Dina Bonnevie, Alden Richards, Jasmine Curtis Smith have message to anti-vaxxers

by Rommel Gonzales
Nov 29, 2021
Dina Bonnevie, Alden Richards, Jasmine Curtis Smith on vaccination
Dina Bonnevie, Alden Richards, and Jasmine Curtis Smith enumerate the importance of vaccination this pandemic.
PHOTO/S: @dinabonnevie @jomarfaulks_02 on Instagram

Dahil medyo lumuwag na ang health and safety protocols, mas matibay ang paniniwala ni Dina Bonnevie na pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Zoom mediacon para sa The World Between Us noong November 17, 2021, mayroon siyang malungkot na karanasan tungkol sa COVID-19.

Aniya, "Just recently, we lost my cousin-in-law, namatay siya kasi he didn't believe in vaccination.

"And yun lang, ayaw niyang magpa-vaccinate, hindi siya naniniwala, so namatay siya, pero nahawahan niya rin yung dalawa niyang anak.

"So sad, di ba? Parang, sayang naman, nasayang lang yung buhay mo, namatay ka dahil lang ayaw mong maniwala sa vaccination?"

Kaya pagdidiin ng aktres, hindi dapat balewalain ang COVID-19 virus, at dapat magpabakuna laban dito.

"Sa akin, ang masasabi ko, COVID is real!

"Hindi enough na magpa-vaccinate ka, yung maging fully vaccinated ka, kasi you can still get contaminated. Yun lang nga pag nagkasakit ka hindi malala.

Continue reading below ↓

"Pero hihintayin mo pa ba yun?"

Mungkahi rin ng veteran actress sa mga takot magpabakuna na isipin nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sabi niya, "Kung halimbawa natatakot ka para sa sarili mo, paano naman yung kapwa mo?

"Paano naman yung ibang members ng family mo na baka mahawahan mo dahil lang sa paniniwalang [hindi totoo ang COVID]?

"For me COVID is real, take it from me. It's real.

"Pa-vaccinate ka na!"

JASMINE CURTIS-SMITH AND ALDEN RICHARDS ON VACCINATION

Suportado rin ng co-stars ni Dina sa The World Between Us na sina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa nakamamatay na virus.

Seryosong pahayag pa ni Jasmine, "Sa lahat po, opportunity na, na magpa-vaccine, please, please, let's try to achieve herd immunity para mas mabilis na ang opportunity ng lahat din to return back to normalcy.

"Lahat na po ng trabaho, puwede nang balikan, wala nang limitations ang movements natin.

Continue reading below ↓

"Let's do our best in doing our part for the bigger immunity."

Naiintindihan naman ni Alden na hindi naging madali para sa lahat ang magpabakuna.

Aniya, "In my opinion po kasi, my opinion, parang it really took some time para ma-realize po ng mga kababayan natin na kailangang magpabakuna.

"Look at our cases now! After all of us realized na talagang... wala naman pong mawawala pag nagpa-vaccine tayo.

"We're just equipping ourselves with defense against this virus that took control over the past two years."

Noong araw na kausap namin si Alden, may naitalang 1,190 na karagdagang COVID cases. Napakalayo nito sa naitalang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na 26,303 noong September 11 ng taong kasalukuyan.

Ano ang mensahe ng Pambansang Bae sa mga takot pa rin magpabakuna?

"Doon po sa mga hindi pa at natatakot, siyempre we encourage.

"Pero siyempre discretion pa rin po nila yun. Hindi naman natin puwedeng ipilit kung hindi nila gusto because they have the free will to reject or accept something that's not being pushed to them.

Continue reading below ↓

"Pero ako po bilang isang bakunadong tao, I encourage for our kababayans na talagang, let's do our part, let's keep each other safe by being vaccinated."

Bukod kina Dina (bilang si Rachel Libradilla), Jasmine (bilang si Lia Libradilla), at Alden (bilang si Louie Asuncion), tampok rin sa The World Between Us sina Tom Rodriguez bilang si Brian Libradilla, at si Ms. Jaclyn Jose bilang si Yachie Delgado.

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, may mahahalagang papel rin sa The World Between Us sina Sid Lucero bilang Eric Carlos; Kelley Day bilang Audrey Villacer; Yana Asistio bilang Jackie Carlos-Libradilla; Jericho Arceo bilang Edison Tomas; at Donn Boco bilang Pitoy Flores.

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie, Alden Richards, and Jasmine Curtis Smith enumerate the importance of vaccination this pandemic.
PHOTO/S: @dinabonnevie @jomarfaulks_02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results