Lucy Torres, Richard Gomez relish probinsiya life in Ormoc

by Julie E. Bonifacio
Jun 30, 2021
Lucy Torres on husband Richard Gomez's love for cooking at their Ormoc home: "Siguro nga because he grew up with his lola and he would hang around daw the kitchen when she would cook. And she always cooked three meals a day."
PHOTO/S: Richard Gomez YouTube

Abala man sa pamamahala at pagbibigay-serbisyo sa mga taga-Ormoc, nai-enjoy nang husto ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang buhay probinsiya.

Kaya kahit lockdown ay marami silang naging libangan sa loob ng kanilang bahay.

Si Lucy ay fourth district representative sa Leyte, habang si Richard ay mayor ng Ormoc City.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media via Zoom call sina Richard at Lucy noong June 21, 2021.

Sa kaso raw ni Richard, naisip niyang ipakita ang hilig sa pagluluto sa kanyang online cooking show na Goma At Home.

Lahad ni Richard: "February of last year sinimulan ko iyong Goma At Home. Ayun, na-enhance na lang iyon simula nung nagkaroon ng pandemya.

"Kaya natutuwa naman ako, kasi kapag weekends, as a mayor, siyempre, walang opisina iyong City Hall. Lahat ng tao naka-weekend at nagpapahinga.

"Iyon naman iyong time na kapag wala akong ginagawa as mayor, talagang wala kang ginagawa. Hahaha! Actually, nasa bahay ka lang.

Continue reading below ↓

"So, might as well do a vlog on cooking. Okay naman. Masaya naman. Maraming nanonood."

Pampa-relax daw ni Richard ang paggawa ng cooking vlogs sa tulong ng kanyang production team.

Continue reading below ↓

"Stress reliever talaga ang pagluluto. Ano lang, simple lang, masaya lang.

"Parang anim na tao lang kami, e. Ako, 'tapos iyong camera crew. 'Tapos iyong pinaka-isang tao na ginagawa kong parang EP [executive producer] namin. Yun lang.

"Maliit lang ang crew ko. 'Tapos every week nag-iisip na kami, 'Ano ba'ng gagawin nating luto next?'"

May mga sariling recipe si Richard na niluluto niya sa Goma At Home vlogs, at ang ibang ingredients ay pinipitas niya mismo sa mga tanim na gulay sa bahay nila ni Lucy.

Kadalasan ay patok sa netizens ang kanyang simpleng Pinoy dishes.

"Siyempre pipili ka rin kung ano iyong popular sa mga tao, e. Hindi ako puwede nung kung ano iyong gusto ko. Sinubukan ko iyong medyo high-end nang konti, makikita mo iyong viewers mababa.

"Pero kapag kumuha ka talaga ng Pinoy dish—iyong mga tapa, sinigang—iyon talaga ang mga best-seller.

"Iyong mga ginisang pechay, best-seller talaga sila. Isa sa pinakamalakas na views iyon. Almost two million views iyon."

Continue reading below ↓

LUCY SAYS RICHARD HAS ALWAYS COOKED FOR THEIR FAMILY

Ipinagmalaki ni Lucy na marami nang naluto ang asawa para sa kanya at anak nila na si Juliana.

"Actually po ano, I only wanted to add lang na sa cooking show niya, actually, it's nothing out of the ordinary because he really does it lang for us on a daily basis.

Continue reading below ↓

"Parang that's his stress reliever. Ang difference lang ngayon is he actually started filming it.

"Pero in terms of how often he cooks for the family? He's been doing that for the longest time.

"Siguro nga because he grew up with his lola, and he would hang around daw the kitchen when she would cook. And she always cooked three meals a day."

Ano ang paborito niyang dish na luto ni Richard?

Sagot ni Lucy, "In terms of favorites, mabilis lang pasayahin ang appetite ko. Kasi, Iike simple food lang, e. Gusto ko lang mga adobo, mga Pinoy din. Mga tipong lutong-bahay."

Continue reading below ↓

LUCY'S HOMEMAKING SKILLS

Aminado si Lucy na hindi niya talent ang pagluluto. Pero may ibang gawaing-bahay na pinagkakaabalahan si Lucy.

"Ay, oo!" bulalas ni Lucy tungkol sa kanyang homemaking skills.

"Parang I was telling nga Richard when people complain na bored sila sa lockdown, I've never had the time to be bored because everything na hobbies ko before, I just sort of pick up again.

"So, nagtatahi ako, nag-renovate ako ng mga kuwarto, nagpagawa ako ng bahay ng mga hayop."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lucy Torres on husband Richard Gomez's love for cooking at their Ormoc home: "Siguro nga because he grew up with his lola and he would hang around daw the kitchen when she would cook. And she always cooked three meals a day."
PHOTO/S: Richard Gomez YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results