Ate Gay recounts ordeal due to rare skin disease: “Kuya ko pinagpapalit niya ako ng diapers.”

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2021
"GUSTO KONG MABUHAY." Ate Gay, Gil Aducal Morales in real life, opens up about the struggles he had to endure after being diagnosed with a rare and severe skin disease.
PHOTO/S: YouTube (Boobay Vlogs)/ Facebook (Gil Aducal Morales)

Mangiyak-ngiyak ang komedyanteng si Ate Gay—Gil Morales sa tunay na buhay nang magbalik-tanaw tungkol sa naging sakit niya kaya’t pabalik-balik siya sa ospital.

Noon lamang Abril, paulit-ulit na nai-post sa social media ang kalunus-lunos na kalagayan ni Ate Gay.

May oxygen tube na nakapasok sa isang butas ng kanyang ilong, at nangitim ang kanyang labi dahil sa sugat.

May mga larawan din siyang punumpuno ng pantal ang kanyang katawan.

Pagbubunyag ni Ate Gay, ito ay dahil sa kanyang rare and serious skin condition na tinatawag na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Ayon sa healthline.com, ang TEN ay “adverse reaction to medication like anticonvulsants or antibiotics.”

Ang pangunahing sintomas daw nito ay matinding pagbabalat at pagsusugat.

Sabi niya, “Nagbabalat yung balat mo. Hindi mo kakayanin pag hindi ka malakas.

“Ang hirap ng pinagdaanan ko sa sakit na ito.

“Lahat, halos… hindi makatulog dahil baka mamaya diyan mawawala yung balat mo.

“Biglaan ‘to, e, siguro nung pandemya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit ni Ate Gay na bago niya ito naranasan, anim na buwan siyang naggamot dahil sa tuberculosis o TB.

Pero paglilinaw niya, hindi siya nagkaroon ng COVID-19.

Nagkuwento si Ate Gay tungkol sa naging sakit niya sa YouTube video ni Boobay na nai-post noong June 6, 2021.

SECOND LIFE

Sa isa niyang post noong Abril, nabanggit ni Ate Gay na sinabihan siya ng doktor na pangalawang buhay na niya ito.

Buti na lang daw at hindi siya pinabayaan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga kapatid. Labing-isa raw silang magkakapatid.

“Kuya ko, biruin mo, pinagpapalit niya ako ng diapers. Umabot ako sa ganun, nagpapalit ng diapers.

“Tapos yung ate ko, nagbabantay.

“Ang pamilya talaga ang sandalan natin kung anuman ang nararamdaman nating hirap.”

Inakala nga raw ng kanyang ina na hindi na siya mabubuhay.

Patuloy ni Ate Gay, “Tatlong beses akong naospital. Pabalik-balik ako, na naawa ako. Sabi ko, ‘Ayoko nang bumalik sa ospital.’

“Nakita ako ng nanay ko. Nakita niya, handa na siyang mamatay ako.

“Kasi nakita niya hindi na ako mabubuhay dahil sa sakit na ‘yon.

“E, nagulat siya, buhay ako.”

Kahit daw hirap kumain noon dahil sa kanyang kalagayan, pinilit pa rin ni Ate Gay na kumain.

“Gusto kong mabuhay. Ang sarap mabuhay with a heart.

“Gusto ko pang sumaya yung nanay ko, kaya ninais kong mabuhay,” sabi ng kilalang impersonator ni Nora Aunor.

STRESS-RELATED

Paniwala ni Ate Gay, may kinalaman ang stress sa kanyang naging karamdaman.

Noong wala pa siyang sakit at hindi pa tumama ang pandemya, hindi raw siya nauubusan ng trabaho gabi-gabi bilang performer sa comedy bars.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nga raw tuhog ang ginagawa niyang trabaho kundi “three-hog.”

Sabi niya, “Nakakalimutan natin kung paano magpahinga, kung paano uminom nang maayos, kumain nang maayos.

“Kaya mahirap yung nag-iisip-isip ka. Overthinking.

“Tapos yung dati mong ginagawa, yung work mo, nawala bigla dahil sa pandemya.”

Binanggit ni Ate Gay ang kahalagahan ng pahinga at pag-aalaga sa sarili.

“Ang dami ko pang sakit na naranasan. Ang daming mga sakit na pumasok sa akin.

“Nandiyan yung nagka-TB ako. Naggamot ako ng six months last year hanggang April [2021].”

Diin ni Ate Gay, “Kumbaga, ang stress ang nagpapadala ng sakit sa akin, kaya huwag kayong ma-stress.

“Happy-happy lang dapat.”

Inulit niya ang kahalagahan ng pamilya at mga kaibigan.

Ilan daw sa mga tumulong sa kanya ay sina Paolo Ballesteros, ang Beks Battalion, Ogie Diaz, Teri Aunor, Allan K, at Ogie Alcasid.

“Ito ay pinansiyal. Alam mo, antagal-tagal ko sa ospital, hindi ko naman kakayanin,” pag-amin ni Ate Gay.

LESSON LEARNED

Nang tanungin si Ate Gay kung ano ang kanyang natutunan sa pinagdaanan, hindi na niya napigilang hindi maiyak.

Pahayag niya, “Hanggang tayo’y nabubuhay, bawat araw mahalaga.

“Totoo nga pala na yung, ‘Time is gold.’

“Mahalin natin ang bawat isa. Gumawa tayo ng mabuti sa kapwa, kung nakakaluwag-luwag din tayo.

“Si Lord talaga ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

“Kung nais mong mabuhay, nanaisin mo talaga.”

Hindi rin daw siya nawalan ng pag-asa sa kabila ng hirap na pinagdaanan.

“Magpakalakas. Labanan ang hirap.

“Ang sakit kong ‘yon, hindi ko alam kung mabubuhay ako nun.

“Kasi nagbabalat lahat ang katawan ko. Basta masakit. Tapos yung lips ko, nagsusugat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag hindi mo kaya, hindi ka pwedeng kumain.

“Pero ako, kumakain pa rin ako dahil gusto kong mabuhay.”

May bago raw siyang appreciation ngayon sa buhay, at itinigil na ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

May panata rin daw siya na katabing matulog ang Bibliya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"GUSTO KONG MABUHAY." Ate Gay, Gil Aducal Morales in real life, opens up about the struggles he had to endure after being diagnosed with a rare and severe skin disease.
PHOTO/S: YouTube (Boobay Vlogs)/ Facebook (Gil Aducal Morales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results