Ritz Azul's biggest gift on her birthday: testing negative for COVID-19

by Arniel C. Serato
Jan 12, 2022
Ritz Azul, husband recover from COVID-19
Ritz Azul feels grateful that a day before her 28th birthday, she and husband Allan Guy (not in photo) tested negative for COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @ritzazul on Instagram

Isang malaking regalo mula sa Itaas ang natanggap ni Ritz Azul sa bisperas ng kanyang ika-28 kaarawan kahapon, January 11.

Noong January 10 kasi ay nagnegatibo na siya at ang asawang si Allan Guy sa COVID-19, matapos magpositibo ilang araw na ang nakalilipas.

Marami raw sanang plano sina Ritz at Allan para sa kaarawan ng aktres.

Sa kanyang Instagram kagabi, kasabay ng pagdiriwang niya ng kaarawan, ibinahagi ni Ritz ang karanasan niya tungkol sa mapanghawang virus.

Lahad niya, “Birthday story and appreciation post…

“Ang plan talaga namin ngayong 28th birthday ko ay pupunta kami sa farm with my family for 2 nights.

“Sobrang excited ako kasi makakasama ko ang family ko and first time namin ni Allan na magcelebrate ng birthday ko as husband and wife.

“Excited din si Rizpah na makita ang animals daw (di din kasi talaga sya nakakatravel. 2nd time nya sana ito).”

Si Rizpah ay ang nakababatang kapatid na babae ni Ritz.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “But… di natuloy ang plano dahil nagpositive kami ni Allan sa covid.

“Sobrang lungkot ko, iyak ako nang iyak habang papalapit ang birthday ko dahil naiisip ko di matutuloy yung napromise ko kay Rizpah na pupunta kami sa farm, pero everyday akong chinicheer up ni @allan_guwi, pinapatawa nya ako kahit na sya rin malungkot din daw sa nangyari.

“Jan. 10 - we tested negative and no more symptoms. Thank God! Sobrang gandang regalo nito for us.”

Wala na raw inaasahang sorpresa si Ritz sa kanyang kaarawan, pero may inihanda pala ang asawang si Allan pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi.

Bahagi pa ng kanyang post, “12:00MN - birthday salubong. Di ako nageexpect ng kung anoman (obvious naman sa suot ko. HAHAHA pasensya na) pero may hinanda palang mini celebration si Allan, may bonus pa na regalo.

“Sunud sunod na rin ang mga bumati at bumabati sa akin until now. Thank you all sooo much! I feel loved. Thank you sooo much, @allan_guwi for making this day special and for making me happy.”

Continue reading below ↓

Hindi na rin daw mahalaga kung hindi natuloy ang plano nila dahil marami naman ang nagmamahal sa kanya.

Payo pa niya sa lahat, mag-isolate kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Pagtatapos ni Ritz, “Di man nangyari ang mga plano namin, nagpapasalamat pa rin ako sa Dios sa buhay na ito at sa mga taong nakapaligid sa akin.

“I have everything in life ‘coz I have all the love I need. Wala na akong mahihiling pa kundi sana ingatan at patnubayan nawa tayong palagi ng Dios.

“Please keep safe and healthy. Kung may symptoms kayo, isolate na agad kung maaari. Mas maganda na maging maingat. Palakasin ang katawan. God bless.”

View this post on Instagram

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)

May halos 30,000 kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, January 11.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ritz Azul feels grateful that a day before her 28th birthday, she and husband Allan Guy (not in photo) tested negative for COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @ritzazul on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results