Watch Now

Ryza Cenon details "malala" period of depression

by Rose Garcia
Oct 18, 2022
Ryza Cenon and Night
Ryza Cenon reveals her battle against depression. Motherhood has made her stronger, and, at the same time, vulnerable. The actress has a baby turning two on October 31.
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram

TRIGGER WARNING: SUICIDE AND MENTAL HEALTH

Kahit matagal nang bakante si Ryza Cenon, nilalaan naman niya ang kanyang oras sa anak na si Night.

Tanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), choice ba niyang huwag muna talagang tumanggap ng mga project ngayong pandemic?

“No, hindi naman choice siguro,” saad niya. “I think, tine-take ko lang ang advantage na habang wala, ibibigay ko muna ang time ko kay Night.

“Kasi once na mag-start na ako, I think, hindi ko na mabibigay ang full time ko kay Night. So, gina-grab ko na ang opportunity na ito na kay Night muna ko.

"Para at least, wala ka munang pagsisihan sa huli na dapat pala ganito, na dapat pala nagbigay ako ng oras sa anak ko.”

Huling napanood si Ryza sa The General's Daughter ng ABS-CBN bago magkaroon ng pandemic, at sa Bella Bandida ng TV5.

RYZA ON POSTPARTUM DEPRESSION

Walang may gusto ng pandemya, pero inamin ni Ryza na kung hindi dahil dito, hindi niya matututukan 24/7 ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Timing din sa part niya nang mabuntis at ipinanganak niya si Night noong October 31, 2020.

READ:

Ryza Cenon is five months pregnant

Ryza Cenon endures 13 hours of labor before giving birth to son Night

“Ay oo, hindi talaga! At saka blessing in disguise talaga ang nangyaring pandemic and lockdown. Kasi, yun ang time na ilang weeks na ko noon, so nagkaroon ng time na mag-focus, especially magiging first-time mom ako.

“Hindi ako familiar noon sa kung ano ang nangyayari sa akin, sa sarili ko. So naging ups and down talaga yung naging journey ko as a mom.

“Hindi ko masasabi na kung ano yung nakikita sa pelikula, parang ideal talaga yung nangyayari. Pero hindi ganoon, mahirap pala. Especially kapag nakikipag-deal ka sa postpartum depression."

Bagamat mas nakatutok siya, nagkaroon pa rin ng epekto sa kanyang mental health ang sudden shift sa kanyang buhay.

“Siyempre yung katawan mo, yung mind mo, nasanay ka lang sa work lang nang work, then, biglang na-stop ng ilang taon. Parang nakakabaliw din pala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “'Tapos yung katawan mo, hindi bumabalik sa dati. Lahat ng damit mo, hindi magkasya. Parang nakaka-ano yun, parang ang pangit ko na.

“E, hindi naman ako nag-aayos sa bahay. Yung damit na sinusuot mo, paulit-ulit na lang din.”

Kahit noong wala pang anak, isa si Ryza sa naging bukas sa publiko sa pinagdaanan niyang depression, na dumating din daw sa puntong naisip niyang mag-suicide.

Parang doble ang impact noong naging nanay siya. Bukod

“Malala,” bulalas niya.

“Kahit ngayon naman, meron pa rin naman. Nagpa-pop siya.”

Paano niya nasabing malala?

“Malala… kasi minsan, well, hindi ngayon, noon… parang pinapatulog mo siya, gusto mong mag-C.R., pero hindi ka makapag-C.R., di ba? Minsan iniisip mo, nasa C.R. ka na doon ka na mag-give up. Suicide…may ganoong time.

“Pero yung pagsi-C.R. ko, parang yun ang ‘me time’ ko. Minsan inaabot ako ng one hour, pero wala ka namang ginagawa sa C.R., patingin-tingin ka lang ng phone mo. Kasi yun lang ang time na nakakahinga ka, na wala kang iniisip kung hindi ikaw lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano sa palagay niya ang nagti-trigger talaga sa pagkakaroon ng postpartum depression?

“I think, pagod… pagod talaga,” saad niya.

“At saka siyempre, masyado nang malaki ang effect ng pandemic 'tapos dadagdagan mo pa ng ganoon. Parang nasa iyo na ang lahat ng bigat na nararamdaman mo at hindi mo puwedeng ilabas kasi nga, may baby ka na inaalagaan. At hindi mo puwedeng iparamdam sa baby mo na ganoon ang nararamdaman mo.

“'Tapos kapag tatalikod siya or maglalaro siya, yun ang time na parang biglang iiyak ka na lang or kapag nag-C.R. ka, iiyak ka na lang bigla. Yung luha mo, kusang tutulo, pagod na pagod ka.”

May mensahe rin si Ryza sa mga katulad daw niya na ngayon ay dumadaan sa postpartum depression.

Sabi ng aktres, “Gusto ko lang sabihin sa mga moms, especially sa first-time mom, na hindi kayo nag-iisa.

“Kumbaga, it’s normal na maramdaman niyo iyan. Tao lang tayo, mga mommy. At hindi porke’t artista po ako, iba iyong nararanasan ko sa nararanasan niyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso niya, mas babad siya sa bahay dahil may work ang partner niyang si Miguel Antonio.

“Mag-isa lang din po ako, walang kasama, halos. Kasi si Miguel, nagtatrabaho siya. So talagang kami lang dalawa ng kasambahay at ang kasambahay, may ginagawa rin. So talagang ikaw lang. Normal lang po.”

Sabi rin niya, “Kaya nga tayo tinawag na ‘supermom’ kasi lahat kaya nating i-shoulder.”

overcoming depression

Sa ngayon, masasabi naman daw ni Ryza na nasa maayos siyang kalagayan.

“Ngayon kasi, parang siyempre, di ba, mas nararamdaman ko ang normal life. Kasi, kapag artista ka, ang trabaho mo lang, punta ka sa work—drama, iyak, action. Pag-uwi mo, matutulog ka ng mahaba 'tapos trabaho na naman the next day.

“Ngayon kasi, kung ano ang nararanasan ng mga normal na tao. Yun ang nangyayari. Siyempre ako, naninibago ako. Kasi, hindi ganoon ang nakasanayan ko sa ilang years ko sa showbiz, di ba? So parang nangangapa pa po ako sa nangyayari sa akin, pero ngayon, medyo gamay ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-o-overcome na rin daw niya ang depression o mga negatibong naiisip dahil parang nasasanay na lang din ang katawan niya.

Aniya, “Nasasanay na lang din ang katawan mo.

“May MMK [Maalaala Mo Kaya] akong shinoot na guesting, talagang noong nag-taping kami, nakiusap ako sa kanila to please bear with me. Parang feeling ko, baguhan ako ngayon.

"Hindi ako sanay kasi, first time ko ulit gagawin ito during lock-in. May mga protocols na hindi ko alam, and, feeling ko rin, hindi na ako ganoon kagaling umarte.

“Kaya before akong sumalang ng taping, nagpa-one-on-one workshop pa ako.”

Natatawa namang sabi ni Ryza, “Ang hindi ko na lang mahanap, yung sarili ko.

"Kasi siyempre, nakatutok ka pa rin sa anak mo kaya wala pa ka pa rin time na hanapin yung ikaw.”

Pero simula raw nang maging nanay na siya, napansin niya na marami rin ang nabago sa kanya.

Isa na rito ang mas naging maingat daw sila ng kanyang partner sa mga salita at kilos nila na puwedeng gayahin ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, si Night, para siyang sponge. Na kapag may narinig siya, puwede niyang gayahin. Kaya ngayon, mas nagiging careful kami sa ganyan."

Seryoso rin siyang gawin na gadget-free environment ang kanilang tahanan.

“At hindi na rin ako masyadong nagso-social media. Sobrang limit na lang. Kasi, ayokong makita niya na kung ano ang makita niya, yun din ang gagawin niya.

"So ayokong makita niya na panay lang din akong nasa cellphone.”

Note: May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon reveals her battle against depression. Motherhood has made her stronger, and, at the same time, vulnerable. The actress has a baby turning two on October 31.
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results