Kapag nagkakaedad na ang tao, karaniwang lumaylay na ang mga balat, at pahirap na nang pahirap magpapayat.
Pero pinatuyan ng isang Korean couple mula sa Seoul na puwedeng-puwede pa ring maging fit at magkaroon ng toned bod at firm muscles.
Kilala sa Instagram bilang @okdong_fit, madalas nagse-share ng kanilang posts kung paano ang kanilang lifestyle.
Kakaiba ang kanilang content dahil hindi ito karaniwang ginagawa ng older people.
Ang lalaki ay 61 years old na, habang ang babae ay 56.
Read: Nabingwit na isda, may ngipin na parang sa tao
Itinuturing sila ngayon na “most amazing and inspiring senior couple.”
Sa isang video na ibinahagi ng anak ng couple na si Grace, binanggit niyang na-motivate ang kanyang ama ng isang naging craze sa South Korea kung saan ang mga tao ay nag-e-ehersisyo sa loob ng anim na buwan at isine-share sa Internet ang mga pagbabago sa kanilang katawan.
Read: After 16 years, Hidilyn Diaz college graduate na: “Nakakaiyak din pala. Not an ordinary day.”
Ayon kay Grace, ang kanyang ina ay overweight noon samantalang sadyang payat naman ang kanyang ama dahil isa itong amateur kickboxer.
Nagsimulang mag-swimming ang kanyang ina matapos manganak sa kanyang bunsong kapatid na lalaki, at ipinagpatuloy niya iyon sa sumunod na limang taon.
Nang mag-quit naman ang kanyang ama sa kickboxing, linggu-linggo ay naglalaro ito ng soccer kaya nanatiling active. Pero nagkaroon ito ng knee problem, at may pagkakataong hindi nito kayang maglakad nang mahigit sa 30 minuto.
Nang magdesisyon ang ama ni Grace na gayahin ang trend na mag-ehersisyo sa loob ng anim na buwan, at i-post sa social media ang development, sinabayan ito ng kanyang ina.
Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa
Aniya, ang kanyang parents ay laging isang team, at hindi na bago sa kanila ang ganitong journey.
Nagsimulang mag-exercise ang mag-asawa at kumain ng healthy diet.
Makalipas ang anim na buwan, naglagay sila ng bagong profile pictures.
Gayunpaman, matapos ma-achieve ang kanilang initial goal, nagdesisyon ang couple na ipagpatuloy ang nasimulan.
Bukod sa kanilang workout routines, nagbabahagi rin ang senior couple ng kanilang mga ganap sa araw-araw.
Nagpo-post din sila kapag mayroon silang dates, kapag nagsa-shopping ng fashionable athletic wear, at ibinabahagi maging ang kanilang diet plans.
Read: For PHP1K, malilibot ang Manila cultural hub by bus
Naging typical date spot nila ang gym.
Hindi mai-expect ang ganitong klase ng buhay sa mag-asawang nasa ganitong edad na, pero kahanga-hanga at nakakapagbahagi ng tuwa sa netizens.
Read: Kuwento ng 2 lotto jackpot winners: Isa mahilig tumaya; isang humabol sa pagtaya
Napakahalaga rin sa mag-asawa ng kanilang mga anak, na pareho nang nakabase sa U.S.
Tuwing summer o winter ay nagbibiyahe ang buong mag-anak. Kahit maikli lang ang panahon, itinuturing nila itong napakahalagang bahagi ng kanilang buhay kumpara sa anumang materyal na bagay.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon