Marcelito Pomoy grateful the house he built for a lola in Quezon withstood bagyo

by PEP Lifestyle Interview: Melba R. Llanera
Nov 15, 2020
Marcelito Pomoy is glad that the lola he helped in Quezon was safe during the bagyo, thanks to the concrete house he built for her in May.
PHOTO/S: @marcelitopomoy8 on Instagram; Screen Grab from Marcelito Pomoy on YouTube

Sa sunud-sunod na bagyong tumama sa Quezon, naalala ni Marcelito Pomoy si Lola Aurora.

Nitong nakaraang quarantine, habang nasa standstilll ang iba't ibang bahagi ng Pilipinas, nakapagpatayo ang singer ng bagong bahay para sa matanda na nag-iisa na lang sa buhay.

Marcelito Pomoy

Saktong natapos ito bago dumating ang tag-ulan.

Continue reading below ↓

At masayang kinuwento ng singer sa presscon ng Net25 para sa seryeng Ang Daigdig Ko'y Ikaw na maayos ang kalagayan ni Lola Aurora.

"Tinanong ko siya, 'Nay kumusta ang bagyo?' Sabi niya mahimbing daw ang tulog niya. Tinanong ko siya kung sino kasama niya, siyempre yung mga kapitbahay niya noon na dun siya nakisilong pag bagyo.

"Ang mga kapitbahay niya naman ang sumilong sa kanya. Sobrang happy ako sa nangyari."

Alam ni Marcelito ang hirap ng buhay kaya't bukas ang puso niya sa mga taong nangangailangan.

Hindi sila magkaanu-ano ni Lola Aurora.

Nakita niya lamang ang post ng isang netizen na nagngangalang Aiza Hernandez, na kapitbahay ng matanda.

Hindi nag-atubiling mag-raise ng funds and Pilipinas Got Talent champion para maayos ang tinitirhan ni Lola Aurora.

Marcelito Pomoy, Aiza Hernadez

Continue reading below ↓

Pag-alala ni Marcelito during the presscon, "Yung bahay niya ay sobrang liit lang. Nag-post sa Facebook yung kapitbahay niya na baka may gustong tumulong.

"Pinuntahan ko mismo kung tunay talaga ito. Nung makita ko na totoo, pinagawan ko agad ng bahay.

"Tuwang-tuwa naman si Lola, di niya in-expect na magkakaroon siya ng ganung bahay."

Marcelito Pomoy, Lola Aurora

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ni Marcelito, "More than ten years siyang naka-stay dun sa parang CR na bahay.

"Nung pinagawan ko ng bahay, umiyak siya, sobrang nagpapasalamat.

"Sabi niya, mayroon pa palang busilak ang puso na tao na tutulong sa kanya."

Bukod sa pagpapagawa ng bahay, ipinamili rin ni Marcelito ng mga gamit si Lola Aurora.

May mesa at upuan, thermos, gamit sa pagluluto, bigas at groceries, higaan, at may kulambo pa na, ani Marcelito, "parang sa prinsesa."

Marcelito Pomoy, Lola Aurora

Continue reading below ↓

Nai-vlog ng singer ang pagpapagawa ng barong-barong noong May.

"Giniba po namin yung dating bahay ni nanay...napakaliit, para lang pong CR," panimula ng 36-year-old celebrity sa video.

Marcelito Pomoy, Lola Aurora

Sa maikling panayam niya noon kay Lola Aurora, sinbi sa kanyang "nag-iisa ako rito."

At tuwing bumabagyo raw. "tumutulo," kaya "umiiyak ako, nagdarasal ako."

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at naipagawa na ang bagong bahay bago dumating ang mga typhoons Rolly at Ulysses.

Sa lakas ng hangin na dulot ng dalawang bagyo, malamang ay nilipad ang dating kubo na tinitirhan ni Lola Aurora.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marcelito Pomoy is glad that the lola he helped in Quezon was safe during the bagyo, thanks to the concrete house he built for her in May.
PHOTO/S: @marcelitopomoy8 on Instagram; Screen Grab from Marcelito Pomoy on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results