Watch Now

Angelica Panganiban in isolation after testing positive for COVID

by Arniel C. Serato
Jan 12, 2023
Angelica Panganiban tests positive for COVID
Angelica Panganiban (inset) shares her video call from isolation with partner Gregg Homan and daughter Amila Sabine after she tested positive for COVID.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Labis na nalulungkot si Angelica Panganiban dahil hindi niya kapiling sa kasalukuyan ang partner na si Gregg Homan at ang anak nilang si Amila Sabine.

Naka-isolate ngayon si Angelica matapos magpositibo ito sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, January 12, 2023, ipinakita ni Angelica ang screenshot ng video call niya kay Gregg at sa kanilang anak.

Pati na ang picture ng antigen test kung saan parehong pula ang lumitaw.

Ayon sa aktres, miss na miss na niya ang kanyang pamilya.

Buong caption ni Angelica, “Nauubusan na ko ng positive thoughts [thought balloon emoji] pls send help. I miss you family @gregg_homan

Kaagad namang bumuhos ang dasal at suporta para sa kanya.

Ilan sa nagpaabot ng mensahe ay sina Maxene Magalona, Isabelle Daza, Anne Curtis, Pokwang, Iza Calzado, at Ogie Alcasid.

Angelica Panganiban prayers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento rin sina Kakai Bautista, Isabel Oli, John Prats, Melai Cantiveros, Kean Cipriano, at Carla Abellana.

Angelica Panganiban prayers

Gayundin sina Smokey Manaloto, Joana Ampil, Maris Racal, Coney Reyes, at Camille Prats.

Angelica Panganiban prayers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung saan nahawaan si Angelica ng COVID-19.

Pero nitong nakaraang linggo lamang ay nakasama niya ang ilang kaibigan para sa bridal shower ng aktres na si Glaiza de Castro.

Read: Glaiza de Castro overjoyed by surprise bridal shower hosted by Angelica Panganiban

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (inset) shares her video call from isolation with partner Gregg Homan and daughter Amila Sabine after she tested positive for COVID.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results