Watch Now

Sharon Cuneta "upset and worried" with three in her family contracting COVID-19

by Arniel C. Serato
Nov 2, 2022
Sharon Cuneta "sad" homecoming from Australia
Sharon Cuneta reveals three family members tested positive for COVID-19: “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid."
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta / @annadasig on Instagram

In isolation ulit si Sharon Cuneta kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya dahil tatlo sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa Instagram kahapon, November 1, 2022, ibinahagi ni Sharon na hindi maganda ang sana'y masaya nilang homecoming galing sa kanilang bakasyon sa Australia.

Hindi sinabi ni Sharon kung sinu-sino ang nagpositibo sa COVID at kung isa ba siya sa mga ito.

Sabi lang ng Megastar, “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff.”

Komento ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid, "Praying BFF"

Tugon ni Sharon, nalulungkot at masama ang loob niya dahil hindi tuloy siya makakasama sa ASAP Natin 'To Las Vegas sa darating na November 5 (November 6 sa Pilipinas).

Sabi niya, "@ogiealcasid Thank you bff ko my love…So sorry i cannot be with you in ASAP in Vegas…am so upset and worried. Love you and Nana"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sharon Cuneta

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-isolate ang mga tao sa pamamahay ni Sharon. Noong January 2022, tinamaan din ng COVID ang asawa niyang si former Senator Kiko Pangilinan.

Dahil dito, nag-isolate silang buong pamilya pati na ang kanilang mga kasambahay.

Katatapos lang magdiwang noon ni Sharon ng kanyang ika-56 kaarawan last January 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng singer-actress sa Instagram noong January 11, “…somehow. Last night, I tested negative on my Antigen.

“Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so to see this morning’s PCR test results— all of ours.”

Dagdag pa niya, kailangan nilang mag-isolate dahil sa exposure sa asawa.

Ikinabahala naman niya ang kalagayan ng mga anak pati mga kasambahay nila dahil sa exposure.

Humiling ng dasal noon si Sharon para sa mabilisan nilang paggaling.

Saad nito, “We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas…Thanks so much.

“So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all.”

Read: Sharon Cuneta, family in isolation after husband Kiko Pangilinan tested positive for COVID-19

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng ilang araw, nagnegatibo na silang lahat sa COVID noong January 11.

Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, family test negative for COVID-19

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta reveals three family members tested positive for COVID-19: “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid."
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta / @annadasig on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results