32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

Alamin ang panganib ng “hyponatremia” o water toxicity.
by KC Cordero
Aug 9, 2023
Photo of Ashley Summers and her husband
Nakaramdam si Ashley Summers ng dehydration, at ang ginawa niya ay uminom nang uminom ng tubig—ngunit mas masama pala ang epekto niyon.

Mahilig mamasyal sa lawa si Ashley Summers, 35, ng Indiana, USA.

Noong July 4, 2023, nasa Lake Freeman siya malapit sa Monticello kasama ang asawa at dalawang anak na babae.

Ayon sa ulat ng WRTV, isang news website sa Indianapolis, nakaramdam si Ashley ng dehydration.

Masakit din ang kanyang ulo at nahihilo.

Ang ginawa niya ay uminom siya nang uminom ng tubig.

Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

Photo of Ashley Summers' family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ng kanyang kuya na si Devon Miller sa WRTV, “Someone said she drank four bottles of water in 20 minutes.”

Paliwanag pa ni Devon, “I mean, an average water bottle is like 16 ounces, so that was 64 ounces that she drank in the span of 20 minutes.

“That’s half a gallon.”

Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha

Nang makauwi na sa kanilang bahay, nawalan ng malay si Ashley habang nasa garahe.

Hindi na siya natauhan.

Ani Devon ay nalaman lang niya ang nangyari nang tawagan siya ng isa pang kapatid na babae na si Holly.

Sinabi ni Holly na isinugod ang kanilang kapatid sa ospital.

Namamaga umano ang utak ni Ashley.

Sinabi rin sa kanya ni Holly na hindi pa malaman ng mga doktor ang sanhi ng pamamaga ng utak ni Ashley, at kung paano iyon maibabalik sa normal.

Hindi na rin umano maganda ang lagay ni Ashley, na tuluyang pumanaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport

ANG SANHI NG KAMATAYAN

Sinabi ng mga doktor sa IU Health Arnett Hospital kung saan dinala si Ashley na “water toxicity” o “hyponatremia” ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Nangyayari ito kung ang sodium levels sa dugo ng tao ay nagiging “abnormally low.”

Photo of Ashley Summers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building

Ang pag-inom ng sobrang tubig ay maaaring maka-dilute ng sodium sa katawan ng tao, pero pinatataas naman nito ang water level ng katawan, at nagiging sanhi ng pamamaga ng mga body cells.

"There are certain things that can make someone more at risk for it, but the overall thing that happens is that you have too much water and not enough sodium in your body," ayon kay Dr. Blake Froberg, isang toxicologist sa ospital kung saan dinala si Ashley.

Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon

PANGANIB NG WATER TOXICITY

Bagaman at ang nangyari kay Ashley ay itinuturing na “rare circumstance,” ang water toxicity ay delikado.

Nakakadagdag sa panganib na hatid nito kung may medical conditions ang isang tao, at kung nakainom ng alcoholic beverages, lalung-lalo na ang beer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?

Ang sobrang pag-inom ng tubig ay nagiging sanhi ng seizures, coma, at kamatayan—tulad ng nangyari kay Ashley.

Ang mga atleta at mga taong may problema sa kidney ang prone sa water toxicity o hyponatremia.

Ayon sa Harvard School of Public Health, mas may posibilidad na tamaan nito ang mga babae at mga bata dahil mas maliit ang sukat ng kanilang katawan.

Read: Cancer survivor, naka-jackpot ng PHP50M as lotto bettor

ANO ANG MGA SINTOMAS AT PAANO MAIIWASAN NG WATER TOXICITY?

Para maiwasan ito, ang simpleng payo ni Joseph Verbalis, chairman of medicine ng Georgetown University Medical Center: “Drink to your thirst. It’s the best indicator.”

Ibig sabihin, kapag nakaramdam ng uhaw, uminom na agad ng tubig. Huwag hintaying ma-dehydrate, at pagkatapos ay saka iinom nang sobra.

Iniulat naman ng Mayo Clinic na ang sapat na dami ng tubig na dapat inumin ng isang babae sa loob ng isang araw ay 2.7 liters, kung saan ang 20 percent ng fluid ay galing sa mga pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo

Photo of water

Ipinayo rin ni Dr. Froberg na kung mainit ang panahon at nasa labas, o kaya ay sobra ang pag-eehersisyo, importante na may hydration plan.

"Making sure that you’re drinking things that have electrolytes and sodium and some potassium."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Dr. Froberg na ilan sa mga sintomas na mararanasan kapag may hyponatremia ay pagsama ng pakiramdam, pagkakaroon ng muscle cramps at headache, at pagsusuka.

Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”

Samantala, naging organ donor si Ashley, at nai-donate ang kanyang puso, atay, baga, kidneys at ang ilan sa kanyang long-bone tissue.

Sa kanyang pagpanaw, limang buhay naman ang nasagip.

Pinalalaganap din ngayon ng kanyang pamilya ang awareness tungkol sa panganib na hatid ng water toxicity.

Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakaramdam si Ashley Summers ng dehydration, at ang ginawa niya ay uminom nang uminom ng tubig—ngunit mas masama pala ang epekto niyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results