Kris Bernal happy with petite frame and 32-23-32 vital statistics

by Rose Garcia
Jun 26, 2021
Kris Bernal on 32-23-32 vital stats: “Maliit talaga ang beywang ko at parang ilang beses ko na na-explain na ganito talaga ko, petite talaga ko.”
PHOTO/S: @krisbernal @joshke on Instagram

Hindi ikinakabahala ni Kris Bernal ang kanyang kapayatan. Resulta raw ito ng kanyang healthy lifestyle.

Isa ito sa mga naging topics nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Zoom.

Ani Kris, “Sa tagal ko nang nagwu-workout, hindi naman ako nagwo-workout para sa wala lang.

"Of course, kapag nagwu-workout ka, you wanna look good, di ba? And you wanna be confident about your body."

Ano nga ba ang vital statistics niya ngayon?

“Yung vital stats ko? Alam mo naman ako, maliit talaga. Kapag nakita mo ko in person, bulinggit talaga ko, di ba?”

At saka niya sinabing, “32-23-32.”

Dugtong ng 32-year-old star, “Maliit talaga ang beywang ko at parang ilang beses ko na na-explain na ganito talaga ko, petite talaga ko.”

Kaya naman, hindi siya affected ng mga bashers napinapansin parati ang kapayatan niya.

Aniya, “Sa tagal na nakaka-receive ako ng body shaming, wala na. I know myself better. I feel I’m at my best right now. Malakas ako. Mabigat iyong mga nabubuhat ko.

Continue reading below ↓

“Mas mabilis akong tumakbo sa inyong lahat or whatever. So I think, hindi naman basehan ang pisikal para masabing may sakit ka.”

KRIS FINDS FULFILLMENT IN ACHIEVING FITNESS GOALS

Ang sexy photo shoot for her birthday last May 17 ay parang selebrasyon na rin daw ng pagkakatupad ng kanyang fitness goals.

Sabi ng StarStruck alumna, “Satisfaction ko? Wala, gusto ko, nagawa ko yung gusto ko at pinaghirapan ko ang katawan ko.

"Hindi man pleasing sa inyo, but I know sa sarili ko, I started na sobrang walang muscles, mga buto’t balat, matuwid, walang korte, ang liit ng mga binti, nag-start ako ng gano’n.

“At least ngayon, nakita ko na may napuntahan ang pagwu-work-out ko and it’s something that I’m proud of, kasi not everyone maa-achieve yung fitness goal.

“Not everyone ginaganahang mag-workout, motivated, inspired. Ang hirap-hirap maging motivated, di ba? Pero ginawa ko.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Kris Bernal, showbiz tita
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on 32-23-32 vital stats: “Maliit talaga ang beywang ko at parang ilang beses ko na na-explain na ganito talaga ko, petite talaga ko.”
PHOTO/S: @krisbernal @joshke on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results