Watch Now

Aubrey Miles admits blaming herself for daughter's autism

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 12, 2022
troy montero aubrey miles
Aubrey Miles and Troy Montero share how they reacted when their daughter Rocket, 3, was diagnosed with Autism Spectrum Disorder.
PHOTO/S: YouTube

Inamin ni Aubrey Miles na dumating sa puntong sinisi niya ang kanyang sarili matapos malamang may Autism Spectrum Disorder (ASD) ang bunso nilang anak ni Troy Montero na si Rocket.

Sa pinakabagong vlog ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa YouTube, noong July 10, 2022, isiniwalat ng mag-asawa kung paano nila hinarap ang matinding pagsubok na ito sa kanilang pamilya.

Read: Why it took 18 years for Aubrey Miles, Troy Montero to want to tie the knot

Ayon kay Aubrey, naramdaman niya noong isang taon at kalahati pa lang ang kanyang bunso na kakaiba na ito kumpara sa kanyang mga kuya.

Lahad niya, "I have two kids so alam ko yung development ng kids.

"So, with her, sabi ko parang may iba siya. She doesn't acknowledge her name. Ayun yung first.

"When I say 'Rocket,' sige, sabi ko baka naman sa two [years old], she doesn't look."

Sariwa pa sa alaala ng mag-asawa ang kanilang naramdaman nang marinig sa unang pagkakataon ang diagnosis ng doktor sa kanilang bunso na ito ay may Autism Spectrum Disorder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Troy, “Parang we got punched kasi it’s official na nga.

"Although may feeling na there was really something, but once it’s official, it’s like, 'Oh, wow! It took us how long for it to sink in."

Sa puntong ito ay naging emosyonal na si Aubrey dahil pakiramdam daw niya ay kasalanan niya ito bilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You want to blame yung sarili mo kasi as a mom, parang, 'Ako ba ito?'" sabi ng aktres habang naluluha.

Muli siyang tinanong ni Toni: “You blamed yourself?”

“Yes,” agad na sagot ni Aubrey.

"'Ako ba 'yan? What did I do? Yung genes ba namin?'

"Sabi ko, 'Bakit? Hindi naman ako nag-diet noong time na iyon.'"

Ibinahagi rin ni Aubrey na mismong doktor na ni Rocket ang nagsabing hindi niya kasalanan ang nangyari sa anak. Wala raw tiyak na dahilan kung bakit may autism ang isang bata

Tinapat din daw sila ng doktor na wala pang gamot at lunas sa kalagayan ng kanyang anak. Ngunit may pag-asa pa rin sa pamamagitan ng pagsasailalim nito sa therapy.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang ASD ay "developmental disability caused by differences in the brain. Some people with ASD have a known difference, such as a genetic condition. Other causes are not yet known."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad din dito: "People with ASD may behave, communicate, interact, and learn in ways that are different from most other people. There is often nothing about how they look that sets them apart from other people.

"The abilities of people with ASD can vary significantly. For example, some people with ASD may have advanced conversation skills whereas others may be nonverbal. Some people with ASD need a lot of help in their daily lives; others can work and live with little to no support."

Ayon naman kay Troy, hindi bakas sa mukha ng kanyang bunso na may sakit ito dahil natural itong masiyahin.

Kuwento ni Troy, "After the diagnosis, for me, I was thinking, you know, she laughs, she plays with us.

"She's still a breath of fresh air. And when you see her, she's so happy.

"And I'm, like, if this is autism for us, I'll be okay with it. She's happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We're very lucky she's very happy."

Labis din ang pasasalamat ng mag-asawang Troy at Aubrey na tanggap at naiintindihan ng dalawa pa nilang anak na sina Maurice at Hunter ang kalagayan ni Rocket.

Sa huli ay proud na sinabi ni Troy at Aubrey na ang bunso nilang si Rocket ang nagpatatag sa kanilang pamilya.

Ani Aubrey, “I’m crying because we can say it, kasi before parang it was so hard.

"Sabi ko, 'Nakakahiya ba yun na baka [kung anong sabihin nila]?'

"Now, I’m happy that I’m open and I’m, like, 'You know what? We can do this.'"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Miles and Troy Montero share how they reacted when their daughter Rocket, 3, was diagnosed with Autism Spectrum Disorder.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results