The exercises and diet that helped Andrea Torres achieve flat tummy

by Rose Garcia
Oct 30, 2021
Andrea Torres says achieving her flat tummy takes a lot of "hard work po talaga," but her goal is to be "ma-muscle."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram

Di maikakaila ang kaseksihan ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Sa isang Instagram post kung saan naka-tube top siya at litaw ang kanyang buong tiyan at pusod, marami sa kanyang followers at maging kapwa artista ang nag-comment, hinahanap kung saan daw napunta ang kanyang tiyan dahil sa kanyang kaseksihan.

Andrea Torres

Continue reading below ↓

"Natatawa ako kapag may mga ganyang hirit," natatawang reaksiyon ni Andrea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Zoom kamakailan lang.

ANDREA'S GYM ROUTINE

Aminado naman si Andrea na may kasama raw talagang hirap at tiyaga para ma-maintain ang kanyang pangangatawan.

“Siyempre, hard work po talaga,” saad niya.

“Ngayon, may gym na ako sa itaas, pero simple lang naman. Naglagay na ako kasi, very active po talaga ako. Ngayon parang matatagalan na magbukas ang gym kaya naglagay na ako.

“Nakakatuwa lang kasi, pinaghirapan mo rin talaga, di ba? Gusto ko rin maging strong and dream ko talaga na kahit matanda na ako, active pa rin ako. Parang cool lola, ganyan.”

Andrea Torres

Continue reading below ↓

Pero pagdating sa workout, mainipin daw siya. Paliwanag ng aktres, mas gusto niya yung mabigat pero mabilis lang na activity niya sa gym.

“Ako kasi iyong tipo na ayoko nang matagal. Kung papiliin mo ako ng 20 na magaan versus 8 na mabigat, doon ako sa 8 na mabigat. Mas gusto ko yung mabilis kasi, naiinip ako. Mas gusto kong mapagod ng sobra pero mabilis lang.

“Mas weight akong talaga and hindi masyadong cardio. Kung magka-cardio ako, mga 20 to 30 minutes kasi nga, naiinip talaga ako,” natawang sabi niya.

ANDREA'S DIET

Disiplina at tamang pagkain daw talaga siguro ang sagot kung bakit sinasabing nawala ang tiyan niya at naging flat na flat talaga.

Sabi ni Andrea, “Disiplina po talaga and healthy food. May mga cheat day pa rin naman ako, pero tabain kasi akong tao. Mabilis akong tumaba, mabilis akong pumayat.

“E, ngayon po, medyo nag-discipline na rin talaga. Mas tuluy-tuloy na ang gym, mas tuluy-tuloy na ang maayos na pagkain, pero marami.

Continue reading below ↓

“Nagugulat nga sila na ang dami kong kinakaing chicken, ang dami kong kinakaing beef, ganyan. Pero healthy. And once a week, meron akong cheat day. Doon ko pinapasok iyong mga cake, burger, para lang hindi naman ako malungkot. Kasi, mahilig din naman akong kumain.”

Ilang buwan ang inabot bago raw niya napansing lumiit na ang tummy niya.

Kuwento pa niya, “Naalala ko nagkaroon din ng time itong pandemic na nag-gain din ako sa stress. Kasi, nakaka-gain din ang stress, nakaka-bloat din ang stress. May effect din siya sa katawan mo.”

Aminado si Andrea na isa siyang stress-eater. Ayon sa aktres, na isa sa mga bida ng bagong mini-series sa WeTV na BetCin, mas napaparami ang kain niya kapag stressed siya.

“At saka kapag nagwo-work ako, ang reward ko sa sarili ko, kain sa labas,” natawang pag-amin ng aktres na huling napanood sa GMA-7 primetime series na Legal Wives.

“Naalala ko noong Better Woman kapag magpa-pack up na, tumatawag na ako sa bahay na, ‘Uy, bumili ka na ng pandesal.'

Continue reading below ↓

“Gusto ko na pag-uwi ko, butter, salted egg, iyan ang comfort food ko that time. Siguro ngayon, hindi na lang konting kibot ko, kain. E, dati, konting celebrate, kain.

“At saka dati, palagi akong may desserts. Lagi akong may chocolates, lagi akong may bread.

"Ngayon po, mas fruits, vegetables. Maraming chicken, maraming beef and fish, mahilig po ako sa fish.”

Kumakain pa rin daw siya ng rice.

Pero sabi rin ni Andrea, “Kumakain pa rin pero hindi ko siya masyadong hinahanap. Hindi ako masyadong ma-rice, mas magulay po ako. Mas ma-bread pa nga ako than rice, although mas bad daw ang bread, kasi may sugar, flour. Mas okay raw ang brown rice than bread.”

ANDREA ON BEING CONSIDERED "BODY GOAL"

Ano ang reaksiyon ni Andrea kapag may nagsasabing siya ay kanilang "body goal?"

“Happy naman,” nakangiting sabi niya.

“Kasi mahirap din, mahirap din mag-maintain. Mahirap din maging disiplinado, yung mga temptation. Lalo na kapag nanonood ka ng Netflix, di ba, yung katabi mo kumakain.

Continue reading below ↓

“Happy lang ako kasi, pinaghirapan ko.”

Ano naman ang best compliment na kanyang narinig pagdating sa kanyang katawan?

“Siguro po yung na-inspire ko silang maging healthy,” saad niya.

“Yung na-inspire ko silang mag-workout. Kasi, na-feel ko rin naman yung effect niya sa katawan, mas maliksi ka, mas mataas ang energy mo. Nakaka-help siya sa mood.”

College pa lang daw siya, nagsimula na siyang mag-gym. Nami-miss na rin daw niya ang pilates, pero gusto rin daw niyang subukan ang mag-yoga.

Pero sa kabila ng komento ng karamihan na maituturing siyang fitness inspiration, natatawang sabi ni Andrea na hindi pa raw perfect shape para sa kanya ang katawan.

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

“Palagi ka namang may goal, e. Ako, nai-impress ako doon sa mga nakikita ko online na mas ma-muscle pa. Iyon ang goal ko rin, gusto ko rin ng ganoon, ma-muscle.

“Palaging may goal talaga and feeling ko, iyon din ang dahilan kung bakit sinisipag kang mag-workout. At saka yun nga, gusto kong maging stronger pa.”

Continue reading below ↓

Kung si Andrea ang body goal ng karamihang babae, ang Hollywood actress na si Jennifer Lopez daw ang inspirasyon niya.

“Grabe, siya talaga. Na-amaze talaga ako na na-maintain talaga niya. Lifestyle na talaga niya, and, I think, yun ang gusto kong ma-achieve, na maging lifestyle.

“Active ako pero may mga times pa rin na kumakalas ka, e. Parang gusto ko lang siyang maging lifestyle.”

Pagdating naman sa local celebrities, si Lovi Poe naman daw ang body goal ni Andrea.

“Si Lovi, nakaka-inspire rin,” sabi ni Andrea.

“Nakikita ko gumigising ng 4 a.m., 5 a.m. para tumakbo. Kahit mag-travel siya, may workout pa rin siya. May pino-post pa rin siya na workout. Feeling ko, siya rin ang example ng na-incorporate niya na sa life niya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres says achieving her flat tummy takes a lot of "hard work po talaga," but her goal is to be "ma-muscle."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results