Sharon Cuneta, family in isolation after husband Kiko Pangilinan tested positive for COVID-19

by Arniel C. Serato
Jan 9, 2022
sharon cuneta family covid
Sharon Cuneta on being in isolation due to COVID-19 exposure: "So not the birthday gift I expected!"
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram

Naka-isolate ngayon ang buong pamilya ni Sharon Cuneta matapos magpositibo ang asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Linggo, January 9, 2022, ibinahagi ni Sharon ang nakakalungkot na balita gayong kakatapos lamang niyang magdiwang ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Saad ng singer-actress, “…somehow. Last night, I tested negative on my Antigen.

“Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so to see this morning’s PCR test results— all of ours.”

Dagdag pa niya, kailangan nilang mag-isolate dahil sa exposure sa asawa.

Ikinabahala naman niya ang kalagayan ng mga anak pati mga kasambahay nila dahil sa exposure.

Humiling ng dasal si Sharon para sa mabilisan nilang paggaling.

Saad nito, “We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas…Thanks so much.

Continue reading below ↓

“So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all.”

Marami nang personalities ang nagbahagi ng kanilang kuwento nang tinamaan sila ng COVID-19.

Ilan sa kanila ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Alyssa Valdez, Karen Davila, Sofia Andres, at Gretchen Fullido.

Patuloy namang nagpapagaling si Arnold Clavio na nahawaan din ng COVID virus.

Pumalo sa halos 29,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on being in isolation due to COVID-19 exposure: "So not the birthday gift I expected!"
PHOTO/S: @sharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results