Winwyn Marquez, Pokwang hint at their COVID-19 ordeal via Instagram

by Arniel C. Serato
Jan 12, 2022
Winwyn Marquez, Pokwang post messages about COVID-19
Winwyn Marquez and Pokwang share the importance of being vaccinated now that the country is experiencing a surge in COVID-19 cases.
PHOTO/S: Courtesy: @teresitassen / @itspokwang27 on Instagram

May mga mensahe ang Kapuso stars na sina Winwyn Marquez at Pokwang na nagpapahiwatig ng kanilang pakikipaglaban sa COVID-19.

Ngunit hindi direktang tinukoy ng dalawa kung nagpositibo sila sa virus.

Sa kani-accounts kanilang Instagram ngayong Miyerkules, January 12, 2022, ibinahagi ni Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn at komedyanteng si Pokwang ang kuwento nila tungkol sa nakakahawang virus.

Sa post ni Winwyn, makikitang nakahiga siya katabi ng isang air purifier sa kanyang kuwarto.

Sabi niya sa caption: “It's hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. [praying hands]

“I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na.. lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabaliwala lang.”

Hinikayat din niya ang mga hindi pa bakunadong magpabakuna na upang maiwasang magkasakit nang malala dahil sa COVID-19 virus.

Continue reading below ↓

“Get vaccinated, drink your vitamins, mag mask, safely distance yourself from others, test agad at mag isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo.”

Samantala, nasa ika-anim na araw na raw ng kanyang isolation si Pokwang.

May parang nakakatawang open letter na mensahe pa nga siya sa COVID-19.

Mensahe ni Pokwang: “Dear Covid doo bee dap dap,

“eto ako nagpapaaraw para lumakas muli at makabawi, ika 6 days kona ng isolation buti nalang bakunado ako kaya kinaya kita ng bongga!

“Sa mga tinamaan ni pareng Covid doo bee dap dap wag panghinaan ng loob lalo na kapag may pamilya tayong umaasa satin, Laban lang mga mahal ko, dasal at tiwala lang kay God oki?

“inom ng maraming tubig, vitamins i doble, suob, wag na muna lalabas kung may nararamdaman na symptoms.

“mag isolate agad agad, oki kapit lang #ibakapagmaybakuna

View this post on Instagram

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Sumampa na sa halos 200,000 ang active cases ng COVID-19 sa bansa kahapon, January 11.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez and Pokwang share the importance of being vaccinated now that the country is experiencing a surge in COVID-19 cases.
PHOTO/S: Courtesy: @teresitassen / @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results