Carmi Martin recounts bout with COVID-19; gives prevention tips

by Rose Garcia
Sep 25, 2021
Carmi Martin on recovering from COVID-19 in September 2020: "Nag-exercise ako. Turmeric every morning, kumain ako ng mga prutas, positive attitude.”
PHOTO/S: @misscarmi_ on Instagram

Isang taon na ang nakalipas nang maging COVID-19 positive si Carmi Martin.

Sa kabila ng pagiging asymptomatic, naranasan ng aktres na mag-quarantine nang 14 days sa isang facility.

Paano nagbago ang kanyang buhay matapos ang kanyang COVID experience?

“Siyempre ngayon, ingat na ingat,” saad niya.

“Actually, dati pa, before it happened, talagang ingat na ingat ako, pero siyempre, di ba, usually nag-start iyan sa driver or kasambahay, pero ngayon, talagang ingat na ingat din kami rito sa bahay."

Naniniwala si Carmi na nahawa siya noon nang ihatid niya sa ospital ang isang kasambahay na COVID-19 positive.

Aniya, "I was exposed. At bumaba ang aking immune system because wala akong maid, and I was taking care of my mother, and I was assisting my sister who had a stroke, and I was the one cleaning the house."

Dahil sa nangyari, naging mas maingat si Carmi sa kanyang pakikisalamuha sa tao. Kampante raw siya kapag sa bahay, kung saan namo-monitor niya ang paglabas ng mga tao, o nasa taping, kung saan may swab test ang mga kasama sa trabaho.

Continue reading below ↓

Dugtong niya, “"...kapag nagsu-shooting, I bring my own car at hindi ako nagsasama ng tao sa kotse ko or even a driver. Kasi doon ako nahawa, sa maliit na space.”

Bago raw kasi nag-pandemic, may mga kasama talaga siyang personal assistant (P.A.) at hairstylist.

Aniya, “Kaya nga po ako natutong magkaroon na lang ng bangs. Para maayos ko iyong sarili ko. Kasi, wala, hindi ka talaga puwedeng magdala ng plus one.

“Being a veteran, kailangan talaga dala-dala mo iyong professionalism. Iyon ang isang key para magtagal sa showbiz.”

Kuwento pa ni Carmi na dahil rin sa COVID-19, buong pamilya na niya ngayon is into healthy lifestyle.

“Iyong impact niyan sa akin— kasi ang nagbantay sa parents ko at sa kapatid ko and my four dogs, iyong aking helper, who is COVID positive.

"So ngayon, iyong healthy lifestyle, pina-practice talaga namin dito sa bahay at iyong matinding pag-iingat.

“Kasi nga, mas matindi raw makahawa itong variant na Delta. So malaki ang impact.”

Continue reading below ↓

SHARING COVID EXPERIENCE AS TESTIMONY

Hindi naman ikinaila ni Carmi na nalungkot talaga siya noong una niyang malaman na positibo pala siya habang naka-quarantine pa sa hotel. September 2020 nangyari ito.

“Siyempre nalungkot ako,” saad niya.

“Kasi nga iyong role na ibibigay sa akin ng Star Cinema, KathNiel, ang laki-laki. Iyong kanilang palabas na House Arrest of Us, ako talaga iyon. Na-depress talaga ako and parang hindi ko ma-accept na ako, nahawa? E, wala naman akong nararamdaman.

“I don’t know if I need to say this, but iyong testimony ko became a testimony to many channels, radio stations, 700 Club because iyong aking 14 days quarantine, ginawa kong solitude with the Lord. My honeymoon with the Lord. Talagang ginawa kong Praise and Worship."

Bukod rito, "Nag-exercise ako. Turmeric every morning, kumain ako ng mga prutas, positive attitude.”

Dugtong pa niya, “Alam mo ba, pati iyong multo doon sa tinitirahan ko, umaandar pala iyong mga silya doon sa gabi, pati iyon lumayas dahil sa praise and worship at positive attitude na ginawa ko.

Continue reading below ↓

“Ang ganda, in-inspire ko iyong mga kasama ko roon na COVID positive din ng mga devotional. At saka pinagpi-pray ko ang mga frontliner, sine-share-an ko sila, pinapasaya ko. Iyon ang naging kuwento ko.”

At ngayon daw, kapag may nalalaman siyang kasamahan sa industriya o mga kaibigan at kakilala na nagiging positibo sa virus, sinasabi raw niya ang naging testimony niya.

Sabi pa ni Carmi, “Pati sa mga kaibigan ko na nasa facility, sinasabi ko, it should be a honeymoon with the Lord. Huwag kang ma-depress kasi, kapag nadi-depress ka, mas lalong kakapit sa iyo ang sakit.

“Kasi ang sakit, ano iyan, e, hindi iyan sa Diyos. Produkto iyan ng kalaban. So lalong papasok iyan sa iyo kung negative iyong nasa mind mo, paglabanan mo. Huwag matakot even sa result dahil ninety-nine percent ng nagkaka-COVID, gumagaling.”

TURMERIC AND INSULIN PLANT TEA

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi nang ilunsad siya bilang brand ambassador ng Turmeric 10-in-1 at Insulin Plant Tea.

Continue reading below ↓

Pero nilinaw ni Carmi na yung pagpayag niya sa pag-i-endorse ng Insulin Plant Tea does not mean na mataas ang kanyang sugar. Aniya, hindi siya diabetic.

Ang tea ay iniinom niya bilang prevention sa pagkakaroon ng diabetes.

“I don’t have any problem with my sugar, pero kinuha ko ito, tinanggap ko ito because ako iyong napili nila dahil nga sa healthy lifestyle ko.

“I don’t have to wait na magkaroon ako ng sugar problem, but iyong mag-take ng Insulin Plant Tea once a day would be a plus for me.”

Samantala, nakatulong daw ang Turmeric 10-in-1 sa paggaling niya sa COVID-19 noon.

Aniya, “Kasi noong napunta ako sa facility sa Makati kasi, na-lockdown din iyong akong tinitirahan, iyong Turmeric 10-in-1, dala-dala ko siya kasi, magla-lock-in taping ako. So all the time, dala ko siya sa lock-in.

"Kaya lang, noong chineck na, di ba, kailangang i-check, 'tapos naka-hotel ako, noong nag-positive ako, asymptomatic ako.

Continue reading below ↓

"For me, nakatulong talaga iyong turmeric for me na palagi kong tine-take every day."

Saad pa niya, "Hindi ko siya ginawang gamot, ginawa ko siyang lifestyle."

Ayon sa World Health Organization, wala pang "scientific evidence" na magpapatunay na ang turmeric ay isang treatment option o prevention sa COVID-19.

Pero may mga pag-aaral nang isinasagawa tungkol sa potential ng curcumin, "a natural alkaloid derived from turmeric," na kilalang antioxidant at anti-inflammatory.

Back to Carmi, matagal na siyang back to work.

Bukod sa kanyang GV Boys ng Pure Gold Channel at Hoy Love You ng iWant, may mga na-hold na project for GMA-7.

Excited rin si Carmi para sa pelikulang Sampung Kerida.

“Pero next year pa iyon. It’s going to be funny. Mga kerida kami. It’s going to be with Director Jun Lana. Kasama ko si John Arcilla at saka si Uge [Eugene Domingo] at marami pang iba.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmi Martin on recovering from COVID-19 in September 2020: "Nag-exercise ako. Turmeric every morning, kumain ako ng mga prutas, positive attitude.”
PHOTO/S: @misscarmi_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results