Alfred Vargas reveals feeling "so depressed" because of weight gain; loses 50 pounds

Alfred Vargas shares 'balik alindog' fitness regimen on his YouTube channel
by Rommel Gonzales
Jul 30, 2023
Alfred Vargas
Actor/politician narrates how he got depressed and felt like he reached rock-bottom when his weight reached 250+ pounds. He motivated himself to lose weight, embarked on a practical fitness regimen and proudly shares the fruits of his labors to his loyal followers via his YouTube channel.
PHOTO/S: Alfred Vargas on Facebook and Instagram

Nakilala si Alfred Vargas bilang isang hunk actor na may matipunong katawan noong aktibung-aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula.

Kaya nang madagdagan ang kanyang timbang at umabot ito ng 251 pounds, inamin niyang bumaba ang kanyang self-esteem at na-depress siya nang husto.

Ibinahagi ito ni Alfred, na konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City, sa unang episode ng Vargas Tries, Pwede!, ang kanyang YouTube channel.

Aniya, “May aaminin ako sa inyo… there was a time bumaba talaga ang self-esteem ko, nag-iba ang buhay ko.

“I was so depressed.

“Hindi ko nahalata isang umaga pagharap ko sa salamin, kahit yung sarili ko hindi ko nakilala yung taong nasa salamin.

“And doon na parang gumuho ang mundo ko and doon… parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Dahil nga unti-unti ay umabot na pala ako sa 251 lbs!”

Read:

Isabelle Daza vows to shed 15 kgs of postpartum weight

Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi pa ni Alfred na nag-iba ang buhay niya dahil sa paglaki ng katawan niya. Umabot siya sa punto na ang pakiramdam niya ay matandang-matanda na siya.

“Dati kapag nasa mall ako, yung mga tao tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred!’

“Tapos, lately medyo lumaki na ako, yung iba hindi na ako nakikilala, tapos yung iba naman, nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin, 'Tito Alfred' na.

“So what’s funny about this is hindi ko nahalata."

ALFRED VARGAS FITNESS JOURNEY

Isa lang ang naging motivation ni Alfred para baguhin ang kanyang lifestyle at magbawas ng timbang.

“Sabi ko, dapat magbago ako, and this time around, nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects. I will do this for my children.

“Para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“From 251 lbs. now I am 201 lbs.,” pagbabahagi ni Alfred tungkol sa halos tatlong taon na niyang struggle sa kanyang buhay.

Sinimulan ni Alfred ang pag-eehersisyo, at ipinakita niya sa kanyang YouTube channel ang ilang ehersisyong nakatulong sa pagbaba ng kanyang timbang.

Isa sa exercises na ito ay ang Parkour. Sa tulong nina coach Raven Cruz at Ms. Kate Robles, isang single mom na may katulad ding problema ni Alfred, itinuro ito ni Alfred sa kanyang followers.

Read:

Alfred Vargas, hands-on sa pagbabantay sa maselang pagbubuntis ng misis na si Yasmine Espiritu

Alfred Vargas, feeling nasa Marvel universe habang kaeksena sina Nora, Gina, at Jaclyn

accepting fan requests for youtube channel

Samantala, ang Vargas Tries, pwede! ay regalo ni Konsehal Alfred at ng kanyang kapatid na si Quezon City 5th District Congressman PM Vargas sa kanilang mga Solid Friendship na mga kaibigan at followers na labingwalong taon na nilang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang YouTube channel ay maaaring mag-request ang fans sa gustong ipagawa kay Alfred.

Dahil marami nang nagampanang roles si Alfred sa showbiz, handa raw siyang gumawa ng mga real-life roles na ire-request ng mga followers.

Paglalahad niya, “Nasubukan ko na maging tatay on-cam, at ngayon off-cam na rin.

"Nasubukan ko nang maging sundalong diwata at naging sireno na rin at naging bayani na rin ako.

"Pati ang paglilingkod pinasok na rin natin.

“E, ano pa ba ang gusto niyong i-try natin? Maging driver? O maging magsasaka? Maging teacher, maging barangay tanod? O maging talk show host. Puwede!

“Samahan niyo akong subukan ang iba’t ibang larangan dito lang sa Vargas Tries, Pwede!,” pag-iimbita pa ni Alfred sa kanyang channel na every two weeks ay may bagong content na ina-upload.

Sa mga susunod na buwan ay weekly nang mapapanood ang mga latest tungkol sa magkapatid na Alfred at PM Vargas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor/politician narrates how he got depressed and felt like he reached rock-bottom when his weight reached 250+ pounds. He motivated himself to lose weight, embarked on a practical fitness regimen and proudly shares the fruits of his labors to his loyal followers via his YouTube channel.
PHOTO/S: Alfred Vargas on Facebook and Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results