Glenda Garcia celebrates 52nd birthday, cancer-free and happy with career

by Ruel J. Mendoza
Nov 14, 2021
Glenda Garcia with son Carlo Yap.
Glenda Garcia gets an artcard greeting on social media from GMA-7. Glenda is part of the cast of the upcoming series First Lady. Right: Glenda with son Carlo Yap.
PHOTO/S: @glendagarcia_8 Instagram

Nag-celebrate ng kanyang 52nd birthday noong nakaraang November 8 ang aktres na si Glenda Garcia at isa sa ipinasasalamat niya ay eight years na siyang cancer-free.

Taong 2013 nang ma-diagnose si Glenda na meron siyang breast cancer.

Dumaan sa ilang taong gamutan ang aktres at nalagas pa ang kanyang buhok dahil sa pinagdaanang chemotherapy.

Pero eight years after, healthy pa rin si Glenda at patuloy na nagtatrabaho sa TV.

Pero nag-iingat pa rin daw siya sa kanyang kalusugan.

"Once a year na lang yung check up ko, mga tests like, breast MRI, bone scan, lungs CT scan, whole abdomen ultrasound, transvaginal, and blood tests.

"Nitong nakaraang pandemic, mas naging maingat ako, mas maraming time to exercise, to read, cook, decorate the house, move the furnitures.

"Malungkot lang kasi normally kahit once a week nag-bonding kami ng family ko, hindi na namin masyadong nagawa.

"I used to play tennis twice a week, pero biglang natigil dahil sa lockdowns kaya sa bahay na lang ako nag-exercise.

"Kahit puwede nang lumabas, di ko pa rin ginagawa kasi medyo takot pa ako. Di pa nga ako nag-a-accept ng visitors sa house," sabi ni Glenda sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya via Facebook Messenger noong nakaraang November 11.

Marami ang na-touch sa naging birthday greeting ng kanyang unico hijo na si Carlo Yap na pinost sa Facebook noong kaarawan niya:

"To the Gaea of my life, who molded me from mud and breathed air into my lungs. To the one who shielded me from the arrows of pain; doing all she could to hide her wounds to reassure me that everything was alright. To the person who showed me that it is better to forgive and to love, than let hate and anger consume you. To the first woman I ever loved, and the person who loves me most.

"To my amazing mom who beat all the odds life stacked against her, and proved to me that I only needed a competent mother despite growing up without a father.

"To my hero, idol, and every synonymous word related to such, I wish you the happiest birthday one can ever have. While we may find ourselves amidst a world of uncertainty, know for certain that I love you dearly. Here's to many more birthdays to come."

Continue reading below ↓



Para kay Glenda, na isang single parent, ang kanyang anak ang siyang pinanghuhugutan niya ng lakas at inspirasyon, lalo na noong mga panahong may sakit siya.

"I'm so blessed for having Carlo as my son and my best friend. So grateful to God at binigay nya sa akin si Carlo at tinulungan ako ni God sa pagpapalaki sa kanya.

"He’s very responsible, intelligent, understanding, kind hearted, loving and thoughtful. Pareho kaming naging matapang harapin yung pinagdaanan ko. Kasi kami lang dalawa, e. Siya din 'ung reason ko kung bakit ako naging matapang."

Continue reading below ↓

continuing glenda's advocacy

Kapag maayos na raw ang lahat, itutuloy ni Glenda ang kanyang advocacy sa pagtulong sa mga kapwa niya cancer patients sa East Avenue Medical Center at sa Philippine Foundation for Breast Care Inc.

"I'm still very active especially 'pag may mga events. Sabi ko naman sa kanila kasi habang buhay ako, I will serve, will always be there for them.

"Volunteer din ako sa UP PGH Ugnayan Ng Pahinungod na nagme-medical mission sa mga underserved sa iba’t ibang provinces. Nahinto din lang dahil sa pandemic."

Thankful din si Glenda dahil tuluy-tuloy rin ang pagdating ng trabaho sa kanya kahit sa gitna ng pandemya.

"Sobrang thankful ako kay God kasi nga palagi din akong may mga projects. Kaya naman lahat ng best ko binibigay ko sa work ko."

"After ng First Yaya, may book 2 kami 'yung First Lady. Mag-start na rin ako soon mag-taping. Marami ring naging TV guestings like Tadhana, Magpakailanman, Wish Ko Lang, kaya sobrang happy ako."

Continue reading below ↓

message to alexandra yap

May mensahe naman si Glenda para sa pamangkin niyang si Alexandra Yap na pinasok na rin ang showbiz.

Si Alexandra ay anak ng nakakatandang kapatid ni Glenda na si Melissa Mendez.

"Lagi kong sinasabi kay Alex na kailangan lang talagang mahalin niya yung work niya at bigay niya yung best niya.

"Laging maging open sa mga puwedeng matutunan at siyempre, ang pinakaimportante yung working attitude.

"Hindi lang yung galing kundi yung pakikisama at pagmamahal sa trabaho at sa mga taong kasama mo.

"Napakabait ni Alex at sana nga yung mga hindi namin narating ni Ate Melissa, marating niya."

missing her dad

Naging masaya man ang nakaraang kaarawan ni Glenda, pero nabahiran pa rin ito ng lungkot dahil may kulang na raw sa pamilya nila.

Pumanaw ang kanilang ama na si Mr. Romeo Ruiz Yap noong nakaraang September 23 dahil sa complications dala ng COVID-19.

Sobrang close daw silang magkakapatid sa kanilang ama kaya mahirap daw noong magpaalam ito sa kanila.

"Dad ko kasi ilang taon na rin syang nakikipaglaban sa Parkinson's Disease and COPD [Chronic Obstructive Pulmonary Disease]. Sobrang hirap lang kasi nawala siya sa panahon ng may pandemic.

"Sobrang close ako sa dad ko at ang sakit nung nawala siya. Di ko man lang siya nabantayan nang mabuti nung nasa hospital siya. Di ko siya nayakap nang mahigpit at nahalikan nung nawala siya.

Continue reading below ↓

"Pero alam ko naman na he’s in a better place now, in Heaven watching over us, singing and dancing with all the angels."

Nag-share si Glenda ng isang memory niya ng kanyang ama na forever daw niyang hindi malilimutan.

"Nung elementary and high school ako, track and field player ako. Every day may training ako. Naaalala ko na very proud siya sa akin at minamasahe niya yung legs ko dahil alam niya pagod sa training.

"Sobrang di ko rin makakalimutan nung mga bata pa kami, pagpasok niya sa naval base sa Olongapo, may baon siyang piso, pag-uwi niya nandun pa rin yung piso at binibigay niya sa aming 5 magkakapatid, kaya lagi kaming looking forward sa pag-uwi niya kasi nga may pambili na ako ng favorite kong belekoy at pusit sa stick.

"Sobrang bait ng tatay ko. Very giving siya, hindi ma-complain. Kahit nung may sakit na siya, hangga't kaya niya, di niya sasabihin na nahihirapan siya."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glenda Garcia gets an artcard greeting on social media from GMA-7. Glenda is part of the cast of the upcoming series First Lady. Right: Glenda with son Carlo Yap.
PHOTO/S: @glendagarcia_8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results