active by doing different workouts to help my lungs get stronger mas matinidi pa workout ko now than my marathon training before.

“But today, I am happy that I am #FullyVaccinated protection from major illness and to protect my friends, family, loved ones, and the people around me.

“Let’s all get vaccinated to reach herd immunity. #sinovac #vaccine

Wala raw siyang naranasang adverse effect ng Sinovac vaccine kundi palagi lamang siyang gutom.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6meals instead of 2 meals a day, then that's it. #justwannashare

VACCINATED CELEBRITIES/PERSONALITIES

Sa ngayon, marami nang Pinoy ang nais magpabakuna.

Hindi rin nila alintana kung anong brand ng bakuna ang ituturok sa kanila, gayundin sa maraming celebrities at personalities sa bansa.

Bukod kay Kim, Sinovac din ang mga bakunang naiturok sa ibang celebrities katulad nina Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera.

Ang pamilya ni Aga Muhlach, asawang si Charlene Gonzalez, at mga anak na sina Andres at Atasha Muhlach ay AstraZeneca vaccine ang natanggap.

Ang TV host na si Pia Guanio at asawang si Steeve Mago ay Sputnik V mula sa Russia ang bakunang naiturok sa kanila.

Si Sharon Cuneta ay Moderna vaccine ang naiturok sa kanya, samantalang ang mag-asawang sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ay Pfizer vaccine naman.

Continue reading below ↓

Sa Amerika nagpabakuna ang tatlo.

Ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat ay Pfizer vaccine din ang nakuha sa Hong Kong.

May iba pang celebrities na nabakunahan ngunit hindi nila sinabi ang bakunang naiturok sa kanila.

Kabilang na rito sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Jane Oineza, RK Bagatsing, Maris Racal, at Rico Blanco.

Bukod sa kanila, bakunado na rin sina Aiko Melendez, Divine Lee, Gretchen Barretto, at Frankie Pangilinan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on being vaccinated with her second dose of Sinovac: "The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6meals instead of 2 meals a day, then that's it. #justwannashare”
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results