Alma Moreno gets emotional as she talks about her multiple sclerosis: "Yung pain kasi walang gamot..."

by Khryzztine Joy Baylon
2 days ago
Alma Moreno gets emotional as she talks about her illness
Alma Moreno couldn't hold back her tears while talking about her battle against multiple sclerosis: "Tinitiis ko lang, pero mahaba pa buhay ko ha. Yung pain kasi walang gamot. Kaya nga ang gamot sa akin minsan, papatulugin ka lang."
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube

Hindi napigilang maluha at maging emosyunal ng actress-politician na si Alma Moreno nang ibahagi niya ang dagok na pinagdaraanan niya sa kanyang kalusugan.

Ayon sa dating sexy star, dahil sa katandaan ay nagkaroon na siya ng hypertension at diabetes, maliban pa rito ang pinakamalala niyang sakit na “multiple sclerosis.”

Ang "multiple sclerosis," ayon Mayo clinic, ay isang chronic neurological disease na nakakaapekto sa central nervous system (CNS) partikular na sa utak, spinal cord, at optic nerves ng isang tao.

Sa sakit na ito, inaatake ng immune system ang myelin sheath na nagbabalot at nagproprotekta sa mga himaymay ng nerve fibers, hanggang sa permanenteng masira ito.

May mga pagkakataon daw na sinusumpong si Alma ng kanyang sakit, katulad na lamang noong araw na kapanayamin siya ni Ogie Diaz para sa vlog nito noong Huwebes, May 26, 2023.

Lahad ng aktres, "Yung lagi kong nararamdaman ngayon ay yung multiple sclerosis ko.

"Actually ngayon, in pain ako... Eto [yung kalahati ng ulo ko] in pain yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung ano ang lunas sa kanyang sakit, dito na rin nagsimulang bumuhos ang kanyang luha.

Pagbubunyag ni Alma, walang lunas ang kanyang nararamdaman.

Sabi niya, "Tinitiis ko lang, pero mahaba pa buhay ko ha.

"Yung pain kasi walang gamot. Kaya nga ang gamot sa akin minsan, papatulugin ka lang.

“Kanina lang, kausap ko yung doktora ko, sabi niya, ‘Kapag hindi nawala yung pain, pa-hospital ka na namin,’ parang ganun.

"Bibigyan ka lang ng para sa pain, pero malakas ako, ayun lang naman yung kalaban mo, e [yung pain]."

Mayroon din siyang iba pang iniindang sakit ngunit ang bukod-tangi raw na nagpapahirap sa kanya ay ang multiple sclerosis.

"Meron din naman ako sa sugar ko, pero sa awa ng Diyos hindi pa ako nag-i-insulin.

"High blood, meron ako, pero control lahat.

"Yun lang talaga yung bumibigay ako sa multiple screlosis. Kasi siguro dahil sa pressure din kasi ang dami kong ginagawa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Numero uno raw na ipinagbabawal sa kanya ng doktor ay bawal siyang ma-stress, ngunit hindi naman daw niya ito maiwasan.

Saad niya, “Bawal kasi yung sobrang stress.

"Kaya lang hindi naman puwedeng wala tayong stress sa buhay, e.

"Kapag ako lalong nakakulong sa bahay, mas magkakasakit ako."

“Kahit SA mga anak ko, hindi ko sinasabi."

Kahit ang mga anak ni Alma ay wala raw alam sa kanyang pinagdaraanan.

Ayaw raw kasi niyang maabala pa ang mga ito tuwing sinusumpong siya ng kanyang sakit.

Ayon kay Alma, "Kahit mga anak ko, hindi ko sinasabi.

"Kasi alam ko naman na mawawala. Mawawala yun, titiisin mo lang talaga.

"Tsaka kaya ko pa naman, e. Ayoko yung idamay mo pa sila.

"Kasi kaya ko pa naman, kaya ko pa.

"Kaya tingnan mo ako, gusto ko yung masaya lang, gusto ko yung may kakuwentuhan akong masaya.”

Si Alma ay may anim na anak.

Ang panganay niyang si Mark Fernandez ay anak niya sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa si Vandolph Quizon, na anak naman niya sa yumao na ring King of Comedy na si Dolphy.

Read: Alma Moreno, naiiyak sa mga maling balita tungkol sa anak na si Mark Anthony Fernandez

Mayroon namang tatlong anak si Alma sa ex-husband niyang si Joey Marquez—sina Charles Yeoj, Winwyn, at Vitto.

Ang bunso niyang si Alfah ay anak niya kay former Marawi City Mayor Fahad Salic.

Read: Alma Moreno denies separation rumor; reveals she has one-year-old daughter with husband Mayor Fahad Salic

Sa tuwing sinusumpong daw ng sakit si Alma ay wala siyang ibang ginagawa kundi magdasal.

"Sa tuwing sumasakit siya, [hinihipo ko lang] tapos nagdarasal ako.

"Kasi naniniwala ako sa Diyos na hindi niya ako papabayaan."

Sundot na tanong sa kanya ni Ogie, "Nabago ba yung lifestyle mo dahil sa sakit mo?"

Sagot ni Alma, "Hindi, kasi importante nga masaya ka, e.

"Kaya tingnan mo yung problema ko, problema mo ngayon yan. Pero kung kaya, hayaan mo yung problema ang mamroblema, parang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Kasi baka kapag dinibdib ko lahat ng bagay, baka mamatay na ako. Mahirap, mahirap yun.”

Read: Throwback photos ni Alma Moreno, “highly collectible” sa mga tito

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Moreno couldn't hold back her tears while talking about her battle against multiple sclerosis: "Tinitiis ko lang, pero mahaba pa buhay ko ha. Yung pain kasi walang gamot. Kaya nga ang gamot sa akin minsan, papatulugin ka lang."
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results