Mukhang nagkahawaan na sa pamamahay ni Sharon Cuneta.
Mula sa tatlong family members na nagpositibo sa COVID-19 noong November 1, 2022, apat na ngayon ang maysakit nito sa kanila.
Humingi ng dasal si Sharon sa publiko dahil tumaas ang bilang ng nagkasakit sa kanilang pamamahay.
Aniya sa Instagram kagabi, November 3, “Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all.”
View this post on Instagram
Noong November 1, sinabi ni Sharon na naka-isolate sila sa bahay dahil tatlo sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.
Dagdag pa niya, hindi naging maganda ang sana'y masaya nilang homecoming galing sa kanilang bakasyon sa Australia.
Hindi naman sinabi ng actress-singer kung sinu-sino ang nagpositibo sa COVID at kung isa ba siya sa mga ito.
Sabi lang niya sa caption ng kanyang post, “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff.”
Read: Sharon Cuneta "upset and worried" with three in her family contracting COVID-19
Nanghinayang din si Sharon dahil hindi siya makakasama sa ASAP Natin 'To Las Vegas bukas November 5 (November 6 sa Pilipinas).
Hindi ito ang unang pagkakataong nag-isolate ang mga tao sa pamamahay ni Sharon dahil noong January 2022, tinamaan din ng COVID ang asawa niyang si former Senator Kiko Pangilinan.
Ang agad daw nilang ginawa ay mag-isolate para maiwasan ang hawaan.
Ang ikinabahala noon ni Sharon ay ang kalagayan ng mga anak pati mga kasambahay nila dahil sa exposure sa asawa.
Read: Sharon Cuneta, family in isolation after husband Kiko Pangilinan tested positive for COVID-19