Barbie Forteza recounts eventful bakuna day: Bumagyo, bumaha, lumindol

by Rommel Gonzales
Aug 21, 2021
Barbie Forteza and boyfriend Jak Roberto completes their second dose of bakuna on July 24. 2021.
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram

Literal na bagyo, baha, at lindol ang sinagupa ni Barbie Forteza para lang sa bakuna.

Kasama ni Barbie ang kanyang mga magulang na sina Tony at Imelda, pati na rin ang boyfriend na si Jak Roberto na nagpabakuna ng ikalawang dose ng vaccine laban sa COVID-19.

Ikinuwento ni Barbie ang kaniyang karanasan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press noong August 10, 2021, sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA-7 para sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie.

"Dyusko day! Actually kinagabihan pa lang tinext na kami na, 'O bukas ang schedule ng inyong second dose.'

"Okay. Kaya lang kasabay nung text [yung] balita sa 24 Oras na parang may mga areas na hindi na nga passable dahil nga bumabagyo at may mga ano na medyo lubog na, ganyan."

Nang gabing iyon ay kasalukuyang nananalasa sa Luzon at Metro Manila ang bagyong Fabian.

"So talagang pinag-isipan namin kung tutuloy kami. Kasi gusto talaga naming makuha yung second dose namin dahil ang hirap nang makakuha ng schedule ulit, kung saka-sakali.

Continue reading below ↓

"At alam naman natin na ubusan din talaga ng bakuna nung time na yun. So kung meron na at kung may schedule ka na, kunin mo na agad. Di ba, kung kaya mo rin lang.

"Kaya lang may bagyo! Kaya ang ginawa namin, nakiramdam kami."

Natatawang kuwento pa ni Barbie na nakaantabay siya sa Twitter account ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) para sa updates tungkol sa baha.

Aniya, "Naka-update ako sa Twitter ng MMDA. Kasi dun nakalagay, e, kung passable ba, sa kung ano'ng sasakyan, yung ganung area, yung ganyan.

"E, mabuti na lang din at mataas ang sasakyan ni Jak, iyon ang ginamit namin papunta so ayun, nakarating naman kami nang ligtas."

BUKOD SA BAGYO AT BAHA

Pero ayon kay Barbie, hindi pa roon natapos ang lahat.

Dahil habang naghihintay sina Barbie na mabakunahan, July 24, at 5:25 ng madaling araw, ay isang magnitude 6.6 na lindol ang naganap na ang epicenter ay sa Calatagan, Batangas.

Continue reading below ↓

Pagtuloy niya, "Akala ko naka-survive na kami sa baha, ganyan. After a few minutes, parang, hindi ko alam kung sa antok, kasi madaling araw pumipila na kami, hindi ko alam kung dahil sa antok, na parang feeling ko gumegewang ako, ganyan.

"'Tapos tinanong ako ni Jak, nasa sasakyan kami, 'Gumagalaw ka ba?'

"Sabi ko hindi. Tapos pagtingin namin, yung mga tao sa labas, parang medyo nagpapanic! Nagpapanic pero hindi sila makalabas ng venue kasi umuulan.

"So hindi sila makapag-evacuate kasi umuulan naman sa labas.

"Sabi ko, 'Lumilindol ba??!'

"Tapos hanap ko si Daddy, kasi si Daddy nasa labas [ng sasakyan], sabi ko, 'Tawagan mo si Daddy para kung ano't anuman, magkakasama na tayo sa loob ng sasakyan, puwede na tayong umalis agad!'

"At after po nung unang lindol, may aftershock pa, after five minutes!

"Kaya talagang sabi ko, 'Umalis tayo dito sa parking na ito kasi katabing-katabi natin yung building.'

Continue reading below ↓

"Parang, hindi ako kumportable, 'Umalis tayo dito sa parking, lumipat tayo ng parking!'"

HOT STORIES

BARBIE FORTEZA: "Worth it pa din!"

Matapos ang lahat ng pinagdaanan, maayos naman ang naging karanasan nila sa pagpapabakuna.

"So ayun tapos, in all fairness, sobrang ayos naman, yung mismong bakunahan, sobrang ayos naman ng pagkaka-organize. Maayos yung pila namin, walang magulo, walang nag-cause ng gulo ganyan.

"Matiwasay kaming nakapagpabakuna. So iyon, parang after naming mabakunahan, 'tapos na-realize namin lahat ng pinagdaanan namin bago namin makuha yun, parang ang worth it pa din!

"Parang after ng lahat ng sakuna, di ba, nakapagpabakuna din kami. So, nung after naming magpabakuna, at pagsampa namin sa taping, sa trabaho, parang nakagaan ng loob kasi at least alam mong protektado ka.

"Kahit papapano may panlaban ka."

Banggit namin kay Barbie, talagang itinodo sa kanila ng araw na iyon ang mga kalamidad: bagyo, baha, at lindol.

"Oo, e! Parang sinasabi ng tadhana na, 'Huwag na kayong magpabakuna.'

Continue reading below ↓

"Ahhh, hindi! Magpapabakuna kami," ang tumatawang bulalas pa ng Kapuso actress.

Hiningan naman namin si Barbie ng mensahe para sa mga taong ayaw o takot magpabakuna kontra sa COVID-19.

"Well, hindi ko din naman sila mapipilit kung ayaw nila. Pero base sa balita na alam naman natin facts lahat, at base sa announcements ng lahat ng ospital, karamihan ng naoospital at nagkakaroon ng severe cases ng COVID ay walang bakuna.

"So iyon, iyon lang po. Basta bahala na po kayong mag-analyze kung ano, pero hindi ko po kayo mapipilit. Iyon. Siyempre ano niyo iyan, free will niyo naman iyan.

"Pero yun lang, sana if you have the time, ECQ [Enhanced Community Quarantine] naman tayo ngayon, research para mas maintindihan natin kung gaano kaimportante ang bakuna.

"Hindi naman iyan mamadaliing gawin at ipadala dito sa Pilipinas kung hindi importante."

Gaganap si Barbie bilang Captain Barbie sa four-Sunday mini series na Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie.

Continue reading below ↓

Makakasama niya dito sina Anjo Damiles bilang pulis na si Andrew Matalino at si Jeric Gonzales na pulis rin bilang si Bruce Dimagiba.

Nagsimula na noong August 15 ang Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie. Mapapanood ito tuwing Linggo hanggang September 5, 7 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza and boyfriend Jak Roberto completes their second dose of bakuna on July 24. 2021.
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results