Ai-Ai delas Alas tickled pink in Hello Kitty haven courtesy of hubby Gerald Sibayan

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2021
Ai-Ai delas Alas is the envy of Kitty White lovers with her entire home now a Hello Kitty haven courtesy of her husband Gerald Sibayan as an anniversary gift to her.
PHOTO/S: courtesy of Jojo Gabinete

Isang magandang sorpresa ang bumulaga kay Ai-Ai Delas Alas nang umuwi siya noong March 9, 2021.

Ang bahay niya sa Quezon City ay na-transform at nagmistulang palasyo ni Kitty White o mas kilala bilang Hello Kitty.

Pink ang naging dominant color at napuno ito ng Hello Kitty items—kasama ang ilaw, mirror, at throw pillows.

Maging ang couch ang may Hello Kitty bow print.

Ai Ai Delas Alas hello kitty house in QC

Continue reading below ↓

Halos dalawang buwan na nasa second leg ng lock-in taping ng Owe My Love sa Bocaue, Bulacan ang komedyana.

Matinding kaligayahan ang naramdaman ni Ai-Ai dahil sa sorpresang inihanda ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Alam ni Gerald na mahilig si Ai-Ai sa Hello Kitty at My Melody products ng Sanrio kaya ang renovation ng kanilang tahanan at gawin ito na mistulang Sanrio land ang naisip niya na anniversary gift sa kanyang asawa.

Ai Ai Delas Alas hello kitty house receiving area

Continue reading below ↓

"Naluha ako,” ang sabi ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa reaksiyon nito nang makita ang malaking pagbabago sa kanilang tahanan na kulay pink ang buong paligid.

"Habang naka-lock in taping ako sa Owe My Love, ipinapagawa na pala niya ang bahay namin. Yung kinita niya sa online siomai, dun ginamit ni Gerald.

"Nag-hire siya ng interior decorator para ma-achieve ang gusto niyang look ng aming bahay. Alam ni Gerald kung saan ako liligaya. Hindi ako maluho sa mga gamit, bag o sapatos. Mahilig lang ako sa maganda, malinis at maayos na bahay.”

Husband Gerald Sibayan in Hello Kitty themed bedroom

Continue reading below ↓

Binalikang-tanaw ni Ai-Ai yung mga panahong nagsisimula pa lamang siyang mangulekta ng mga items na related sa famous fictional character.

"Noong high-school student ako, mahilig ako sa mga Hello Kitty at My Melody items. Iniipon ko noon ang baon ko. Paramihan kami ng bestfriend ko ng pin sa necktie pero palaging Lotlot [talo] ako dahil mayaman ang pamilya niya kaya natapos ang hilig ko sa Sanrio products."

AI-AI DELAS ALAS HELLO KITTY BEDROOM

Ang bed, headboard sofa, TV frame ay may Hello Kitty.

Ai Ai Delas Alas hello kitty bedroom

Continue reading below ↓

Ai Ai Delas Alas bedroom filled with hello kitty stuff

Ang cute na dressing table ng 56-year-old star.

Ai Ai Delas Alas hello kitty dressing table

Continue reading below ↓

Ai Ai Delas Alas pink hello kitty bedroom

Ipinagdiriwang nina Ai-Ai at Gerald ang kanilang anibersaryo bilang boyfriend at girlfriend tuwing April 12 dahil ito ang petsa na una nilang nakilala ang isa’t-isa.

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Parish, Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017, pero sa April 12, ang ika-pitong anibersaryo ng unang pagkikita nila, ang kanilang gugunitain.

Continue reading below ↓

AI-AI DELAS ALAS HELLO KITTY DINING AREA

Ang mga place mats, upuan, jars, at electric fan ay may Hello Kitty.

Ai Ai Delas Alas hello kitty dining area

Ai Ai Delas Alas pink refrigerator

Continue reading below ↓

Yung isa pang dining set ay gumamit naman ng Hello Kitty table cloth at seat covers.

Ai Ai Delas Alas dining area with hello kitty table cloth

Continue reading below ↓

Ai Ai Delas Alas dining area with hello kitty seat covers

Ang ate ni Ai-Ai ang unang nagkahilig sa Hello Kitty.

Kuwento ng Kpauso comedienne, "Yung ate ko na panganay, si Ate Joan, siya naman ang nahilig sa pagkolekta ng Hello Kitty.

"Hinayaan ko na siya kaya naging collector ako ng Minne Mouse items.

"Ngayon, parang nawalan na si Ate ng interes sa Hello Kitty kaya sinabi ko sa kanya na ako na lang uli ang magkokolekta ng Sanrio products dahil deep in my heart, siya pa rin ang gusto ko at bukod sa apple green, pink ang favorite color ko.

Continue reading below ↓

"Sobrang nakaka-good vibes. Sumaya ako sa gitna ng pandemyang ito" ang pahayag ni Ai-Ai tungkol sa kanyang nanumbalik na obsession sa everything Hello Kitty.

Hindi lamang Hello Kitty items ang koleksiyon ni Ai-Ai dahil nagmamay-ari rin siya ng napakarami at iba’t-ibang klase ng Minnie Mouse at Barbie dolls na balak niyang ibigay bilang donasyon sa darating na Pasko para sa mga bata na inaalagaan ng mga charity foundation.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas is the envy of Kitty White lovers with her entire home now a Hello Kitty haven courtesy of her husband Gerald Sibayan as an anniversary gift to her.
PHOTO/S: courtesy of Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results