Ina Raymundo, husband Brian Portunak, 5 kids contract COVID-19

by Arniel C. Serato
Jan 11, 2022
Ina Raymundo, family test positive for COVID-19
Ina Raymundo on her whole family being COVID-19 positive: “Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them."
PHOTO/S: Courtesy: @inaraymundo95 on Instagram

Nahawaan ng COVID-19 ang buong pamilya ni Ina Raymundo.

Sa kanyang Instagram noong nakaraang Linggo, January 9, 2022, sinabi ni Ina na huli siyang nahawaan sa kanilang pamilya.

Bukod sa kanyang asawang si Brian Portunak, nagpositibo rin sa COVID-19 ang lima nilang anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.

Ayon sa aktres, “My bunso has just recovered from Covid and she’s already playing so beautifully.

“We all got covid, my husband and 5 kids.

“Most of them have recovered but I just tested positive today.”

Malaki ang pasasalamat ni Ina na huli siyang nahawaan sa kanilang lahat dahil naalagaan niya ang asawa at limang anak hanggang sa sila ay gumaling na.

Hindi naman daw nagtagal ang kanilang sakit at inaalagaan niya ang mga ito katulad ng pag-aalaga sa mga taong may trangkaso.

Saad niya, “Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them.

Continue reading below ↓

“Most of my kids were sick for 2 days not more than 3 days. I treated all of them like they have the flu.

“Pls keep calm everyone. God is still in control.”

Kagabi, January 10, nagbigay ng update si Ina sa kanyang kalagayan.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa kanilang pamilya.

Aniya, “‘coz I got the Omicron but getting better, just take it easy peeps and thanks to those who prayed & wished me well, truly appreciate it.”

Marami nang celebrities at personalities ang nahawaan ng COVID-19.

Sa Pilipinas, nasa lagpas sa 30,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon lamang, January 10.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Raymundo on her whole family being COVID-19 positive: “Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them."
PHOTO/S: Courtesy: @inaraymundo95 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results