Watch Now

Rita Gaviola’s medical result shows “no discrete mass lesion” on her breasts

by Arniel C. Serato
Oct 10, 2022
Rita Gaviola no cyst
Rita Gaviola (left) can't contain her happiness upon knowing from Dr. Jenny Jose (right) that her breast and cervical ultrasound came out negative. ABS-CBN broadcaster Karen Davila (center) facilitated her check-up.
PHOTO/S: Courtesy: Karen Davila on YouTube

Tinupad ni Karen Davila ang pangako kay Badjao Girl na si Rita Gaviola, 19, na kanya itong ipapa-check up upang mapawi ang pangamba nito ukol sa hinalang meron siyang cyst sa dibdib.

Read: Rita Gaviola, 19, reveals cyst in her breast: "Bumalik siya."

Sa vlog ng ABS-CBN broadcaster na inilabas noong Sabado, October 8, 2022, idinukomento ni Karen ang pagpunta nila ni Rita sa doktor.

Si Dr. Jenny Jose, Obstetrics and Gynecology, sa Medical Plaza Makati, ang nilapitan nina Karen.

Sa pag-eksamin ng doktor, wala itong nakapang bukol sa dibdib ni Rita.

Rita Gaviola breast check up

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kailangan pa nito ng ultrasound para matiyak kung wala talagang bukol sa kanyang dibdib na hindi nakapa ng doktor.

Bago ang kanyang ultrasound, nagpalagay na rin si Rita ng intrauterine device (IUD) upang maiwasan na magbuntis siya kaagad.

Wala naman daw itong side effects.

Dumiretso sina Karen at Rita sa St. Luke’s Medical Center para magpa-breast at cervical ultrasound si Rita.

Rita Gaviola Saint Luke's Medical Center checkup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na araw ang kanilang hinihintay bago makuha ang resulta.

Sa isang bahagi ng vlog, sinorpresa ni Karen si Rita ng P50K worth of baby products mula sa isang sikat na mall.

Matapos silang mag-shopping, lumabas na ang resulta ng mga test ni Rita.

Sa pamamagitan ng video conference, nakausap nina Karen at Rita si Dr. Jose.

Rita Gaviola no discrete mass lesion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Karen sa doktor, "So, Doc, nangangahulugan na yung pangamba ni Rita na posibleng may cyst siya o cancer, wala po?"

Sagot nito, "Wala."

Rita Gaviola no discrete mass lesion

Sobrang tuwang-tuwa naman nina Karen at Rita sa naging resulta ng medical exam.

Tanong ni Karen, "Rita, ngayon na alam mo na, na wala kang cancer, wala kang tumor, wala kang cyst, ano yung pakiramdam mo nung narinig mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya, "Sobrang happy. Ngayon hindi ko po ma-explain kasi nararamdaman ko yung saya tsaka kaba.

"So, masaya ako kasi nalaman ko yung result. Hindi na ako nagwo-worry.

"Para mas matutukan ko pa yung baby ko. Sobrang happy ako.

"Hindi ko alam paano sabihin pero sobrang saya po ng puso ko."

Labis-labis din ang pasasalamat ni Rita kay Karen dahil sa tulong nito.

Mensahe niya, "Dahil sa inyo po yun Ma'am Karen kaya nakapagpa-check up po ako kaya sobrang sobrang thank you po Ma'am lalung-lalo na po sa mga naitulong niyo sa amin hindi man po nakikita ng ibang tao, pero kami po, alam namin po."

Dahil negatibo siya sa anumang karamdaman, makakapag-focus na raw si Rita sa pag-aalaga sa kanyang baby.

Noong August 25, 2022, ibinunyag ni Rita kay Karen din ang kanyang agam-agam na meron siyang cyst.

Si Rita ay nakilala nang mag-viral noon ang kanyang larawang namamalimos sa kalye at naging housemate sa Pinoy Big Brother 7 Teen Edition noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan ay pinasok niya ang showbiz at ang pagiging social media influencer.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Gaviola (left) can't contain her happiness upon knowing from Dr. Jenny Jose (right) that her breast and cervical ultrasound came out negative. ABS-CBN broadcaster Karen Davila (center) facilitated her check-up.
PHOTO/S: Courtesy: Karen Davila on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results