Sheryl Cruz on COVID-19 jab: "Mas masakit ang flu vaccine!"

by Rommel Gonzales
Jun 28, 2021
Sheryl Cruz completed her COVID-19 vaccine on June 5, 2021. She said, "It is something that we must have to protect ourselves especially sa panahon ngayon."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram

Kabilang si Sheryl Cruz sa mga artistang bakunado na ng vaccine na panlaban sa COVID-19.

Nabanggit ito ni Shery sa kanyang interview ng PEP.ph (Phiippine Entertainment Portal) kamakailan tungkol sa pinagbidahan niyang episode ng Magpakailanman sa GMA-7.

Aniya, "Isa na iyan sa mga requirements nowadays ng industry natin, na meron tayong vaccine bago tayo makapagtrabaho.

"So kahit papaano, salamat sa Diyos, na meron na tayo. Na-complete ko na yung Pfizer shot ko sa Quezon City.

"Actually, tatlo iyan kasi I was given a chance to have the vaccine sa GMA, 'tapos I was also given a chance to register sa Manila kasi meron din kami doong residence, ''tsaka yung dito sa Quezon City.

"So kung saan ako, sabi ko kung sino yung mauna na magbigay sa akin ng tawag na puwede na akong magpabakuna, iyon na yung iga-grab ko na opportunity.

"At the same time, I'm very grateful kasi yung mga yaya ko, yung mga kasama ko sa bahay at yung ibang mga kaibigan ko, sabay-sabay na kami na nagpabakuna."

Continue reading below ↓

"mas masakit ang flu vaccine!"

Natapos na raw na mabakunahan si Sheryl ng dalawang doses niya ng vaccine.

Aniya, "Natapos ako ng second dosage ko ng Pfizer nung June 5 sa public hospital ng Quezon City."

Sa puntong into, nagbigay ng mensahe si Sheryl sa mga nag-aalinlangang magpabakuna dahil sa conflicting information tungkol dito na kumakalat sa social media.

Salaysay ng akres bilang pagpapatunay na walang dapat ikabahala ang publiko, "Yung sa akin lang, siyempre, nirerespeto natin kung ano yung kanilang mga paniniwala.

"Pero ako, I come from a family of doctors also. Ang lolo ko na namatay na, si Dr. [Jesus] Sonora, was a doctor and yung aking mga pinsan sa father side ko, medical practitioners.

"Yung isa son-in-law ng director ng Cardiology sa St. Lukes na si Dr. William Chua. I'm taking about my cousin, Dr. Daniel Ibayon, he's a cardiologist.

"So nung nagtanong sa kanya yung yaya ko, how effective is the vaccine, especially for us and for elders, yung mga senior citizens. Sabi niya, kahit ano pa raw ang pangalan ng vaccine, kahit ano pa raw ang brand, it is something that we must have to protect ourselves especially sa panahon ngayon.

Continue reading below ↓

"Iyon yun, na meron tayong panlaban at pangontra sa sakit na COVID-19. Kung anuman ang epidemyang ito, mas mabuti na mabakunahan tayo.

Ano ang naramdaman niya during and after the vaccination?

"One thing na I can tell people since I've already experieced having the vaccine, di ba, mas masakit ang flu vaccine!

"Kung kayo naka-experience kayo ng flu vaccine, and I'm sure halos lahat naman tayo sa Pilipinas naka-experience na ng flu vaccine, mas masakit po ang flu vaccine kesa sa vaccine na panlaban sa COVID-19.

"Parang kagat lang ng langgam, huwag niyo na lang tingnan yung needle kapag itinurok sa inyo, huwag niyo ng tingnan.

"'Tapos nun huwag niyong masyadong pangunahan yung sarili níyo, na matakot yung sarili niyo, by watching yung sa mga YouTube kung paano sila injection-an.

""The more you actually look into these kinds of mga clips, the more you actually scare yourself.

"Kasi pag actual na nandodoon, ang bilis! Wala pang ilang segundo, tapos na. Tapos na.

Continue reading below ↓

"Ang kailangan niyo lang pagtiyagaan talaga is yung pagpila, di ba, yung pagpila, pagkumpleto ng mga documents, pero after nun talagang...

"I'm so happy kasi with the way things itong baranggay namin sa Quezon City have been doing. Kailangan talaga magpabakuna na lahat!"

REUNION WITH TINA PANER

Samantala, ikinatuwa ni Sheryl ang muling pagsasama nila ni Tina Paner sa isang project.

Ito ay sa pamamagitan ng episode na "Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi" ng Magpakailanman na umere noong nakaraang Sabado, June 19, sa GMA-7.

Sumikat noong 1980s ang grupong Triplets nina Sheryl, Tina, at Manilyn Reynes.

Natawa si Sheryl sa sinabi ng PEP.ph na sana pala ay isanama rin si Manilyn sa naturang episode para nakumpleto ang Triplets.

Pakli niya, "Oo nga. Who knows, di ba?"

Patuloly pa Sheryl, "Kasi ngayon, ang vaccine naman ni Mane [Manilyn] nakita ko kumpleto na rin siya sa vaccine.

"Fortunately naman, kami naman nila Tina, nakakuha na kahit papaano.

Continue reading below ↓

"So nung nalaman ko from her IG [Instagram] post na si Manilyn ay kumpleto na rin sa vaccine, e, di siyempre excited ako kasi, who knows, di ba?"

Dito ay muling nanawagan si Sheryl tungkol sa pagbabakuna.

Aniya, "Minsan mauunahan ka ng takot, pero ang uunahin mo dapat ngayon proteksiyonan ang sarili mo kasi kapag pinroteksiyonan mo ang sarili mo, mapuproteksiyonan mo ang mga mahal mo sa buhay."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz completed her COVID-19 vaccine on June 5, 2021. She said, "It is something that we must have to protect ourselves especially sa panahon ngayon."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results