Anjo Damiles recounts bout with depression: "Nawala ako sa tamang pag-iisip...it was sad"

by Rommel Gonzales
Aug 14, 2021
Anjo Damiles, 25, admits to being diagnosed with depression in June 2020. He recalls, "I was crying, I was lost." Good thing, he's now okay.
PHOTO/S: @anjodamiles10 on Instagram

Nagkaroon ng severe anxiety at depression si Anjo Damiles dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Inamin niya ito sa kauna-unahang pagkakataon noong August 10, 2021 sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA-7 para sa four-part mini-series na Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie.

Kuwento ni Anjo, "I was actually diagnosed with depression. Last year, June po.

"So I had to take medicines po. Also, I was diagnosed with severe anxiety since last year."

Sinubukan niyang ilarawan para sa press ang kanyang nararamdaman.

"Ang hirap i-explain when it comes to mental health. It just suddenly breaks you down into two. May point ako nung panahon na yun na nag-snap na lang po ako.

"I lost it, honestly. Nawala ako, nawala ako sa tamang pag-iisip, and it was sad to see na ganun. I was crying, I was lost. Ang hirap hanapin yung sarili mo na maging okay.

"Ang hirap yung path na yun! Na sundan lang, lakarin lang, takbuhin, ang hirap talaga sundan."

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat naman ang 25-year-old actor sa tulong na kanyang natatanggap sa gitna ng pinagdadaanan.

"With the help of my psychiatrists and of course the medicines, medyo nag-calm down yung pag-iisip ko.

"And never nawala sa pag-iisip ko rin si God. So God actually helped me... naiiyak ako! Kasi ang hirap niyang i-explain talaga, ang hirap ikuwento.

"I never told this to anyone, thank you for asking me that question, ha?

"So si God talaga ang pinaka-tumulong sa akin.

"Also my family, the doctor, na they kept me sane. They gave me ideas na bago, ano'ng puwedeng gawin, to keep your mind occupied."

Sa ngayon, inihinto na ni Anjo ang medications for his anxiety and depression.

"Ayokong maging dependent. Mas nilabanan ko siya mentally, mas nilalabanan ko yung sarili ko mentally. Nung una lang talaga hindi ko kaya. I really needed help.

"But as time pass by, you have to fight it yourself talaga, you have to give yourself a good fight. Mahirap kalaban ang sarili so talagang laban kung laban!"

Continue reading below ↓

ANJO ON COPING WITH DEPRESSION AND ANXIETY

Kuwento pa ng Kapuso star, naging malaking trigger sa kanyang depression at anxiety ang kasalukuyang nagaganap na pandemya.

Paliwanag ni Anjo, "Kasi from something na almost everyday busy ka to biglang nothing. Siyempre hindi lang naman ako yun, kapwa mamamayan din naman nating Pilipino, lahat naman tayo nawalan.

"Nawalan tayo ng pamumuhay, nawalan tayo ng bahay, pagkain.

"We lost families, friends, and hindi na mababawi yun, with what happened.

"So nakikiramay ako sa mga taong yun, sa mga nawalan, sa mga nawala, nung mga time na yun!"

Ano ang masasabi niya sa mga tulad niyang nakakaranas ng depression at anxiety?

"Ang message ko lang din siyempre is look up and pray.

"Always be thankful with what you have, for what is given to you.

"Always smile, always be happy, even though madilim ang hinaharap mo. Kasi, even na hindi ganun kadali ang hinaharap mo, at least merong part ng buhay mo na nakangiti ka.

Continue reading below ↓

"At dadalhin mo yun habambuhay kahit na gaano pa kahirap iyan at gaano kadilim ang dadaanan mo. And with God by your side, tutulungan ka niya."

Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anjo kung ngayon ba ay okay na okay na siya?

"I am fine, sometimes tumatama yung anxiety, the depression kicks in, hindi ko masabi kung anong araw but it just does. Pero I keep myself occupied.

"So nandito naman ang family ko, I talk to them, I still pray."

Malaking bagay rin na naging abala siya sa maraming bagay.

"I have games now," at tumawa si Anjo, "So at least na-o-occupy yung pag-iisip ko, naglalaro na lang ako. Also may business ako, my business is doing great!

Si Anjo ay isa sa male lead stars ng Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie, na pagbibidahan ni Barbie Forteza bilang si Captain Barbie.

Male lead stars naman sa naturang four-sunday mini series sina Anjo, bilang pulis na si Andrew Matalino, at si Jeric Gonzales na isa ring pulis na nagngangalang Bruce Dimagiba

Continue reading below ↓

Mapapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie sa GMA-7 every Sunday, 7 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Magsisimula ito sa August 15, 2021, at eere hanggang September 5, 2021.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Damiles, 25, admits to being diagnosed with depression in June 2020. He recalls, "I was crying, I was lost." Good thing, he's now okay.
PHOTO/S: @anjodamiles10 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results