Watch Now

Maritoni Fernandez reveals taking Dengvaxia vaccine in Thailand

by Arniel C. Serato
Oct 25, 2022
Maritoni Fernandez avails Dengvaxia in Thailand
Actress Maritoni Fernandez: "Last shot done. Dengvaxia 3rd dose. Thank you Lord."
PHOTO/S: Courtesy: @maritoni.fernandez on Instagram

Ibinunyag ng aktres na si Maritoni Fernandez na nagpaturok siya ng Dengvaxia, isang dengue vaccine, sa Thailand.

Nakatatlong dosage na raw siya ng nasabing dengue vaccine.

Ginawa raw niya ito dahil nakaranas na siya ng “hemorrhagic dengue” may ilang taon na ang nakararaan.

Ayon pa kay Maritoni, sa Thailand siya nagpaturok ng Dengvaxia dahil ipinagbabawal ito sa Pilipinas.

Sabi ng aktres, “Last shot done. Dengvaxia 3rd dose. Thank you Lord.

"Got hemorrhagic dengue a few years back and was told that I’m high risk for fatality if I get it again so since we can’t get Dengvaxia in Manila anymore, I’ve had the perfect excuse to come to Bangkok every 6 months!

“Plus I get to see all my Thai ladies whom I love so much. [praying handa, heart, Thailand flag emojis]

#lastdengueshot #3dosesdown #healthiswealth #notodengue #samitivejvirtualhospital

Noong August 2019, pinagtibay ng Department of Health (DOH) ang hindi nito pag-apruba sa apela ng Sanofi Pasteur, Inc. na hindi patawan ng permanenteng ban ang paggamit ng Dengvaxia sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

April 2016, inilunsad ang malawakang vaccination program para sa dengue sa mga estudyante gamit ang Dengvaxia.

Pero makalipas ang ilang mga buwan at taon, may mga lumutang na balitang may mga nabakunahan ng Dengvaxia na diumano'y namatay.

Bagamat wala pang matibay na ebidensiya, itinigil ang paggamit nito sa Pilipinas.

Nagkaroon din ng kabi-kabilang imbestigasyon tungkol sa nasabing bakuna, hanggang sa tuluyan nang ni-revoke ng Food and Drug Administration (FDA) ang Certificate of Product Registration (CPR).

Kaya hindi na ito available sa Pilipinas pero sa ibang bansa ay makakabili ng nasabing bakuna.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Maritoni Fernandez: "Last shot done. Dengvaxia 3rd dose. Thank you Lord."
PHOTO/S: Courtesy: @maritoni.fernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results