Pumanaw na ang Russian raw-vegan food influencer na si Zhanna D’art sa edad na 39.
Iniulat ito ng news site na Independent noong August 2, 2023.
Ang tunay na pangalan ni Zhanna D’art ay Zhanna Samsonova. Kilala siya sa handle na @rawveganfoodchef sa Instagram.
Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”
May 16,000 followers siya sa Instagram, at mayroong mahigit 20 million views sa TikTok.
Hindi pa inilalabas ang official cause ng kamatayan ni Zhanna.
Sa Malaysia siya inabutan ng kamatayan noong July 21 habang nagto-tour sa southeast Asia.
Pero ayon sa mga kapamilya at kaibigan ng influencer, namatay si Zhanna sanhi ng “starvation and exhaustion” matapos mamuhay na ang kinakain lang ay “completely raw vegan diet.”
Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie
FRUIT DIET
Ibinahagi ng ina ni Zhanna na sa loob ng apat na taon, ang kinakain ng anak ay “raw” vegan food—na kinabibilangan lang ng mga prutas, sunflower seed sprouts, fruit smoothies, and juices.
Bihira rin siyang uminom ng tubig.
Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura
Ang claim ni Zhanna sa kanyang diet, nagkakaroon siya ng body transformation at natutulungan siyang magmukhang bata kumpara sa kanyang mga kaedad.
Pero ang itinuturing niyang healthy diet ay tila siya ring nagdulot sa kanya ng maagang kamatayan.
Ayon pa sa ina ni Zhanna, ang ikinamatay ng anak ay maihahalintulad sa “cholera-like infection.”
Read: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam
ZHANNA NAGING EXHAUSTED AT NAMAGA ANG LEGS
Isang kaibigang influencer na hindi nagpakilala ang nagbunyag sa Independent na nang makita niya ito sa Sri Lanka ilang buwan na ang nakalilipas ay parang sobrang exhausted at hitsura.
Namamaga rin ang mga legs nito.
Pagbabahagi pa ng kaibigan ni Zhanna, pinauwi ito ng pamilya para magpagamot.
Gayunpaman, tumakas umano ito at nagpunta sa Malaysia.
Naging kapitbahay rin ng kaibigang ito sa Phuket si Zhanna, at nang makita niya raw ito ay natakot siya sa naging hitsura ng influencer.
Read: Rems Tuyay, hindi pasado sa board exam, pero, “Iyak lang... laban ulit.”
Ayon sa kaibigan ni Zhanna, “I lived one floor above her, and every day, I feared finding her lifeless body in the morning.
“I convinced her to seek treatment, but she didn’t make it.”
Bago namatay, pitong linggo ring walang paramdam sa social media si Zhanna.
Ang kanyang huling Instagram post ay isang video tungkol sa durian.
Nilagyan niya ito ng caption na: “It’s that fabulous time of year again – Durian season in Thailand!
“Wake up and smell the durian! For all you durian lovers out there, isn’t it just the best? And for those who haven’t yet experienced the joy of durian, you’re in for a wild ride!”
May isa rin siyang post na ang caption ay tila pahiwatig sa mangyayari sa kanya: “Life is meaningless, but worth living, provided you recognize it’s meaningless.”
Read: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone
MAG-INGAT SA “EXTREME FAD DIETS”
May paalala si Ritika Samaddar, ang regional head ng Nutrition and Dietetics sa Max Super Specialty Hospital, New Delhi, sa panayam ng The Indian Express matapos matalakay ang kaso ni Zhanna noong August 2.
Dapat daw magsilbi itong cautionary note lalo na sa mga mahihilig sa extreme fad diets at naniniwala sa mga social-media advisories sa halip na mag-stick sa basic nutritional logic.
Ani Samaddar, “Purely going by what she posted, it’s a miracle that she survived that long. Considering that she was living only on raw jackfruit, she was clearly suffering from a severe deficiency of protein, iron, calcium and vitamin B12.”
Read: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation
Paliwanag pa ng espesyalista, ang raw vegan diets ay sobrang mababa sa taglay na protein, calcium, Vitamin D, at vitamin B12, at nagreresulta sa anemia, nervous system damage, infertility, at heart disease.
Aniya, kung walang fats ang diet, ang fat-soluble vitamins ay hindi maa-absorb ng katawan.
Ipinaunawa rin ni Samaddar sa publiko na walang nutritionist na magrerekomenda ng fully vegan diet dahil hindi ito magbibigay sa katawan ng tao ng balanseng intake ng macronutrients and micronutrients.
At kung magpapaka-vegan diet man ang isang indibidwal, dapat pa ring may supplementation ng ibang pagkain—at higit sa lahat—kailangang nasa pamamatnubay ng isang nutritionist.
Dagdag pa niya, napakaraming misinformation tungkol sa raw food diets.
“Yes, they lead to weight loss, improved heart health and lower the risk of diabetes in the short term. But weight loss must be a sustainable model. And that can only happen with a balanced diet.”
Read: Surgeon nagpatulong sa janitor na putulin ang hinlalaki sa paa ng pasyente